China. PAGKARAAN sa Java, matatagpuan ang Cocchi (Cochinchina, dating pangalan ng mga bahagi ng Vietnam, Laos at Cambodia o Kampuchea) na ang hari ay tinawag na Raia Seribunnipala. Malapit dito makikita ang Kalakihang China (China the Great) na ang hari ay pinaka-malakas sa buong mondo at ang pangalan niya ay Santhoa Raia (Chit Sung, emperador ng Ming dynasty, 1519 - 1564. Marami sa sumusunod na ulat dito ni Pigafetta ay batay sa mga hayag ni Marco Polo). May 70 hari na nagsisilbi sa ilalim ng China. Ang daungan (port) ay tinawag na Guantau (Canton dati, Guandong ngayon). Sa napakaraming mga lungsod, may 2 pangunahin, tinawag na Namchin (Nanking o Nanjing) at Commilaha (Cambaluc dati, Peking o Beijing ngayon) kung saan nakatira ang hari, napapaligiran ng 4 niyang pinaka-mataas na pinuno, tig-isa sa hilaga (north), silangan (east), timog (south) at kanluran (west), at humaharap sa mga tao lamang na galing sa panig na pinamamahalaan nila. |
Ang Unang Español
ni Antonio Pigafetta |
Lahat ng hari at panginuon (lords) ng Kalakihang India (Greater India) at ng Hilagang India (Upper India) ay sumusunod sa hari ng China. At upang ipahiwatig ang kanilang pagsisilbi, naglalagay ang bawat isa sa gitna ng plaza ng isang marmol (marble) na inukit sa larawan ng isang dambuhala, mas makisig at mas matapang kaysa leon, at tinawag na cingha (dragon). At ito ang sagisag (seal) ng hari ng China. Lahat ng pumupunta sa China ay kailangang may dalang tatak nito na inukit sa pagkit (wax) na nakadikit sa ibabaw ng ipin ng elepante (piece of ivory). Kung wala, hindi sila pinapa-pasok sa daungan (port). |
|
![]() Hindi nagpapakita ang hari sa mga tao. Kung nais niyang masdan ang mga tao, umuupo siya sa isang mamahaling trono na inukit ng mga dalubhasa at kinulayan hawig sa peacock (pavo real). Sa luob ng nagha - sasakyang inukit hawig sa isang ahas (serpent) na may ventana (window) sa harapan na may takip na salamin (glass) - kasama niya ang 6 sa mga pangunahing niyang babae (concubines), nakadamit tulad sa kanya. Kaya paglibot niya, nakikita niya ang mga tao subalit dahil sa 6 babaing kasama, hindi siya nakikilala ng mga tao. Kapatid niya ang asawa ng hari, upang hindi mahaluan ang maharlikang dugo (royal blood) nila. May 79 malalaking silid (halls) ang palacio ng hari, isang araw ang kailangan upang mapasyalan lahat. Pulos mga babae ng hari ang nakatira duon at laging may nakasindi duong mga sulo (burning torches). Sa tuktok ng palacio, may 4 silid kung saan ipinalalagay ng hari ang mga handog na ginto o anumang kayamanan bilang buwis (tribute). Ang isa sa mga silid ay may palamuting tanso (copper). Ang pang-2 silid ay may palamuting pilak (silver), ang pang-3 ay ginto (gold), at ang huli ay mga perlas at mamahaling bato (pearls and precious stones). Kapag nagpupugay ang mga pinuno, kanilang hinahayag, ‘Parangal namin ito sa aming Santhor Raia.’ |
|
Nakapaligid sa palacio (palace) ng hari ang 7 pader (7 circles of walls). Binabantayan ng 10,000 tanod (guardias, guards) ang bawat isa. Kapag tumunog ang mga kalembang (campanas, bells), lumalabas ang mga bantay sa bawat pader. Ang mga tanod ay naghahalilihan sa araw at gabi. Ang bawat pader ay may isang pintuan (gate). Sa unang pinto nakatayo ang isang satu horan (isang lalaki, portero, gatekeeper) na may hawak na satu bagan (isang bakawan, thick stick). Sa susunod na pinto nakatanod ang satu hain (aso, perro, dog). Sa harap ng pang-3 pinto, nakatayo ang satu horan (isang lalaki) na may hawak na satu bagan (batutang bakal, iron mace) o pocun besin (pamukpok na bakal, iron club). Sa ika-4 pinto, ang hawak ng lalaki ay anat panan (pana at palaso, bow and arrows); sa susunod na pinto, ang hawak naman ay tumach (sibat, lance). Sa ika-6 na pintuan, ang bantay ay satu huriman (isang halimaw, karaniwang tigre, tiger) at sa huling pinto nakabantay ang 2 gaggia pute (2 puting elepante, white elephants). Lahat ng ito at marami pang iba ay isinalaysay (cuento, narration) sa amin ng isang Moro. Nasaksihan daw niyang lahat ito. |
Duon nanggagaling ang musk (maamoy na langis, gamit sa pabango) na tinawag na castori at mula sa isang hayop na parang pusa, walang kinakain kundi malambot at matamis na kahoy, maninipis na patpat na tinawag na commaru. At ganito sila kumukuha ng musk. Kinakabitan nila ng linta (leech) ang katawan ng pusa at iniiwan hanggang lumaki ang linta sa dami ng dugo na nasipsip. Saka nila pinipiga ang linta sa isang mangkok at pinaa-arawan ang dugo nang 4 - 5 araw. Pagkatapos, nilulublob sa ihi (urine) ng pusa at pinaa-arawan uli nang ilang araw hanggang maging musk. Lahat ng may-ari ng hayop na ito ay kailangang magbayad ng buwis (tribute) sa hari. May huwad (falso, fake) na musk, butil-butil na gawa sa carne ng kambing na hinaluan ng kaunting tunay na musk. Ngunit ang tunay na musk ay gawa sa dugo ng pusang iyon, at kapag ito ay naging butil-butil, panis (spoilt) na ito. Mapuputi ang mga tao sa China at nagdadamit. Sa hapag (mesa, table) sila kumakain, gaya natin. At mayruon silang mga cross subalit hindi nila alam kung bakit sila mayruon nito. |
PABAYBAY sa dalapamsigan ng China, marami kaming natuklasang mga tao. At ang mga ito ay ang mga Chienchii (Chincheo, sa Fookien o Fujian, tinawag ni Marco Polo na Zayton, ang malaking daungan ng Cathay) na nakatira sa mga pulo-pulo at sumisisid sa perlas at nagpapatubo ng cinnamon. Ang mga Lechii ay nakatira sa punong lupain (mainland) at sa itaas ng daungan nila ay may isang bundok kaya lahat ng barko at dyong na pumasok ay kailangang alisan ng layag (sails) at ibaba ang palo - ang tukod ng layag (poste, mast). Ang hari ng Lechii ay tinawag na Mon, at 20 hari ang nagsisilbi sa kanya, at siya naman ay nagsisilbi sa hari ng China, at ang kaharian niya ay tinawag na Baranaci. At nanduon ang tinawag na Kalakihang Cathay ng silangan (Cathay the Great of the east). ( Ang Lechii na tinukoy ni Pigafetta ay maaaring ang Linching, sa Shantung, hilaga ng Yellow River. Ang Lechii nuon ay karaniwang tukoy sa mga taga-Lequios, ang kapuluang tinatawag ngayong Ryukyu Islands, kabilang ang Okinawa at, nuon, pati na ang malaking pulo na tinatawag ngayong Taiwan. Ang mga Mon ay pangkat ng mga tao na nagtatag ng kaharian sa Silangang Timog (southeast) Asia nuong nakaraan.) |
![]() Sa mga bundok na malapit duon, sa punong lupain (mainland Asia), may mga tao na pinapatay ang kanilang mga magulang kapag matanda na upang hindi sila maghirap pa at makaramdam ng sakit. Pagano lahat ang tao sa mga puok na iyon. |
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |