Ang Mga Naiwan, 1522. MINALAS ang mga tauhan na naiwan sa Maluku. Si Joao Carvalho, ang pinalitan capitan ng barkong Trinidad nuong Septiembre 27, 1521, ay nagpaiwan sa pulo Tidor, kasama ng 53 tauhan. Bago pa nakumpuni at nakaalis ang Trinidad, namatay siya duon nuong Febrero 14, 1522. Si Gonzalo Gomez de Espinosa, ang pinunong pulis na pumalit kay Carvalho, ay umalis sa Tidor nuong Abril 6, 1522, kasama ang karamihan ng mga tauhan. May ilan na nagpaiwan nang tuluyan sa Tidor. Ang Trinidad ay naglayag sa Pacific Ocean, nakarating sa Marianas Islands (ang tinawag na Dos Ladrones) at nagpatuloy papuntang silangang hilaga (northeast). Samantala, dumating sa Ternate ang mga Portuguese sa isang pangkat-dagat, 7 barko na pinamunuan ni Antonio de Brito, nuong Mayo 13, 1522, lagpas lamang ng isang buwan pagkaalis ng Trinidad. Nagsimulang magtayo ng isang kuta (fuerza, fort) ang mga Portuguese. Ang Trinidad |
![]() ![]() Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
ni Antonio Pigafetta |
|
naman ay nakarating hanggang ika-43 guhit pahilaga, kapantay ng hilagang Japan. Dahil 3 sa bawat 5 tauhan ay namatay na sa gutom, sakit at ginaw nang nakarating duon, nagpasiya ang mga buhay pa na bumalik sa Maluku, subalit nagkasakit silang lahat at ang narating lamang nila ay ang mga pulo ng Domi at Batechina sa gitna ng Pacific Ocean, mahigit 5,000 kilometro ang layo sa Maluku.
May isang parao na nagdaan duon, sakay ang mga tauhan ng hari ng Gilolo, at ibinalita sa kanila ang pagdating ng mga Portuguese sa Maluku. Nakiusap ang mga Español sa Portuguese na sunduin sila duon sapagkat hindi na sila nakapaglayag pa. Pagkatanggap ng sulat, agad |
ipinasundo ni De Brito kay Dom Gonzalo Amriquiz, capitan ng fuerza sa Ternate. Hinahakot ng mga Portuguese ang mga carga ng Trinidad nang tamaan sila ng bagyo at nasadlak sa pampang ang barko.
Sumama na lamang sa mga Portuguese ang 23 tauhan ng Trinidad na buhay pa, at sa Ternate, nuong Noviembre 1522, sumuko sila at dinakip ng mga Portuguese. Si Pedro Afonso de Lorosa, ang takas na Portuguese, ay kasama sa barkong Trinidad at dinakip ni De Brito. Binitay siya bilang taksil (traitor). Sa mga dinakip at ibinalik sa Europe ng mga Portuguese, si Espinosa at 3 kasama lamang ang nakabalik sa España, nuong 1525. Isa sa kanila ang piloto na taga-Genoa (sa Italia) na nag-ulat ng mga nangyari sa Trinidad pagkaalis ng barkong Victoria. Ayon kay R.A. Skelton ng British Museum, siya si Giovanni Batista Punzarol o si Leone Poncalbo, kapwa dinakip sa Ternate at isinama pabalik sa Portugal ni Dom Amriqui de Menezes nuong 1524. |
|
![]() |
||
Magellan’s Voyage: A Narrative of the First Circumnavigation, by Antonio Pigafetta, |
||
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Pang-email, salamat po! |