India. MARTES ng hatinggabi, malapit mag-Miercoles, Febrero 11, 1522, umalis kami sa Timor at lumaot sa malawak na dagat, tinawag na Laut Chidol (‘dagat timog,’ pangalan ng mga taga-Java sa tinatawag ngayong Indian Ocean). Naglayag kami sa pagitan ng kanluran at kanlurang timog (west by southwest). Sa takot namin sa mga Portuguese, iniwan namin sa dakong kanan, bandang hilaga, ang pulo ng Zamatra na tinawag nuong unang panahon na Trapobana. ( Trapobana, nuong panahon pa ng ancient Rome, ang tukoy sa Sri Langka (tinawag ding Ceylon dati) ang malaking pulo sa tabi ng India, subalit dahil sa walang tamang mapa, inakala nuong panahon ni Magellan na Sumatra ang Trapobana. Itong tumagal na pagkakamali ang dahilang Indonesia o ‘mga pulo ng India’ ang naging pangalan ng malayong bayan.
|
![]() ![]() Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
ni Antonio Pigafetta |
|
Sumasakop nuon sa kalapit na kaharian ng Malacca, naglipana ang mga Portuguese sa Sumatra. Duon napulot ni Magellan ang alipin, si Enrique, nuong 1511 nang sundalo pa siya sa hukbong Portuguese. Karibal ng Español sa paghanap at pagkalakal ng spices, malamang dinakip at ikinulong sina Pigafetta kung natagpuan ng mga Portuguese, na may ilang kuta rin sa mga baybayin ng India.) Pagtagal, nakita namin ang mga pulo ng Pegu, Bengala (Bengal, Bangladesh ang tawag ngayon, at hindi pulo kundi bahagi ng continent ng Asia), Vrizza (Orissa), Chelin (Quilon) kung saan namamahay ang mga Malabari (Malabar) sa ilalim ng hari ng Marsinque, ang Calicut na nasa ilalim din ng hari na iyon, at ang Cambaia (Cambay) na tirahan ng mga Gurazati (Gujarat), ang Cananor, Gon (Goa), Amux (Ormuz) at lahat ng iba pang baybayin ng Kalakihang India (India the Great). Sa India, may 6 na clase ng tao:
|
4. Ang Panggelini, ang mga magdaragat
5. Ang Macuai, ang mga mangingisda 6. Ang Poleai, ang mga magsasaka ng palay Ang mga Nairi at mga Panichali are malayang nag-uugnay. Ang mga Poleai ay hindi maaaring humipo (untouchables) sa mga ibang uri ng tao. Lagi silang nasa bukid at bihira pumasok sa kabayanan. Kapag may inaabot sa kanila, inilalagay sa lupa sa harap nila, saka lamang nila napupulot at nakukuha. Kapag naglalakad sila sa mga lansangan, panay ang sigaw nila ng ‘Po! Po! Po!’ bilang babala sa mga ibang tao. Nasabi sa amin na minsan, isang Nair ang nasalya ng isang Polea, hindi naman sinasadya ngunit hindi natiis ng Nair ang kahihiyan kaya ipinapatay niya ang Polea. ( Sa katunayan, 4 lamang ang mga clase, tinawag na caste (bigkas: KAST), ng tao sa India - ang mga Brahmin o mga pari, ang mga Naeri o mga mandirigma, ang mga Vaishas, mga magbubukid o husbandmen, at ang mga Shudras, mga nagsisilbi o servile caste. Ang mga ito ay hati-hati sa iba’t ibang sub-caste, karamihan ay inilista ni Pigafetta. Sa lahat ng caste, mas mababa ang babae kaysa sa lalaki.) |
|
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |