Palusot.

UPANG maka-ikot sa Cabo da Boa Esperanza (Cape of Good Hope), 1,600 leguas (10,240 kilometro) mula sa Cabo de Malacca, bumaling kami sa kaliwa hanggang ika-42 guhit patimog kahit na nasa ika-34½ guhit patimog lamang ang cabo. Nanatili kami sa malapit ng cabo nang 7 linggo, nakatupi ang mga layag, dahil sa salungat na hangin - pasalubong ang ihip - at dahil sa isang malakas na bagyo.

Ito ang pinaka-malaki at pinaka-mapanganib na cabo sa buong mondo. Ang ibang kasama namin, lalo na ang mga maysakit, ay nais sumuko na sa mga Portuguese sa kanilang kuta (fuerza, fort), tinawag na Mozambique dahil pinapasok na ng tubig ang barko, at naninigas na kami sa ginaw, at lalo na dahil wala na kaming makain maliban sa kanin at tubig sapagkat naubos ang aming asin at nabulok ang mga carne na dala namin.

Ngunit ang iba sa amin, higit na minahalaga ang

Pigafetta Ferdinand Magellan     FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
Primo viaggio intorno al mondo

ni Antonio Pigafetta

Africa
karangalan kaysa buhay, matibay ang pasiyang magpatuloy sa España kahit na ikamatay naming lahat.

Pagtagal, sa tulong ng Dios, nakalusot din kami nuong Mayo 6, 1522. Nang 5 leguas (32

kilometro) lamang ang layo sa cabo, napilitan kaming lumapit nang napakalapit at kung hindi, malamang hindi na kami nakapuslit duon.

Tapos, naglayag kami papuntang kanlurang hilaga (northwest) nang 2 buwan walang hinto, kahit mag-carga ng pagkain at inumin. At sa maigsing panahon na iyon, 21 mga kasamahan namin ang namatay. Nang ilibing namin sila sa dagat, lumubog silang patihaya, nakaharap ang mga mukha sa langit. Ang mga indio ay inilibing namin nang padapa, nakaharap sa dagat ang mga mukha. At kung hindi kami binigyan ng Dios ng magandang panahon, maaaring namatay kaming lahat sa gutom.

SA  WAKAS, nakarating kami sa Cabo Verde (Cape Verde Islands) at duon kami tumigil, kahit na sakop ito ng mga Portuguese, dahil sa laki ng aming gutom at uhaw. Nuong Miercoles, Julio 9, 1522, dumaong kami sa pulo na tinawag na Santiago (Saint James), at mabilis kaming nagpadala ng bangka upang mag-carga ng Victoria pagkain at tubig.

Ang ipinasabi namin sa mga Portuguese ay nabali ang unang palo, ang poste ng layag sa harap ng barko (foremast), nuong nasa Equator kami, kahit na nangyari ito nuong pumupuslit kami sa Cabo da Boa Esperanza Sabi namin, habang kinukumpuni ang aming barko, ang aming capitan general, kasama ang 2 pang barko ng aming pangkat-dagat (fleet), ay nagpa-una na, papuntang España. Madali kaming nakabili ng 2 bangka (boatloads) ng bigas.

Inutos namin sa mga nagbangka na tanungin sa mga tagapulo kung anong araw (petsa, date) na. Ang sagot sa kanila ay Jueves ang araw na iyon (Julio 10), na ikinagulat nila dahil sa aming tunton, Miercoles pa lamang nuon. Hindi namin matanto kung paano kami nagkamali sa pagbilang sa mga araw. Araw-araw, isinulat ko ang petsa nang walang maliw sapagkat kahit minsan ay hindi ako

nagkasakit.

Sa mga sumunod na araw, nabatid namin na walang pagkakamali sapagkat naglayag kami nang laging papuntang kanluran (westward) at nagbalik duon din sa puok na pinagmulan namin at dahil dito nagkaruon kami ng isang araw na dagdag (ayon kay Gaspare Contarini, ang embajador ng Venice sa España).

Nang lumapag muli ang mga bangka namin upang maghakot ng pagkain, 13 mga kasama namin ay dinakip ng mga Portuguese. Dali-dali kaming naglayag patakas.

Pagkaraan ng mga araw, nabalitaan namin sa España na dinakip ang 13 dahil isa sa kanila ang nagsumbong sa mga Portuguese na patay na ang aming capitan pati na ang karamihan ng mga tauhan, at takot kaming bumalik sa España dahil baka kami dambungin ng mga ibang barko.

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata