Burol, Luksa, Multo at mga Dios

SA lahat ng mga baranggay at iba pang bahagi nitong kapuluang Filipinas, walang simbahan (templo, church) o takdang puok ng pagsamba, pag-alay at panalangin ng mga tao sa kanilang mga diwata (dioses, gods).

Mayruon silang kataga na ‘simbahan,’ nagpapahiwatig ng puok ng pagsamba, subalit hindi ito tunay na tahanan ng Dios at pansamantala (provisional, temporary) lamang, habang ipinagdiriwang nila ang ‘pandot,’ ang pagsamba sa kanilang dios-dios. Ang simbahan, tinatawag nilang sibi, Sibi (altar)

PAGHANAP  SA  MGA  UNANG  PILIPINO:   Cronica Española

Pagsamba At Mga Pamahiin Ng Mga Tagalog
The Worship of the Tagalogs, Their Gods, and Their Burials and Superstitions
ni Juan de Plasencia, frayleng Franciscan, nuong 1589

ay mga tabing (barracas, sheds) na itinatayo nila sa magbilang panig ng bahay ng dato o pinuno ng baranggay. Ang mga sibi ay mga bubong (tejados, roofs) sa ibabaw ng mga haligi (postes, poles) na tabing (cubierta, cover) ng mga tao sa init ng araw o patak ng ulan.

‘Nag-aañito’ ang Pagsamba

Malaki ang ginagawa nilang sibi upang maraming tao ang makapasok. Hinahati nila sa 3 bahagi. Sa bawat haligi, nagsasabit sila ng tinatawag nilang sorihili, mga maliit na ilawan (farols, lamps), at isang malaking ilaw sa gitna ng sibi. Nagsasabit din sila ng mga palaspas (frondas, white palms) na hinabi (tejado, woven) sa iba’t ibang hugis.

Nagdadala sila ng maraming tambol (tambors, drums), iba’t iba ang laki, na patuloy nilang pinatutunog hanggang matapos ang handaan, karaniwan pagkaraan ng 4 araw. Sa luob ng mga araw na iyon, ang buong baranggay ay nagkakaisa, panguna ang naghandang familia, sa pagsamba sa añito.

Tinatawag nilang ‘nag-añito’ ang pagsambang ito kapag ipinagdiriwang ang ‘pandot.’ Pagkatapos ng ‘pandot,’ kinakalas nila ang mga sibi at naglalaho uli ang kanilang simbahan.

Si ‘Badhala’

Sa lahat ng kanilang mga dios-dios, may isang sinasamba nila nang tangi, si Badhala, ang pinaka-makapangyarihan at lumikha sa lahat (creator of all things).

Lahat ng katutubo (naturales, natives) ay sumasamba rin sa araw (sol, sun) dahil sa ganda at kapangyarihan nito. Pati ang buwan (luna, moon), lalo na kung ito ay maliit pa (nueva luna, new moon), ay ipinagdiriwang nila at binabati paglitaw.

Ang mga bituwin (estrellas, stars) ay sinasamba rin sa maraming puok kahit na hindi nila alam ang pangalan ng mga kumpulan (constelaciones), maliban sa Talà, ang bituwin sa umaga (matutina, morning star), ang Mapolon (los siete cabritos, the Pleiades), at ang Balatic (Great Bear).

Marami silang dios-diosan (estatua, idols) na tinatawag nilang mga likha (creaciones, icons) na gawa sa iba’t ibang hugis at anyo. Pati anumang bagay na pag-aari ng kanilang kamag-anak na napatay sa digmaan ay dinadasalan nila upang ipagtanggol sila at tulungang makalayo sa panganib.

Sinamba pati ang Buaya

Sinasamba din nila si Dian Masalanta bilang puon (dios, god) ng pag-ibig (amor, love) at pagbuntis (embarazo, pregnancy). Si Laca Pati ang puon ng bukid at si Idianale naman ang puon ng pag-aalaga ng hayop (husbandry) at isda (fishery). Pati ang mga buaya (cocodrillo, crocodiles) ay pinagpipitagan nila. Sa takot nilang sagpangin sila, nag-aalay sila sa mga ito ng anumang isda o talaba na dala nila sa bangka, kapag nakasalubong nila sa ilog o sa pampang.

Kahit ano na lamang ay ginagamit nilang pahiwatig (presagios, omens) ng

mabuti (suerte, good luck) o masamang kapalaran (malas, bad luck). Halimbawa, paglabas nila ng bahay, bumabalik sila agad upang umiwas sa malas kapag nakakita sila ng ahas (serpiente, snake) o daga (raton, mouse) o kapag may humatsing (estornudo, sneeze). Isang awit ng ibon na tinatawag nilang tigmamanuquin ay pahamak at dapat silang umuwi kapag narinig nila. Ang kaibang awit ay mapalad at kapag narining nila, maganda ang magiging hinatnan ng kanilang lakad.

Gumagamit din sila ng panghula (divination) upang matanto kung mabisa (eficaz, effective) ang kanilang panaksak o pantaga, o kung sila ay mapapahamak paggamit nila ng sandata sa labanan.

Ang ‘Kabilang Buhay’

Inaamin ng mga hindi binyagan (paganos, non-christians) na naniniwala sila na pagkamatay ng tao, napupunta sila sa ‘kabilang buhay’ na tinatawag nilang Maca. Ayon sa kanila, ito ay puok ng himlayan (place of rest) at ang mga mabait at makatarungan (merecidos, just) lamang ang tinatanggap duon. Ang mga masamang tao ay sa casanaan bumabagsak. Ito raw ay puok ng sakit at dalamhati (infierno, place of pain and anguish).

Paniwala nila na walang napupunta sa langit dahil si Badhala lamang ang maaaring tumira duon at maghari sa lupa mula sa mataas. May mga hindi binyagan na naniniwala sa casanaan, na puntahan ng masasamang tao. Duon nakatira ang mga demonio na tinatawag nilang sitan.

Mayruon pa silang mga multo na tinatawag nilang vibit at saka tigbalang. Isa pang pinaniniwalaan nila ay ang patianac. Kapag namatay ang isang babae sa panganganak (parto, childbirth), pinahihirapan siya at ang kanyang sanggol nito at, sa gabi, naririnig ang kanilang iyak.

Pagsamba at Kainan

Kahit hindi panahon ng pandot, naghahanda sila ng nag-añito at nag-aalay sa kanilang mga añito. Ang estatua nito ay pinapahiran nila ng mga pabango mula sa mga tanging hayop (civet cat) o dagta ng mahalimuyak na mga halaman at puno (storax).

Kung minsan, dinadamitan nila ang añito ng tela at pinaiikutan ng sinsing (gold ring) o tanikalang ginto (gold chain), bagaman at bihira nilang tignan ang estatwa habang nag-aañito.

Sa harap nito, umaawit sila ng mga ‘makatà,’ mga parangal (alabanzas, praises) na sinasaliwan at sinasagot ng mga dumalo sa pag-aalay. Panguna

sa pag-añito ang catalonan (ang ‘kataló’o kausap ng añito), ang pari (sacerdote, priest) nila sa pagsamba.

Nagdadasal silang ibigay sa kanila ng añito ang anumang hinihingi nilang biyaya, habang panay ang tungga nila ng alak para sa ikagiginhawa nila, hanggang silang lahat ay malasing (borracho, drunk).

Paminsan-minsan, pumapasok sa katawan ng catalonan ang kaluluwa ng añito at parang nagliliyab ang kanyang mga mata (ojos, eyes). Tumitindig ang buhok niya sa kilabot (terror), at nagsasalita siya ng mga hindi maunawaan. Nagkiki-kisay siya at, sa ibang puok, gawi nilang igapos ang catalonan sa isang punong kahoy upang hindi makasakit. Bihira naman mangyari ito.

Pinupugutan ng Ulo

Karaniwang inaalay nila ay manok, kambing o baboy. Pinupugutan nila ng ulo, binabalatan at inilalatag sa harap ng añito. Kung minsan, nagsasaing sila ng bigas sa isang palayok na, kapag inin na ang kanin, ay binabasag nila. Tapos, inilalagay nila ang buong piraso ng kanin sa harap ng añito.

Sa paligid ng alay na hayop o kanin, naglalagay sila ng maraming gamit ng nganga - buyo, bunga (betel nut), dahon at apog (lime) - na pagkain ng

lahat ng tao sa buong kapuluan. Mayruon ding mga lutong ulam (viands) at mga bungang kahoy (frutas, fruits). Pati ang mga alay na hayop ay iniluluto at kinakaing lahat ng mga dumalo (invitados, guests).

Kanya-kanya ang dahilan ng pag-añito, upang gumaling ang maysakit, kumita nang malaki sa paglakbay sa dagat, bumunyi ang ani (cosecha, harvest) ng palay, magtagumpay sa digmaan, guminhawa ang panganganak ng buntis, lumigaya ang pag-aasawa, atbp. At kapag dato o maharlica ang naghanda, maaaring tumagal ng 30 araw ang pag-añito.

Unang Regla ng Dalagita

Sa unang regla ng isang dalagita, tinatakpan nila ang mga mata niya nang 4 araw at 4 gabi, habang inaanyayahan nila ang lahat ng kamag-anak at kaibigan na mag-inuman at magkainan bilang pagdiriwang.

Nuong umaga (mañana, morning) ng ika-5 araw, inaakay ng catalonan ang dalagita sa ilog upang maligo. Inaalis ang takip sa kanyang mga mata at hinuhugasan ang ulo niya. Sabi ng mga matanda, mabisa ito upang magka-anak ng marami ang dalaga, at makatagpo ng mainam na asawa na hindi sila iiwang viuda habang bata pa.

Maraming kampon (brujos, priests) ang kasangkot sa makalumang pagsamba ng mga katutubo:

‘Catalonan’
Maaring maging catalonan ang mga lalaki subalit karaniwang mga babae ang nagiging catalonan na iginagalang ng mga tao sa buong kapuluan. Marangal at karaniwang maharlika ang nagiging kataló o kausap ng mga añito.

‘Mancocolam’
Isang gabi, minsan sa isang buwan, o mas madalas pa, nagsasabog ng apoy ang mancocolam (bruja, witch) mula sa katawan niya. Hindi napapatay itong apoy na nagliliyab lamang kapag lumublob ang mancocolam sa pusali (alcantarilla, ordure) sa ilalim ng batalan ng bahay. Ang nakatira sa bahay ay nagkakasakit at namamatay. Maraming mancocolam sa kapuluan.

‘Mangagauay’
Ang mga mangagauay, tulad ng mga mancocolam, ay natatagpuan sa lahat ng pulo, at nagpapa-lalâ ng sakit, gamit ang mga gamot (drugs) at gayuma (charms). Kung gagawin niyang matalab, namamatay agad ng maysakit. Kaya din niyang patagalin nang isang taon bago mamatay ang maysakit, itinatali sa balakang (cintura, waist) niya ang buhay na ahas, na alagad daw ng demonio. Minsan, nagbabalatkayo pa siyang manggagamot, kunwari ay pinapagaling ang maysakit.

‘Manyisalat’
Ang mga manysalat ay gumagamit ng mga gamot at gayuma tulad ng mangagauay, subalit ang sakit na pinakakalat nila ay muhi (odio, hate) upang maghiwalay ang mga magkasintahan. Pati ang mga mag-asawa ay nauudyukan nilang huwag nang magsiping. Kapag ang babae ay iniwan ng asawa dahil dito, siya ay nagkakasakit at namamatay, umaagos ang dugo at tubig mula sa katawan. Kalat sa buong kapuluan ang mga manyisalat.

‘Hocloban’
Ang mga hocloban at mga matanda, makapangyarihan pa kaysa sa mangagauay. Hindi gumagamit ng gamot o gayuma, pumapatay sila ng tao o wumawasak ng bahay sa kumpas lamang ng kamay. Gumagamit lamang sila ng gamot at gayuma upang bigyan ng sakit ang tao, o pagalingin ang binigyan nila ng sakit. Natatagpuan ang mga hocloban sa Catanduanes lamang, mga pulo sa tabi ng Luzon (sa banda ng Bicol).

‘Silagan’
Sa Catanduanes din nabunyag ang silagan na pumapatay daw ng sinumang nakasuot ng puti. Dinudukot daw at kinakain ang atay (higado, liver) habang buhay pa. Pahayag ng isang frayle, si Juan de Merida, na sa Calavan, isang Español na notario ang natagpuang patay, nahugot lahat ng bituka (intestines) at inilabas sa puwit. Inilibing ni Merida ang bangkay sa Calilaya (Caliraya ang tawag ngayon, sa Bicol).

‘Magtatangal’
Cuento-cuento lamang sa kapuluan, subalit pinagtitibayan ng mga taga-Catanduanes na nakakita sila ng mga magtatangal (manananggal ang tawag ngayon) na pugot ang ulo at walang sikmura (stomago, intestines) at kalahati ng katawan. Lumalakad daw gabi-gabi, dala ang kanyang ulo, at pagsikat ng araw, bumabalik sa katawan at nabubuo uli.

‘Osuang’
Hindi naniniwala ang mga Tagalog sa osuang subalit sabi ng mga Visaya, nakakakita sila ng mga ito. Lumilipad daw at pumapatay at kumakain ng tao.

‘Mangagayoma’
Ang mga mangagayoma ang gumagawa ng mga gamot at gayuma (pocion, charms) upang mahaling at mapa-ibig ang isang tao.

‘Sonat’
May mga sonat (pastor, preacher) sa lahat ng pulo, at silang lahat ay iginagalang. Mga dato at mahadlica (maharlika) lamang ang maaaring maging sonat, na tumutulong sa mga naghihingalô at naghahayag kung ang kaluluwa ng malapit nang mamatay ay masasagip sa matiwasay (salvacion, paradise) o masasadlak sa dilim (condena, hell).

‘Pangatahoan’
Maraming pangatahoan (echador, soothsayer, manghuhulà ang tawag ngayon) sa buong kapuluan. Sila ang nakaka-alam ng mangyayari sa mga darating na panahon.

‘Bayoguin’
Ang tinatawag nilang bayoquin (cotquean, homosexual) ay lalaki na namumuhay na parang babae. (Maaaring ‘bayagin’ o ‘baogin’ ang tunay na tawag nuon, ‘baklâ’ ang tawag ngayon).

Pati Alipin, Inililibing

Ganito ang pagbuburol ng mga Tagalog:  Inililibing nila ang patay sa tabi ng bahay. Kung dato o pinuno ang namatay, inilalagay siya sa isang munting kubo o balcon na sadyang ginawa upang maging paglamayan. Pagkatapos ng 4 araw na lamay (luto, vigil), inisusuot siya sa isang bangka na kanyang kabaong (ataud, coffin). Inililipat ang bangka sa ilalim ng kubo o balcon at binabantayan ng isang alipin.

Sa halip na mga tagasagwan (remeros, oarsmen), nagtatali sila sa bangka ng iba’t ibang hayop, magkatabi ang babae at lalaki. Ang bantay na alipin

ang nagpapakain sa mga hayop hanggang sa pagtagal, patay na silang lahat, pati na ang alipin.

Kung ang patay ay isang mandirigma, isang buháy na alipin ang itinatali sa ilalim ng bangkay. Duon siya hanggang mamatay na rin. Lahat ay iniiwan duon hanggang mabulok at maagnas.

Samantala, patuloy ang panaghoy at luksa ng mga kamag-anak ng patay, nag-aawitan pa sila ng funebre at papuri sa bait at tapang ng namatay, habang panay ang inuman at kainan ng mga kaibigan. Natatapos lamang ito kapag napagod na ang mga kamag-anak sa pagdadalamhati.

Libing ng mga Negrito

Kakaiba ang pagburol at pagluluksa ng mga Aeta o Negrillo (Negritos). Humuhukay sila ng malalim at patayong butas sa lupa at duon nila inililibing ang patay, subalit nalakabas ang ulo o ang tuktok ng ulo na tinatakpan na lamang nila ng bao ng niyog.

Tapos, humahanap sila ng mga indio na papatayin nila bilang kapalit ng

namatay na Negrillo. Nagkakaisa pa sila, nagsasabit silang lahat sa leeg ng palatandaan (senial, token) at hindi nila inaalis ito hanggang hindi sila nakakapatay ng isang indio.

(Ang mga Aeta ay mga Unang Tao (aborigines) sa Pilipinas. Hindi matanto kung saan sila nagmula. Nausog sila sa mga gubat at bundok ng mga dayuhan mula sa Indonesia, at duon pa sila nakatira hanggang ngayon [nuong 1903] sa makalumang pamumuhay. Unti-unti silang nalalagas na. --Blair and Robertson, 1903)

Pagsukat sa Oras at Panahon

Walang takdang calendario ang mga katutubo (naturales, natives) at sila-sila ang nagpapasiya kung anong bahagi na ng taon, buwan o araw, ayon sa kalagayan ng lupa, kung ilang ulit nang bumilog ang buwan, at anu-anong halaman at puno sa paligid ang namumunga, namumulaklak at nag-uusbong ng dahon. Sa mga ito nila nakikita ang paglipas ng mga taon.

Tag-araw’ ang tawag nila sa panahon ng init (verano, summer), at ‘tag-ulan’ ang panahon ng ginaw (invierno, winter), gayung dito, hindi malamig (frio, cold) at walang yelo (hielo, ice), matigas man o mala-bulak (nieves, snow). Datapwa, maniwaring nagbabago ang panahon dito mula nuong sila ay nagsimulang maging mga catholico sapagkat tuwing Pasko (La Navidad, Christmas) gumiginaw na rito nang kaunti.

ANG  PINAGKUNAN
Customs of the Pampangas in their Lawsuits (‘Las costumbres que antiguamente tenian los naturales de PamPanga en sus Pleitos’),
by Fray Juan de Plasencia, OSF, for Governador General Santiago de Vera, president of the Audiencia, Manila, 1589,
bahagi ng The Philippine Islands, 1493-1898,nina Emma Helen Blair at James A. Robertson,
inilathala sa Manila, 1903-1908, Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Balik sa ‘Ugali ng mga Tagalog’                       Balik sa itaas                       Tahanan ng mga Kasaysayan                       Susunod: ‘Ang mga Kapampangan nuong 1589’