JOSE P. RIZAL: Filipino columnist sa ‘La Solidaridad’
Ang Pilipinas, Pagkaraan Ng 100 Taon
“PANG-ARAL Panlipunan-Pampolitika” (estudio politico-social, politico-social study) ang turing ni Jose Rizal sa 4 sanaysay (redacciones, columns) niya sa La Solidaridad, pahayagang nilathala tuwing 2 linggo nuong kataasan ng ‘Panahon ng Kalampag’ o ‘Panawagan’ (Propaganda Movement ) ng mga Pilipino sa España. Narito ang mga sinulat niya sa Español, katabi ng salin sa Tagalog, upang ipakita kung tama ang mga panukala ni Rizal tungkol sa panahon ngayon - ang takdang 100 taon pagkaraan ng pagsulat niya. |
|
2. Ang mga frayle nuon... |
2. Los religiosos de entonces... |
Sa Barcelona, España, nuong ika-31 ng Oktubre 1889. Ano ang mangyayari sa Pilipinas sa luob ng 100 taon? Magpapatuloy bang sakop ng Español? Kung ito ay itinanong 300 taon sa nakaraan, nang, pagkamatay ni Legazpi, ang mga Malay na Pilipino ay unti-unting nagsimulang nagkamulat at, naramdaman ang bigat ng singkaw, nagtangkang pumiglas ngunit nabigo, walang anumang alinlangan na madali ang magiging sagot. Para sa mga mahilig sa mga kalayaan ng tinubuang bayan, para sa mga walang takot na Kagayan* na lumaki sa diwa ng mga Magalat, para sa mga anak ng mga bayaning Gat Pulintang at Gat Salakab ng lalawigan ng Batangas*, ang kalayaan ay tiyak, kailangan lamang magka-isa at pagsikapan. Subalit para sa mga nasiraan ng luob sa dagok ng mapapait na karanasan, nakita lahat ng pag-aaway at gulo, ang pagwawalang bahala at pagturing bilang hayop sa mga karaniwang tao, ang tamlay at walang pagka-kaisa ng kanilang mga pinuno, isa lamang ang malinaw na sagot at ito ay: ipatali ang mga kamay sa tanikala, iyuko ang leeg sa singkaw at tanggapin ang kinabukasan nang |
Barcelona, 31 Octobre 1889.
¿Qué será de las Filipinas dentro de un siglo?
¿Continuarán como colonia española?
Si esta pregunta se hubiera hecho tres siglos atrás, cuando, á la muerte de Legazpi, los malayos filipinos empezaron poco á poco á desengañarse, y encontrando pesado el yugo intentaron vanamente sacudirlo, sin duda alguna que la respuesta hubiera sido fácil. Para un espíritu entusiasta de las libertades de su patria, para uno de aquellos indomables Kagayanes que alimentaban en sí el espíritu de los Magalats, para los descendientes de los heroicos Gat Pulintang y Gat Salakab de la provincia de Batangas, la independencia era segura, era solamente una cuestión de entenderse y de tentar un decidido esfuerzo. Empero, para el que, desengañado á fuerza de tristes experiencias, veía en todas partes desconcierto y desorden, apatía y embrutecimiento en las clases inferiores, desaliento y desunión en las elevadas, sólo se presentaba una respuesta y era: tender las manos á las cadenas, bajar el cuello para someterlo al yugo y aceptar el porvenir con la resignación de un enfermo que ve caer las hojas y presiente un largo invierno, entre cuyas nieves entrevé los bordes de su fosa. Entonces el desconcierto era la razón del pesimismo; pasaron tres siglos, el cuello fuése acostumbrando al yugo, y cada nueva generación, procreada entre las cadenas, se adaptó cada vez mejor al nuevo estado de las cosas.
|
walang pag-asa tulad ng maysakit na pagkakita ng mga nalalagas na dahon, natanto ang darating na tag-ginaw, naaninaw sa yelo nito ang hugis ng kanyang puntod. Nuon, pagtatalo ang dahilan ng kawalan ng pag-asa; nagdaan na ang 3 siglo, nasanay na sa singkaw sa leeg, at bawat anak-anakan, lumaking nakatali sa tanikala, ay nasanay nang nasanay sa panibagong kalagayan.
[ * Kagayan - dating tawag sa gumagawa ng bangka. * Gat o Magat - parangal ng mga pinunong Tagalog bago dumating ang mga Español. * Batangas - dating tawag sa katig (outrigger) ng bangka, at sa bangkang may katig. Bombong, lumang taguri sa kawayan, ang dating tawag sa kasalukuyang lalawigan ng Batangas. -- ejl ] |
|
Ngayon, ang kalagayan ba ng Pilipinas ay tulad sa 3 siglo sa nakaraan?
Para sa mga mapagpalayang Español, ito pa rin ang kaluoban ng mga tao, sinasabing hindi umunlad ang mga Pilipinong indio; para sa mga frayle at mga kabig nila, naiahon ang bayan mula sa ligaw na buhay, samakatuwid, umunlad na; para sa maraming Pilipino, nabulok ang gandang-luob, diwa at gawi, ayon sa pagkabulok ng lahat ng kabutihan ng mga tao na nasadlak sa pagka-alipin, samakatuwid, sumama ang kalagayan. Ipagpaliban muna itong mga kuro-kuro, nang hindi mahilis sa ating tinatalakay, ihambing natin nang kaunti ang kalagayang panlipunan-pampolitika nuon sa kasalukuyan, upang makita kung ang hindi nagawa nuon ay maaaring magawa ngayon, at ang kabaligtaran. Limutin muna natin ang anumang pagtangi ng mga Pilipino sa España; akalain natin saglit ayon sa mga manunulat na Español na pagkamuhi at kawalang- |
Ahora bien; ¿encuéntranse las Filipinas en las mismas circunstancias de hace tres siglos?
Para los liberales Españoles el estado moral del pueblo continúa siendo el mismo, es decir, que los Indios filipinos no han adelantado; para los frailes y sus secuaces, el pueblo ha sido redimido de su salvajismo, esto es, ha progresado; para muchos Filipinos, la moral, el espíritu y las costumbres han decaído, como decaen todas las buenas cualidades de un pueblo que cae en la esclavitud, esto es, ha retrocedido. Dejando á un lado estas apreciaciones, para no alejarnos de nuestro objetivo, vamos á hacer un breve paralelo de la situación política de entonces con la del presente, para ver si lo que en aquel tiempo no ha sido posible, lo será ahora, ó viceversa. Descartémonos de la adhesión que pueden tener los Filipinos á España; supongamos por un momento con los escritores españoles que entre las dos razas sólo existen motivos de odio y recelo; admitamos las premisas cacareadas por muchos de que tres siglos de dominación no han sabido hacer germinar en el sensible corazón del Indio una semilla de afección ó de gratitud, y veamos si la causa española ha ganado ó no terreno en el Archipiélago. |
tiwala lamang ang naghahari sa pagitan ng 2 lahi; aminin natin ang panukalang wagayway ng marami na sa 3 siglong pagsakop walang tibok ng pagmamahal o pasasalamat na tumubo sa maselang puso ng indio, at makikita natin kung ang katayuan ng Español ay natatag o hindi sa Kapuluan. | |
Unang itinayo ang bahay Español sa harap ng mga katutubo ng isang dakot na sundalo, 300 lamang o 500 sa pinaka-malaking bilang, karamihan ay nagkalakal lamang at hiwa-hiwalay, hindi lamang sa Kapuluan, kung hindi pati sa mga kapit-bayan, ginugol sa walang puknat na digmaan laban sa mga Muslim sa timog, sa English at sa Dutch, binagabag nang walang puknat ng mga Hapon, Intsik at iba pang lalawigan o pangkat sa luoban. Ang lakbayan nuon sa Mexico at España ay mabagal, bihira at mahirap; madalas at marahas ang ugnayan ng mga pinuno sa Kapuluan; halos laging kapos ang yamang- bayan, nakasalalay ang kabuhayan ng mga Español sa Manila sa iisang marupok na galleon, taga-hakot ng kalakal ng China; nuon ang mga dagat sa paligid ay nilipana ng mga mandarambong, kaaway lahat ng Español, na ipinagtanggol ng hikahos na sandatahang dagat saan man tumatag o napadpad lamang, madalas pinamunuan ng mga bastos na lagalag, kung hindi man ng mga dayuhan o mistulang kaaway, na napipilan tulad ng nangyari sa paglayag ni Gomez Perez Dasmariñas, pinaslang sa gitna ng dagat ng mga Intsik na taga-sagwan nang mag-aklas at wakasan lahat ng kanyang mga balak at hangarin. Sa harap nitong malulungkot na karanasan, napagtayog ang bahay Español nitong mahigit 3 siglo, at ang kanilang kapangyarihan, bagaman at nabawasan, ay naghahari pa rin sa tadhana ng mga nasa Pilipinas. Sa kabilang dako, ang kasalukuyang kalagayan ay parang balot ng ginto at rosas, masasabi natin, isang umagang maganda kaysa sa bagyo at bagabag ng nakaraang gabi. Ngayon, 3 patong ang dami ng mga bagay na batayan ng |
Antes sostenían el pabellón español ante los Indígenas un puñado de soldados, trescientos ó quinientos á lo más, muchos de los cuales se dedicaban al comercio y estaban diseminados, no sólo en el Archipiélago, sino también en las naciones vecinas, empeñados en largas guerras contra los Mahometanos del Sur, contra los Ingleses y Holandeses, é inquietados sin cesar por Japoneses, Chinos y alguna que otra provincia ó tribu en el interior. Entonces las comunicaciones con México y España eran lentas, raras y penosas; frecuentes y violentos los disturbios entre los poderes que regían el Archipiélago; exhausta casi siempre la Caja, dependiendo la vida de los colonizadores de una frágil nao, portadora del comercio de la China; entonces los mares de aquellas regiones estaban infestados de piratas, enemigos todos del nombre español, siendo la marina con que éste se defendía, una marina improvisada, tripulada las más de las veces por bisoños aventureros, si no por extranjeros y enemigos, como sucedió con la armada de Gómez Pérez Dasmariñas, frustrada y detenida por la rebelión de los bogadores Chinos que le asesinaron, destruyendo todos sus planes é intentos. Y sin embargo, á pesar de tan tristes circunstancias el pabellón español se ha sostenido por más de tres siglos, y su poder, si bien ha sido reducido, continúa sin embargo rigiendo los destinos del grupo de las Filipinas.
En cambio la situación actual parece de oro y rosa, diríamos, una hermosa mañana comparada con la tempestuosa y agitada noche del pasado. Ahora, se han triplicado las fuerzas materiales con que cuenta la dominación española; la marina relativamente se ha mejorado; hay más organización tanto en lo civil como en lo militar; las comunicaciones con la Metrópoli son más rápidas y más seguras; ésta no tiene ya enemigos en el exterior; su posesión está asegurada, y el país dominado, tiene al parecer menos espíritu, menos aspiraciones á la independencia, nombre que para él casi es incomprensible; todo augura, pues, á primera vista otros tres siglos, cuando menos, de pacífica dominación y tranquilo señorío. |
paghahari ng Español; ang sandatahang dagat ay napabuti kaysa dati; naayos nang malaki ang pangasiwa sa mga Español at mga sundalo; mas mabilis at mas ligtas ang lakbayan sa España; wala nang kalaban sa labas ng bayan; ang pag-ari sa kapuluan ay tatag at tinatanggap na, at ang mga nasakop ay nabawasan na ng diwa, ng hangaring lumaya, katagang sa kanila ay halos wala nang kahulugan; ang lahat, kung gayon, ay nagpapahiwatig sa unang tingin ng 3 siglos pa ng mapayapang paghahari at tahimik na pamamahala. | |
Subalit sa ibabaw nitong mga bagay na minamahalaga lumilitaw ang ibang hindi nakikita ukol sa pagka-mabuting tao, daig na mas matayog at makapangyarihan.
Karaniwan, ang mga taga-Silangan, at ang mga Malay sa itatangi, ay maselang mga tao: naghahari sa kanila ang mahinhing damdamin. Kahit ngayon, naka-ugnay man ng mga taga-Kanluran na may mga paniwalang kaiba sa kanila, nakikita pa rin ang mga Pilipinong Malay na isinusuko lahat, ang kalayaan, kasaganahan, mabuting kalagayan, pangalan para sa isang hangarin, o isang kayabangan, mala-simbahan, mala-agham o mala-anumang uri, subalit sa pinaka-maliit na katagang sumugat sa kanilang karangalan, nililimot lahat ng pagtitiis, lahat ng pagpapagod maitatak lamang sa alaala at hindi malimot ang paglibak na paniwalang nilang kanilang tinanggap. Kaya nanatiling tapat ang mga Pilipino nitong 3 siglo, ipinamigay ang kanilang kalayaan at pagsasarili, minsan-minsang nalalansi ng pag-asa sa pangako ng |
Sin embargo por encima de estas consideraciones materiales se ciernen invisibles otras de carácter moral, mucho más trascendentales y poderosos.
Los pueblos del Oriente en general y los Malayos en particular son pueblos de sensibilidad: en ellos predomina la delicadeza de sentimientos. Aun hoy, á pesar del contacto con las naciones occidentales que tienen ideales distintos del suyo, vemos al Malayo filipino sacrificar todo, libertad, comodidad, bienestar, nombre en aras de una aspiración, ó de una vanidad, ya sea religiosa, ya científica ó de otro carácter cualquiera, pero á la menor palabra que lastime su amor propio olvida todos sus sacrificios, el trabajo empleado y guarda en su memoria y nunca olvida la ofensa que creyó recibir. Así los pueblos Filipinos se han mantenido fieles durante tres siglos entregando su libertad y su independencia, ya alucinados por la esperanza del Cielo prometido, ya halagados por la amistad que les brindaba un pueblo noble y grande como el español, ya también obligados por la superioridad de las armas que desconocían y que para los espíritus apocados tenían un carácter misterioso, ó ya porque valiéndose de sus enemistades intestinas, el invasor extranjero se presentaba como tercero en discordia para después dominar á unos y otros y someterlos á su poderío. |
luwalhati sa Langit, minsan-minsang nadadala sa papuri ng alok na pakikipag-kaibigan sa isang magiting at makapangyarihan bayan tulad ng España, minsan- minsan din nadadaig ng lakas ng mga sandatang nuon lamang nila nakita at tinuring na mahiwaga ng mga mahina ang luob, o minsan-minsan ang kanilang bakbakan sila-sila ay sinamantala ng dayuhan bilang pang-3 hukbong kumampi sa isa o sa kalaban at pagkatapos ay ipinailalim silang lahat sa kanyang kapangyarihan. | |
Minsang naitatag ang paghahari ng Español, pinatibay ito ng pagkampi ng mga tao, ng kanilang paglalabanan sila-sila, at ng dahilang hindi pa nasasaling ang dangal ng mga katutubo. Nuon, nakita ng mga tao ang kanilang mga pinuno na tanghal sa hukbong sandatahan, hinirang na mga maestro-de-campo na lumalaban sa tabi ng mga bayani ng España, kasalo sa mga parangal at hindi pinagkaitan kailan man ng gantimpala o binawasan ng pagturing; nuon ang katapatan at panalig sa España, pagmahal sa bayan, ay nakagawa sa mga katutubo na maging encomendero at general pa, tulad nuong pagsakop ng Britain*; nuon, wala pang nabubuong paglibak o kabalbalan na, kailan lamang, ay ninais ibahid kahit sa pinaka-mahirap at pinaka-masikap na nakamit ng mga pinuno ng mga katutubo; nuon, hindi pa uso ang hamakin at libakin sa mga usong palatak, nilathala sa mga pahayagan at aklat na pinayagan ng mga pinuno ng pamahalaan at simbahan, ang mga tao na nagbayad, lumaban at nagpadanak ng dugo sa ngalan ng España, at hindi pa tinuring na marangal o sikat ang aglahiin ang isang buong lahi, pinagbawalang mangatwiran o ipagtanggol ang sarili; at kung may mga hayok na frayle na, ligtas sa kanilang mga convento, na nangahas na sumulat laban sa mga ito, |
Una vez dentro la dominación española, mantúvose firme gracias á la adhesión de los pueblos, á sus enemistades entre sí, y á que el sensible amor propio del Indígena no se encontraba hasta entonces lastimado. Entonces el pueblo veía á sus nacionales en los grados superiores del ejército, á sus maeses de campo pelear al lado de los héroes de España, compartir sus laureles, no escatimándoseles nunca ni honores, ni honras ni consideraciones; entonces la fidelidad y adhesión á España, el amor á la Patria hacían del Indio, Encomendero y hasta General, como en la invasión inglesa; entonces no se habían inventado aún los nombres denigrantes y ridículos con que después han querido deshonrar los más trabajosos y penibles cargos de los jefes indígenas; entonces no se había hecho aún de moda insultar é injuriar en letras de molde, en periódicos, en libros con superior permiso ó con licencia de la autoridad eclesiástica, al pueblo que pagaba, combatía y derramaba su sangre por el nombre de España, ni se consideraba como hidalguía ni como gracejo ofender á una raza toda, á quien se le prohibe replicar ó defenderse; y si religiosos hubo hipocondríacos, que en los ocios de sus claustros se habían atrevido á escribir contra él, como el agustino Gaspar de San Agustín y el jesuíta Velarde, sus ofensivos partos no salían jamás á luz, y menos les daban por ello mitras ó les elevaban á altas dignidades. Verdad es que tampoco eran los Indios de entonces como somos los de ahora: tres siglos de embrutecimiento y oscurantismo, algo tenían que influir sobre nosotros; la más hermosa obra divina en manos de ciertos obreros puede al fin convertirse en caricatura. |
tulad ng Augustinian na Gaspar de San Agustin* at ng Jesuit na Velarde*, hindi nilinaw ang kanilang paglibak, at lalong hindi sila binigyan ng setro at itinaas ang tungkulin. Tutuo, ang mga indio nuon ay hindi natin katulad ngayon: 3 siglo ng paglansi at pagturing bilang hayop ay nagbago sa atin; kahit ang pinaka-magandang katha ng langit, sa kamay ng ilang manggagawa, ay nagiging kabalbalan sa katapusan.
[ * Sinalakay at sinakop ng sandatahang British ang Manila at mga karatig nuong 1762-1764. * Sa liham ni Gaspar de San Agustin nuong 1720, hinayag niyang mga |
|
Ang mga frayle nuon, nais itatag ang kanilang paghahari sa bayan, ay lumapit sa mga tao at kumampi laban sa pagmamalupit ng mga encomendero. Kaya naman tinuring silang marangal at mas mataas ang salita, at nagtiwala ang mga tao sa kanila at sinunod ang kanilang mga payo at pangaral kahit nuong mga pinaka-mahirap na panahon. Kung sumulat nuon ang mga frayle, ipinaglaban nila ang mga karapatan ng mga indio at ipinagsigawan ang kanilang dinaranas na pighati hanggang sa pinaka-malayong pampang, hanggang sa hari ng España. At hindi kaunti ang mga frayle, maging mga pari at mga sundalo ang naglakbay sa panganib, mistulang ambassadors ng kanilang kaharian, bumuo | Los religiosos de entonces, queriendo fundar su dominio en el pueblo, se acercaban á él y con él formaban causa contra los encomenderos opresores. Naturalmente, el pueblo que los veía con mayor instrucción y cierto prestigio, depositaba en ellos su confianza, seguía sus consejos y los oía aun en los más amargos días. Si escribían, escribían abogando por los derechos de los Indios y hacían llegar el grito de sus miserias hasta las lejanas gradas del Trono. Y no pocos religiosos entre seglares y militares emprendían peligrosos viajes, como diputados del país, lo cual unido á las estrictas residencias que se formaban entonces ante los ojos del Archipiélago á todos los gobernantes, desde el Capitán general hasta el último, consolaban no poco y tranquilizaban los ánimos lastimados, satisfaciendo, aunque no fuese más que en la forma, á todos los descontentos. |
ng maliliit na kabayanan, sa tanaw ng buong Kapuluan, sa lahat ng namamahala, mula sa pinaka-mataas hanggang sa huling pinuno, na nagpahinahon sa mga nasaring, nakiramay sa mga nasaktan at nakagaling kahit na pabalat-bunga lamang sa lahat ng hinanakit. | |
Lahat ng ito ay naglaho na. Mas madalas ang mga halakhak ng paglibak, tumatagos parang lason sa puso ng indio na nagdurusa at naaapi: ang dating alitan ng iba’t ibang lalawigan ay naburang lahat ng isang galis, ang panglahat na paglibak sa buong lahi. Wala nang tiwala ang bayan sa dati nilang tagapagtanggol, ngayon ay kanilang tagapag-usig at tagapag-parusa. Nahubad na ang mga balatkayo. Nalantad na ang pagmamahal at kawang-gawa nuong nakaraan ay tulad sa pagkalinga ng isang yaya na, walang natirahang iba, ay nagnais manatiling musmos ang alagang bata, manatiling mahina nang sa gayon, patuloy sumahod at kumain sa tustos ng musmos; litaw na, na ang pasuso ay hindi pagkain upang lumaki kundi lason upang mabansot ang bata, at kung ito ay umiyak kahit bahagya, siya ay nagngingitngit! Ang kunyaring katarungan nuong dati, ang banal na panindigan ay naglaho na; ito ay nagsimula ng gulo sa budhi; ang pagmamahal na ipinakita ng isang governador-general, tulad ni La Torre*, ay tinaturing na kasalanan sa pamahalaan ng sumunod na governador, basta maalis ang kalayaan at kabuhayan ng mamamayan; kung sumunod ang utos ng isang nakakataas, tulad kailan lamang ukol sa pagburol ng patay sa luob ng simbahan, sapat na upang libakin ang masunurin at usigin siya hanggang maaari; ang mga buwis, pa-trabajo at abuloy sa simbahan ay tumaas nang walang katwiran, wala |
Todo esto ha desaparecido. Las carcajadas burlonas, penetran como veneno mortal en el corazón del Indio que paga y sufre, y son tanto más ofensivas cuanto más parapetadas están: las antiguas enemistades entre diferentes provincias las ha borrado una misma llaga, la afrenta general inferida á toda una raza. El pueblo ya no tiene confianza en los que un tiempo eran sus protectores, hoy sus explotadores y verdugos. Las máscaras han caído. Ha visto que aquel amor y aquella piedad del pasado se parecían al afecto de una nodriza, que incapaz de vivir en otra parte, deseara siempre la eterna niñez, la eterna debilidad del niño, para ir percibiendo su sueldo y alimentarse á su costa; ha visto que no sólo no le nutre para que crezca, sino que le emponzoña para frustrar su crecimiento, y que á su más leve protesta ¡ella se convierte en furia! El antiguo simulacro de justicia, la santa residencia ha desaparecido; principia el caos en la conciencia; el afecto que se demuestra por un Gobernador general, como La Torre, se convierte en crimen en el gobierno del sucesor, y basta para que el ciudadano pierda su libertad y su hogar; si se obedece lo que un jefe manda, como en la reciente cuestión de la entrada de los cadáveres en las iglesias, es suficiente para que después el obediente subdito sea vejado y perseguido por todos los medios posibles; los deberes, los impuestos y las contribuciones aumentan, sin que por eso los derechos, los privilegios y las libertades aumenten ó se aseguren los pocos existentes; un régimen de continuo terror y zozobra agita los ánimos, régimen peor que una era de disturbios, pues los temores que la imaginación crea suelen ser superiores á los de la realidad; el país está pobre; la crisis pecuniaria que atraviesa es grande, y todo el mundo señala con los dedos á las personas que causan el mal, ¡y nadie sin embargo se atreve á poner sobre ellas las manos! |
namang dagdag sa mga karapatan o kahit patagalin lamang ang mga ilang kalayaang tinatamasa pa; ang pamamahala ng walang tigil na pananakot ay yumayanig sa damdamin, pamahalaang mas masama kaysa panahon ng gulo, sapagkat ang takot sa guniguni ay higit na kahindik-hindik kaysa sa sindak sa tunay; dukha ang bayan; ang kawalan ng salapi na dinaranas ay malaki, at ibinibintang ng lahat sa mga tao ang sanhi ng suliranin, wala namang mangahas ilagay sa kanilang mga kamay ang paglunas dito!
[ * Francisco de Paula Alcala de la Torre - mabait sa mga indio nang governador ng Pilipinas nuong 1843 hanggang 1844. -- ejl ] |
|
Tutuo, isang patak ng lunas sa napaka-laking hinanakit ay inalis sa Codigo Penal*; subalit ano ang silbi ng lahat ng codigo sa buong daigdig, kung ang sinumang mamamayan ay maaaring ipatapon nang biglaan at walang babala, walang katibayan, walang paglilitis, batay lamang sa lihim na bintang ng hindi inilalahad na tao, sa walang katuturang dahilan. At para ano ang codigo, para ano sa buhay kung walang kaligtasan sa bahay, walang tiwala sa katarungan at walang pananalig sa katahimikan ng budhi? Ano ang silbi ng pagpapatong- patong ng mga pangalan, pagtitipon ng mga batas, kung ang bulong ng isang duwag na traidor sa dinig ng takot na pinaka-mataas na namamahala ay mas mabisa kaysa lahat ng sigaw ng katarungan?
Kung magpatuloy itong kalagayan, ano ang magiging Pilipinas pagkaraan ng 100 taon? Unti-unting napupuno ang kipkip na mga angal, at kung walang muwang ang Pamahalaan na bawasan ang naiipong hinanakit, sasabog ito isang araw. |
Es verdad que como una gota de bálsamo á tanta amargura ha salido el Código Penal; pero ¿de qué sirven todos los Códigos del mundo, si por informes reservados, por motivos fútiles, por anónimos traidores se extraña, se destierra sin formación de causa, sin proceso alguno á cualquier honrado vecino? ¿De qué sirve ese Código Penal, de qué sirve la vida si no se tiene seguridad en el hogar, fe en la justicia, y confianza en la tranquilidad de la conciencia? ¿De qué sirve todo ese andamiaje de nombres, todo ese cúmulo de artículos, si la cobarde acusación de un traidor ha de influir en los medrosos oídos del autócrata supremo, más que todos los gritos de la justicia?
Si este estado de cosas continuase, ¿qué será de las Filipinas dentro de un siglo? Los acumuladores se van cargando poco á poco, y si la prudencia del Gobierno no da escape á las quejas que se concentran, puede que un día salte la chispa. No es ocasión esta de hablar sobre el éxito que pudiera tener conflicto tan desgraciado: depende de la suerte, de las armas y de un millón de circunstancias que el hombre no puede prever; pero aun cuando todas las ventajas estuviesen de parte del Gobierno y por consiguiente las probabilidades de la victoria, sería una victoria de Pirro, y un Gobierno no la debe desear. |
Hindi ito panahon upang pag-usapan ang pagwawagi sa mangyayaring kalunos-lunos na bakbakan: lahat ay batay sa buti o sama ng palad, sa tsamba ng sandata at isang milyong mga bagay na hindi maaantabayanan; subalit kahit lamang lahat ang Pamahalaan at malamang manalo sa labanan, ito ay tagumpay na Pyrrhic*, na hindi maiibigan ng Pamahalaan.
[ * Codigo Penal - Mga batas ng parusa sa hinahatulan. * Pyrrhic victory - Tinalo ng hari ng Epirus ang mga Roman nuong 279, subalit kapwa sila nalipol at nasalanta. -- ejl ] |
|
Kung matigas ang ulo ng mga namamahala sa Pilipinas, tumangging ibigay ang mga pagbubuting hinihiling, at sa halip ay maghangad na iatras ang kalagayan ng bayan, lalong isugid ang kanilang pagsupil at pahirap sa mga marunong mag-isip at magbalak, ang kanilang tangka ay pagsasapalaran ng katahimikan ng buhay, pagpapalawak ng paghihirap at hinanakit para lamang makamit ang hindi tiyak. Ano ang mawawala sa bakbakan? Halos wala: ang buhay ng maraming galit na tao ay hindi sapat na mabuti upang piliin kaysa kamatayang marangal. Baka mabutihin itong pagpapatiwakal, subalit pagkatapos, ano? Hindi ba dadaloy ang ilog ng dugo sa pagitan ng mga nanalo at mga natalo, at pagtagal at nasanay, hindi kaya mapantayan ng mga natalo, dahil mas marami sila, ang mga nanalo? Sino ang makapagsasabi? Lahat ng maliliit na aklasang naganap sa Pilipinas ay pagsalakay ng ilan-ilang fanatico o naunsiyaming sundalo na ang hangad lamang ay dayain ang mga tao o matanghal na hari ng kanilang pali-paligid. Kaya natalo silang lahat. Walang aklasan ang tinangkilik ng marami, o ipinaglaban batay sa pangangailangan ng buong lahi, sa budhi ng | Si los que dirigen los destinos de Filipinas se obstinan, y en vez de dar reformas quieren hacer retroceder el estado del país, extremar sus rigores y las represiones contra las clases que sufren y piensan, van á conseguir que éstas se aventuren y pongan en juego las miserias de una vida intranquila, llena de privaciones y amarguras por la esperanza de conseguir algo incierto. ¿Qué se perdería en la lucha? Casi nada: la vida de las numerosas clases descontentas no ofrece gran aliciente para que se la prefiera á una muerte gloriosa. Bien se puede tentar un suicidio; pero ¿y después? ¿No quedaría un arroyo de sangre entre vencedores y vencidos, y no podrían éstos con el tiempo y con la experiencia igualar en fuerzas, ya que son superiores en número, á sus dominadores? ¿Quién dice que no? Todas las pequeñas insurrecciones que ha habido en Filipinas fueron obra de unos cuantos fanáticos ó descontentos militares que para conseguir sus fines tenían que engañar y embaucar ó valerse de la subordinación de sus inferiores. Así cayeron todos. Ninguna insurrección tuvo carácter popular ni se fundó en una necesidad de toda una raza, ni luchó por los fueros de la humanidad, ni de la justicia; así ni dejaron recuerdos indelebles en el pueblo, antes al contrario, viendo que había sido engañado, secándose las heridas, ¡aplaudió la caída de los que turbaron su paz! Pero y ¿si el movimiento nace del mismo pueblo y reconoce por causa sus miserias? |
mga tao o sa katarungan; kaya madali silang nilimot at, kabaligtaran ng kanilang tangka, nahalata ng mga tao na sila ay nilansi lamang at, paggaling ng kanilang mga sugat, ipinagdiwang pa ang pagbagsak ng mga sumira sa kanilang katahimikan. Subalit ano kung ang paghihimagsik ay isinilang ng bayan mismo at kinilalang dala ng paghihirap ng mga tao? | |
Kung gayon, kung hindi umobra ang talino ng ating mga ministro at ang kanilang mga pagbubuti, at hindi maipatupad sa mga governador at mga tapat na namamahala sa kabila ng dagat na madalas inaasahan tuwing magkaruon ng gulo sa pamahalaan; kung ang panawagan at pangangailangan sa Pilipinas ay lagi nang sinagot ng hindi maaari, sa himok ng mga Español na matiwasay duon habang api ang mga tao; kung tanggihan nila ang mga tamang panawagan bilang paghihimagsik, ikait ang pagkakaruon ng kinatawan sa Cortes* at tinig ng bayan upang isiwalat ang sari-saring kalabisan, na nakakalusot sa pagbuhol-buhol ng mga batas; sa madaling salita, kung ipagpapatuloy ang pamamahala ngayong nagbubunga ng pagwalay ng damdamin ng mga tao, pagsira sa kanilang diwa sa pamamagitan ng paglibak at kawalang-hiya, panatag nating masasabi na sa luob ng ilang taon lamang, lubusang mababago ang kasalukuyang mga kalagayan; hindi maiiwasan. Ngayon, laganap na ang hindi naganap sa nakaraan; nagising na ang diwa ng bayan, at ang malawak na pagpahirap at pag-api ay siyang napag-iisa sa lahat ng taga-kapuluan. Isang bahagi ng kanilang lipunan, isinilang ng kabuktutan ng mga kilalang governador, ay nabubuhay na sa luob at labas ng kapuluan dahil napilitang mag-ibang bayan upang mag-aral ang marami habang ang iba ay naiwan at lumalaban dahil sa kaguluhan at pamamahala batay sa pag-usig. Itong bahagi ng lipunan, dumadami nang dumadami, ay laging kasangguni ng lahat sa Kapuluan at, kung ngayon, ito ay utak lamang ng bayan, paglipas ng |
Así, pues, si la prudencia y las sabias reformas de nuestros ministros no encuentran hábiles y decididos intérpretes entre los gobernantes de Ultramar, y fieles continuadores en los que las frecuentes crisis políticas llaman á desempeñar tan delicado puesto; si á las quejas y necesidades del pueblo filipino se ha de contestar con el eterno no há lugar, sugerido por las clases que encuentran su vida en el atraso de los súbditos; si se han de desatender las justas reclamaciones para interpretarlas como tendencias subversivas, negando al país su representación en las Cortes y la voz autorizada para clamar contra toda clase de abusos, que escapan al embrollo de las leyes; si se ha de continuar, en fin, con el sistema fecundo en resultados de enajenarse la voluntad de los Indígenas, espoleando su apático espíritu por medio de insultos é ingratitudes, podemos asegurar que dentro de algunos años, el actual estado de las cosas se habrá modificado por completo; pero inevitablemente. Hoy existe un factor que no había antes; se ha despertado el espíritu de la nación, y una misma desgracia y un mismo rebajamiento han unido á todos los habitantes de las Islas. Se cuenta con una numerosa clase ilustrada dentro y fuera del Archipiélago, clase creada y aumentada cada vez más y más por la torpezas de ciertos gobernantes, obligando á los habitantes á expatriarse, á ilustrarse en el extranjero, y se mantiene y lucha gracias á las excitaciones y al sistema de ojeo emprendido. Esta clase, cuyo número aumenta progresivamente, está en comunicación constante con el resto de las Islas, y si hoy no forma más que el cerebro del país, dentro de algunos años formará todo su sistema nervioso y manifestará su existencia en todos sus actos.
Ahora bien; para atajar el camino al progreso de un pueblo, la política cuenta con varios medios: el embrutecimiento de las masas por medio de una casta adicta al Gobierno, aristocrática como en las colonias holandesas, ó teocrática como en Filipinas; el empobrecimiento del país; la destrucción paulatina de sus habitantes, y el fomento de las enemistades entre unas razas y otras. |
ilang taon lamang, ito ang magiging katauhan ng bayan na magpapakita ng kakayahan sa bawat kilos.
Datapwa; ilang paraan ang gamit upang hadlangan ang pag-unlad ng bayan: ang pagmangmang sa mga tao na masugid ginagawa ng Pamahalaan, mapaghari tulad sa mga sakop ng Dutch, o mala-pari tulad sa Pilipinas; ang pagpa-dukha sa mga tao; ang unti-unting pagsalanta sa kanila, at pagtaguyod ng muhi ng isang lahi laban sa kaibang lahi*. [ * Cortes - Batasang Bayan o congress sa España. * Sinulsulan ng España ang galit ng mga indio sa mga Intsik, sa mungkahi ni Sinibaldo de Mas sa hari nuong 1842. -- ejl ] |
|
Napatunayan na hindi maaring panatiliing mangmang ang mga Pilipinong Malay. Kahit na pinutakti/dinumog/sinalanta ng mga frayle na sinarili ang pagpa-aral sa mga bata na nag-aksaya ng taon-taong pasakit sa mga paaralang iniwan nilang pagod araw-araw, hapo at asar sa mga aklat; kahit na mahigpit ang ang pag-censor, sa hangad na isara lahat ng daan sa pag-unlad; kahit na lahat ng pangaral sa simbahan, kumpisalan, mga aklat at novenas na nagtaguyod ng pagkamuhi, hindi lamang sa agham kundi sa lahat ng kaalaman, hanggang namuhi na rin sa wikang Español; kahit na nagtatag sila ng pamahalaan at mga paraang masugid nilang sinanay at pinaghusay upang pairalin ang banal na kamangmangan sa Kapuluan, lumitaw pa rin ang mga manunulat, mga malayang isip, mga manalaysay, mga mapagkatwiran, mga doctor at chemists, mga artista, abogados at iba pa. Ang dunong ay lumalawak, at ang malupit na parusa ay lalong nagpapa-alab nito. Hindi; ang banal na liwanag ng kaalaman ay hindi mapupundi sa bayang Pilipino, at sa isa o ibang paraan, sisinag at iilaw ito sa dunong. Hindi maaaring supilin ang mga tao sa Pilipinas!
Mapipigil ba ng pagka-dukha ang pag-unlad ng bayan? Baka, subalit mapanganib itong tangka. Nakita na natin sa karanasan ng daigdig, lalo na sa Pilipinas, na ang mga tao na katulong ng Español ay mahilig sa hinahon at maayos na pamahalaan, sapagkat mahusay ang buhay kung ganuon at mawawala ito sa anumang kaguluhan. Itong bahagyang yaman ay |
El embrutecimiento de los Malayos filipinos se ha demostrado ser imposible. A pesar de la negra plaga de frailes, en cuyas manos está la enseñanza de la juventud, que pierde años y años miserablemente en las aulas, saliendo de allí cansados, fatigados y disgustados de los libros; á pesar de la censura, que quiere cerrar todo paso al progreso; á pesar de todos los pulpitos, confesionarios, libros, novenas que inculcan odio á todo conocimiento no sólo científico, sino hasta el mismo de la lengua castellana; á pesar de todo ese sistema montado, perfeccionado y practicado con tenacidad por los que quieren mantener las Islas en una santa ignorancia, hay escritores, librepensadores, historiógrafos, filósofos, químicos, médicos, artistas, jurisconsultos, etc. La ilustración se extiende, y la persecución que sufre la aviva. No; la llama divina del pensamiento es inextinguible en el pueblo filipino, y de un modo ó de otro ha de brillar y darse á conocer. ¡No es posible embrutecer á los habitantes de Filipinas!
¿Podrá la pobreza detener su desarrollo? Tal vez, pero es una medida muy peligrosa. La experiencia nos demuestra en todas partes, y sobre todo en Filipinas, que las clases más acomodadas han sido siempre las más amigas de la quietud y del orden, porque son las que viven mejor relativamente y podrían perder en los disturbios civiles. La riqueza trae consigo el refinamiento, el espíritu de conservación; mientras que la pobreza inspira ideas aventureras, deseos de cambiar las cosas, poco apego á la vida, etc. Machiavelo mismo encuentra peligroso este medio de sujetar á un pueblo, pues observa que la pérdida del bienestar suscita más tenaces enemigos que la pérdida de la vida. Además, cuando hay riqueza y abundancia hay menos descontentos, hay menos quejas, y el Gobierno, más rico, se encuentra también con más medios para sostenerse. En cambio en un país pobre sucede lo que en casa donde no hay harina; y además ¿de qué le sirviría á la Metrópoli una colonia macilenta y pobre? |
nagdudulot ng pagka-maselan, ng pagka-buo ng diwa; samantalang ang pagka-dukha ay nagsusulsol sa mga balak na pangahas, na baguhin ang kasalukuyang kalagayan, sapagkat alam ng mga dukha na mas mahapdi ang masadlak sa hirap kaysa mamatay. Isa pa, kapag may yaman at diwasa at maunti ang mga hinanakit, at mas masalapi ang Pamahalaan, mas marami pang karaniwang tao na tatangkilik dito. Kabaligtaran sa mahirap na bayan, ano ang mangyayari sa luob ng bahay na walang pagkain; at isa pa, ano ang silbi sa Bayan* ng isang pugad ng mga mahirap na namamatay sa gutom?
[ * Metrópoli - ang ‘punong lungsod’ o capital; tulad ng ‘Inang Bayan,’ España o Madrid ang tinutukoy ni Rizal. -- ejl ] |
|
Hindi rin maaaring patayin unti-unti ang mga tao. Ang mga lahing Pilipino, tulad ng mga Malay, ay hindi napupuksa ng mga dayuhan, tulad ng nangyari sa mga taga-Australia, taga-Polynesia at mga lahing indio sa America*. Kahit na maraming digmaan na pinilit ang mga Pilipinong salihan, kahit na laksang salot ang paulit-ulit na sumalanta sa kanila, dumami nang 3 patong ang mga tao, tulad ng mga Malay sa Java at Maluku*. Kaya at natatanggap ng Pilipino ang kabihasnan, at ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bayan at lahat ng kalagayan dala mula duon. Ang alak, ang lason na pumatay sa mga katutubo sa mga pulo ng dagat Pacific, ay walang bisa sa Pilipinas; kabaligtaran, maniwaring nabawasan ang paglalasing ng mga Pilipino ngayon kaysa nuon, kung itutulad sa mga pahayag ng mga lumang kasaysayan. Ang |
Tampoco es posible destruir paulatinamente á los habitantes. Las razas filipinas, como todas las malayas, no sucumben ante el extranjero, como las razas australianas, las polinésicas y las razas indias del Nuevo Continente. Pese á las numerosas guerras que los Filipinos han tenido que sostener, pese á las epidemias que los visitan periódicamente, su número se ha triplicado, al igual que los malayos de Java y de las Molucas. El Filipino acepta la civilización y vive y se mantiene en contacto con todos los pueblos y en la atmósfera de todos los climas. El aguardiente, ese veneno que extingue á los naturales de las islas del Pacífico, no tiene poderío en Filipinas; antes por el contrario, parece que los Filipinos se han vuelto más sobrios, á comparar su estado actual con el que nos pintan los antiguos historiadores. Las pequeñas guerras con los habitantes del Sur consumen solamente á los soldados, gente que por su fidelidad á la bandera española, lejos de ser un peligro, es precisamente uno de sus más sólidos sostenes. |
mga maliliit na digmaan laban sa mga taga-Timog* ay sumasalanta lamang sa mga sundalo, mga Pilipinong kampi sa Español, hindi mapanganib, at bagkus isa sa mga matibay na alalay ng pamahalaan.
[ * Aborigines, ang mga unang tao sa Australia, ay nagkamatayan nang pumasok ang mga taga-Europe; ganuon din ang nangyari sa mga tagapulo sa dagat Pacific at sa mga tinawag sa America na ‘Indian’ o taga-India. * Moluccas (Spice Islands) - ang kapuluan ng Maluku na bahagi ng Indonesia ngayon. * Moro - ang mga taga-timog ng |
|
Ang nalalabi na lamang ay pag-awayin ang mga lalawigan. Maaari ito dati, nuong mahirap at bihira ang ugnayan ng iba’t ibang pulo, nuong wala pang barkong dimakina (vapor, steamboat) o telegrama, nuong binuo ang mga hukbo ayon sa lalawigan, pinupog ng papuri, parangal at mga tanging karapatan, at ginamit laban sa sinumang kalaban. Subalit ngayong wala na ang mga tanging karapatan, ngayong pinaghihinalaan na ang kanilang pananalig, ngayong binubuo na ang hukbo mula sa iba’t ibang pulo, dapat lamang asahan na nagbago ang mga ugnayan at paglawak ng isip, at nakikita nang iisa ang panganib at ang hinanakit na bunga nito, naganap ang kanilang kapalaran at sila ay nagkaisa. Tiyak nang hindi pa lubusan itong pagkakaisa, subalit minabuti na ng pamahalaang asintahin agad, ginamitan ng pagpa-patapon, ng paghamak sa mga tao, ng pagsugod ng kanilang mga alagad, ng pagpaunti ng mga paaralan na maaaring pagtipunan ng mga kabataan sa iba’t ibang pulo at matuklasan ang kanilang pagkatao. Malaking tulong din sa paglawak ng ugnayan ang mga paglalakbay sa ibang bayan, |
Queda el fomento de las enemistades de las provincias entre sí.
Esto era posible antes, cuando las comunicaciones de unas islas con otras eran difíciles y raras, cuando no había vapores, ni telégrafos, cuando se formaban los regimientos según las diferentes provincias, se halagaba á unas concediéndoles privilegios y honores, y se sostenía á otras contra las más fuertes. Pero ahora en que desaparecieron los privilegios, en que por espíritu de desconfianza se han refundido los regimientos, en que los habitantes se extrañan de unas islas á otras, naturalmente las comunicaciones y el cambio de impresiones aumentan, y viéndose todos amenazados de un mismo peligro y heridos en unos mismos sentimientos, se dan las manos y se unen. Cierto que la unión no es todavía del todo completa, pero á ella van encaminadas las medidas de buen gobierno, las deportaciones, las vejaciones que los vecinos en sus pueblos sufren, la movilidad de los funcionarios, la escasez de los centros de enseñanza, que hace que la juventud de todas las islas se reúnan y aprendan á conocerse. Los viajes á Europa contribuyen también no poco á estrechar estas relaciones, pues en el extranjero sellan su sentimiento patrio los habitantes de las provincias más distantes, desde los marineros hasta los más ricos negociantes, y al espectáculo de las libertades modernas y al recuerdo de las desgracias del hogar, se abrazan y se llaman hermanos. |
sapagkat sa Europe ang mga galing sa iba’t ibang lalawigan, mula sa mga tauhan sa barko hanggang sa mga pinaka-mayamang nagkakalakal, ay nagkaka- damdaming makabayan, at sa nakikita nilang makabagong kalayaan duon at sa alaala ng mga kasawiang-palad sa sariling bayan, nagsasanib sila at tinatawag na kapatid ang isa’t isa. | |
Sa huling tuusan, ang pag-unlad at pagtayog ng diwa ng Pilipinas ay mangyayari, hindi maiiwasan.
Ang kalagayan sa Kapuluan ay hindi maaaring magpatuloy nang hindi nagkakamit ng dagdag na kalayaan ang mga tao. ‘Mutatis, mutandis.’ Sa mga bagong tao, isang bagong lipunan. Ang magnais na panatiliing musmos ang mga tao ay mabubunyag sa kabataan na laban sa kanilang paglipad at tatakas sila, pinagpupunit-punit ang mga trapo na nakalampin sa kanila. Kaya ang Pilipinas ay mananatiling sakop ng Español, subalit mas malaya at mas marating karapatan, o maghahayag ito ng kalayaan at pagsasarili, pagkatapos maligo sa sariling dugo at buhusan ng dugo ang Inang Bayan. |
En suma, pues, el adelanto y progreso moral de Filipinas es inevitable, es fatal.
Las Islas no pueden continuar en el estado en que están, sin recabar de la Metrópoli más libertades. Mutatis, mutandis. A nuevos hombres, nuevo estado social. Querer que continúen en sus pañales, es exponerse á que el pretendido niño se vuelva contra su nodriza y huya desgarrando los viejos trapos que le ciñen. Las Filipinas, pues, ó continuarán siendo del dominio español, pero con más derecho y más libertades, ó se declararán independientes, después de ensangrentarse y ensangrentar á la Madre patria. Como nadie debe desear ni esperar esta desgraciada ruptura, que sería un mal para todos y solamente el último argumento en el trance más desesperado, vamos á examinar al través de qué formas de evolución pacífica podrían las Islas continuar sometidas á la bandera de España, sin que los derechos, ni los intereses ni la dignidad de unas y otras se encontrasen en lo más mínimo lastimados. |
Wala namang dapat magnais o maghintay na maganap itong kalunos-lunos na pagwawalay, na makakasira sa lahat at imumungkahi lamang sa harap ng naka-ambang panganib ng mga sindak at wala nang maisip na ibang magawa, kaya halika at suriin kung ano-anong uri ng mapayapang pagbabago ang dapat tahakin ng Kapuluan upang patuloy na pailalim sa sagisag ng España, nang walang mga karapatan, walang pagkalinga, walang dangal ang bawat nakakaranas ng kahit pinaka-maunting pasakit. |
|
Nakaraang kabanata Ulitin mula sa itaas Hindi Karaniwang Mga Pilipino Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Sunod na kabanata |