Pagkatapos.

PAGKASULAT nitong aklat para kay Philippe de Villiers L‘Isle-Adam, ang Grand Master niya, nagtuloy si Pigafetta sa Roma upang maghayag sa bagong Papa, si Clement 7, at naglagi duon mula Deciembre 1523 hanggang Enero 1524.

Itinanghal na malaking tagumpay ang paglakbay dahil sa pag-ikot sa mondo sa kauna-unahang pagkakataon, at sa mahigit 24,300 kilo ng kiandi (clovas, cloves) na naibalik nina Pigafetta sa España. Sa yamang nakamal, nabayaran ang pundar sa pangkat-dagat ng hari, si Carlos 5, at kumita pa.

Hindi nahayag kung nakabahagi ang 13 tauhang dinakip ng mga Portuguese sa pulo ng Santiago sa Cabo Verde, na nakabalik din sa España pagkaraan ng maraming araw. Namatay ang asawa at anak ni Magellan bago nakabalik ang barkong Victoria kaya walang napala ang familia niya sa paglakbay.

Pigafetta Ferdinand Magellan

FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas

Primo viaggio intorno al mondo
ni Antonio Pigafetta

Samantala, naging mayaman habang buhay sina Pigafetta sa kinita ng clovas na katumbas nuon ng 6 tupa (sheep) ang halaga ng bawat kilo.

Magiting (cavallero, knight) ang turing sa sarili, anak si Pigafetta ng mga maharlika sa Vicenza, sa Venice, Italy. Bagaman at malabo ang unang bahagi ng buhay niya, hindi matiyak kung kailan siya isinilang, inakalang 30 taon gulang na nang naglakbay sa Pilipinas, at caballero ng Order of Saint John of Jerusalem, may karanasan na sa digmaan laban sa mga Muslim ng Turkey sa Mediterranean Sea, karanasang nagamit niya sa maraming pakikilaban ng mga Español, lalo na sa Mactan nang nanatili siyang nakikibaka sa tabi

ni Magellan hanggang sa huli.

At kahit na mahina siya sa paglayag at pagsulat (patalon-talon at pira-piraso ang pahayag niya), ang kanyang tala-arawan (diary, journal) ang pinaka-malinaw at pinaka-sapat na pag-ulat sa mga mahalagang pangyayari sa Pilipinas, at sa daigdig (mondo, world) nuon.

Lumabas sa mga ulat ang galing ni Pigafetta na makitungo sa ibang tao. Laging siya ang pinili na makipag-usap, lalo na sa mga tagapulo (islanders) at taga-ibang bayan na nakatagpo nila. Kaya naman puno ang kanyang pahayag ng mga bagay-bagay na nausisa niya sa mga tao.

Del Cano LANTAD din sa ulat ang pagmamahal ni Pigafetta kay Magellan, at ang pagkamuhi niya kay Sebastian del Cano, minsan lamang niya binanggit kahit na si Del Cano ang pinuno ng Victoria pabalik sa España. Nailihim ni Del Cano ang kanyang sapakat sa pag-aklas laban kay Magellan at, pagkabalik sa Sevilla, nakamit niya ang karangalan ng pag-ikot sa mondo. Ngunit sa sumunod na paglakbay pabalik sa Pilipinas nuong 1525, sa pumumuno ni Juan Garcia de Loaysa, namatay si Del Cano sa gitna ng Pacific Ocean, matapos niyang palitan bilang pinuno si De Loaysa, na unang namatay. Ilang paglalakbay pa ang nabigo bago nasakop ng mga Español ang Pilipinas.

Tuluyang sinakop naman ng mga Portuguese ang mga pulo ng Maluku at mga katabi, ngunit sa paglawak ng kapangyarihan ng mga ibang bayan sa Europe, madali silang napalitan ng mga Dutch ng Netherlands (Holland) na sumakop sa kapuluan ng Maluku at sa buong Indonesia.

Lagda ni PigafettaNATAPOS isulat ni Pigafetta ang kanyang salaysay bago mag-Agosto 1524 at naibigay sa kanyang grand master. Bago pa nuon, naibigay niya ang ilang unang copia ng mga bahagi ng salaysay sa hari ng España at sa Papa sa Rome. Humingi at nakamit niya ang tanging karapatang ipalathala (copyright) ito mula sa mga pinuno ng Venicia (Venice) subalit hindi naipalathala ang buong salaysay niya kundi nuong pagkaraan ng kulang-kulang 100 taon.

Ang unang libro ng paglakbay ni Magellan, tinawag na De Moluccis Insulis (Of the Molucca Islands), ay nilatha sa Rome nuong Noviembre 1523, at sa Cologne (bahagi ng Germany ngayon) nuon 1524. Ang aklat ay sinulat ni Maximilianus Transylvanus (Maximilian of Transylvania, bahagi ngayon ng Rumania), isang kilalang manalaysay (historian) na nakapanayam sa Valladolid, España, nina Del Cano at 2 pang kasama sa mga naglakbay, sina Francisco Albo at Hernando de Bustamante, pagkabalik nila sa España nuong 1522.

Bagaman at nauna ang pahayag ni Maximilianus, na bantog nuon, tanyag ngayon ang pahayag ni Pigafetta bilang mas tama at mas mahabang ulat ng unang paglakbay sa Pilipinas at iba’t iba pang kapuluan sa Asia sapagkat siya mismo ay saksi sa mga naganap.

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata