España! NUONG Septiembre 6, 1522, Sabado, pumasok kami sa lawa ng San Lucar (Bay of San Lucar) at 18 na lamang kami, karamihan pa ay may sakit, sa 60 tauhang lumaot mula sa Molucca. May mga namatay sa gutom, ang iba ay tumakas sa pulo ng Timor, at ang iba naman ay binitay dahil sa kanilang mga kasalanan. Mula nuong umalis kami sa San Lucar hanggang sa pagbalik naming ito, nakapaglayag kami ng 14,460 leguas at lubusang naikot ang mondo mula silangan hanggang kanluran (from
east to west). Nuong Septiembre 8, 1522, Lunes, nagbaba
kami ng ankla (anchor) sa tabi ng muelle
Kinabukasan, lahat kami ay lumapag, naka-camiseta lamang at nakayapak, may hawak na sulo (torch) ang bawat isa, at nagtungo sa |
Ang Unang Español
ni Antonio Pigafetta |
dambana (altar, shrine) ng Sancta Maria de la Victoria at sa altar ng Sancta Maria de Antigua, upang magpa-salamat at upang magpanata. Mula Sevilla, nagtungo ako sa Valladolid at duon ko hinandog sa kanyang banal na kamahalan, si Don Carlos (Charles 5, hari ng España), hindi ginto o pilak kundi isang bagay na minamahalaga ng isang panginuon na gaya niya. Kasama sa mga handog ko sa kanya ang aklat (libro, book) na sinulat ko sa sariling kamay ukol sa lahat ng nangyayari, araw-araw, sa aming paglayag. Tapos, ako ay lumisan at nagtungo sa Portugal at naghayag sa hari, si Dom Joao (John 3), ng mga bagay na aking nasaksihan. At, pagka-tawid sa España, tumuloy ako sa France upang maghandog ng ilang bagay mula sa kabila ng mondo sa Regina Regente (Louise de Savoy), ang ina ng matimtimang hari, si Francois (Francis I). Nagtungo ako pagkatapos sa Italya kung saan na ako nanirahan nang palagi, at nagsilbi na lamang sa pinaka-bantog at magiting na panginuon (lord), ang tunay at karapat-dapat na Grand Master ng Rhodes. Ang Cavallero,
|
|
MAKAPIGIL-HININGA ang ulat ni Pigafetta na umabot 14,460 leguas ang nilakbay nila paikot sa mondo, na sa kanyang sukat ng 6.4 ay abot sa 92,544 kilometro. Kahit na sa sumunod at karaniwang 4.8 sukat sa legua, lumabas na 69,408 kilometro ang lakbay. Kahindik-hindik, lalo na’t lawak nang alam sa Europa nuon pa, na bandang 25,000 millaje (o 40,225 kilometro) lamang ang sukat ng daigdig paikot (circumference), sa tantiya ni Eratosthenes sa ancient Greece nuong pang mahigit 2,250 taon sa nakaraan.
Subalit alalahanin na, una, ang mga pangsukat nuon ay saliwa, hindi na wasto sa simula pa lamang, madalas pang magbago araw-araw, batay sa panahon at material ng |
![]() |
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |