Jose Rizal   JOSE P. RIZAL:   Filipino columnist sa ‘La Solidaridad

Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon
‘Filipinas Dentro de Cien Años’   ( ‘The Philippines 100 Years Hence’ )

PANG-ARAL  Panlipunan-Pampolitika” (estudio politico-social, politico-social study) ang turing ni Jose Rizal sa 4 sanaysay (redacciones, columns) niya sa La Solidaridad, pahayagang nilathala tuwing 2 linggo nuong kataasan ng ‘Panahon ng Kalampag’ o ‘Panawagan’ (Propaganda Movement ) ng mga Pilipino sa España. Narito ang mga sinulat niya sa Español, katabi ng salin sa Tagalog, upang ipakita kung tama ang mga panukala ni Rizal tungkol sa panahon ngayon - ang takdang 100 taon pagkaraan ng pagsulat niya.

            4.       ang mga bagong tao...

4.       los hombres nuevos...

Sa Madrid, España, nuong ika-31 ng Enero 1890.

Sa mga kasaysayan, walang nagtagal na pagsakop ng isang bayan sa ibang bayan, na iba ang lahi, ugali at kagawian, at salungat o kaiba ang paniniwala.

Isa sa kanila ay napilitang sumuko; kundi napalayas ang mga sumakop na dayuhan, tulad ng pagpalayas mula sa España ng mga taga-Carthage, ng mga Moro at ng mga taga-France, ang sinakop na bayan ay lubusang nadaig at nalipol, tulad ng nangyari sa mga Unang Tao sa America, Australia, New Zealand, at iba pa.

Isa sa mga pinaka-matagal na sumakop ang mga Moro* sa España, umabot ng 700 taon. Subalit, kahit namahay ang mga Moro kasama ng mga Español, kahit nahati-hati ang lupain sa maliliit na mga kaharian, mistulang munting mga pulo na tumubo sa dagat ng ka-Moro-han, kahit na magiting, mapagbigay at mabait sa mga catholico ang mga caliph*, napalayas din sila matapos ng mga madugo at sunud-sunod na digmaan, na napag-isa sa mga Español at nabuo ang bayan ng España nuong ika-15 at ika-16 sandaan taon.

Labag sa kalikasan ang mabuhay ang katipunan ng mga dayuhan kasama-sama ng kaibang mga tao na may katumbas na lakas at sipag. Napatunayan ng agham na ang mga dayuhan ay nakakatulad ng mga kaibang

Madrid, 31 Enero 1890.

La historia no registra en sus anales ninguna dominación duradera ejercida por un pueblo sobre otro, de razas diferentes, de usos y costumbres extrañas, y de ideales opuestos ó divergentes.

Uno de los dos ha tenido que ceder y sucumbir; ó el extranjero fué arrojado como les sucedió á los cartagineses, los árabes y los franceses en España, ó el pueblo indígena tuvo que sucumbir, ó retirarse como fué el caso de los habitantes del nuevo Continente, de Australia, Nueva Zelanda, etc.

Una de las más largas dominaciones fué la de los árabes en España, que duró siete siglos. Pero, á pesar de vivir el pueblo conquistador en medio del país conquistado; á pesar del fraccionamiento de los pequeños estados de la Península que surgían poco á poco, como pequeñas islas en medio de la gran inundación sarracena; á pesar del espíritu caballeresco, de la bizarría y de la tolerancia religiosa de los califas, fueron echados al fin tras de sangrientas y tenaces luchas que formaron la Patria española y crearon la España de los siglos XV y XVI.

Es contra todas las leyes naturales y morales la existencia de un cuerpo extraño dentro de otro dotado de fuerza y actividad. La ciencia nos enseña, ó que se asimila, destruye el organismo, se elimina ó se enquista.

El enquistamiento de un pueblo conquistador es imposible, toda vez que significa aislamiento completo, inercia absoluta, adinamia del elemento vencedor. El enquistamiento significa aquí la tumba del invasor extranjero.

tao, nalilipol at naglalaho, o nababalot ng nana, tumitigas at nagiging bukol*.

Hindi maaaring mabalot at maging bukol ang sumasakop na mga dayuhan, nangangahulugang lubusang naihiwalay, lubusang napigil ang galaw, at napaghingalo ang mga sumakop. Kaya ang pagiging bukol na ibig sabihin dito ay ang paglibing sa mga dayuhang sumasakop.

[ * Moro - taga-Morocco, ang mga unang Muslim na sumakop sa España mula nuong 711 hanggang 1492.     * Caliph - hari at pinaka-mataas na pari o imam ng mga Muslim.    
* El enquistamiento - pagbubukol (cyst ) sa luob ng katawan na maaaring ituring na isang uri ng cancer, pigsa, o iba pa.   -- ejl ]

Sa gayon, kung ipagpapalagay ang mga aral sa Pilipinas, kailangan nating isipin bilang tuos sa lahat ng nasabi na natin, na kung hindi masapi ang mga tao sa bayang España, kung ayaw yakapin ng mga nagpapalakad ang diwa ng kanilang mga mamamayan, kung ang mga mapag-pantay na mga batas at mga pagbubuting walang daya at mapagpa-laya, ay hindi nagpalimot sa bawat tao na kabilang sila sa magkaibang lahi, o kung kapwang mga tao ay hindi mahalo nang sapat upang maging iisang tao, na magkambal ang libunan at pamahalaan na maniwaring hindi magagambala ng magkasalungat na hangarin at magka-away na pag-iisip at kapakanan, kung gayon, ihahayag ng Pilipinas sa mga darating na araw ang kanyang paghiwalay, hindi mababali at hindi mababawi. Itong atas ng tadhana ay hindi masasawata ng pagka-makabayan

Pues bien: aplicando estas consideraciones á Filipinas, tenemos por fuerza que concluir, como deducción de todo lo que venimos diciendo, que si no se asimila su población á la patria española, si los dominadores no se apropian el espíritu de sus habitantes, si leyes equitativas y reformas francas y liberales no les hacen olvidar á los unos y á los otros de que son de razas diferentes, ó si ambos pueblos no se funden para constituir una masa social y políticamente homogénea que no esté trabajada por opuestas tendencias y antagónicos pensamientos é intereses, las Filipinas se han de declarar un día fatal é infaliblemente independientes. Contra esta ley del destino no podrán oponerse ni el patriotismo español, ni el clamoreo de todos los tiranuelos de Ultramar, ni el amor á España de todos los filipinos, ni el dudoso porvenir de la desmembración y las luchas intestinas de las islas entre sí. La necesidad es la divinidad más fuerte que el mundo conoce, y la necesidad es el resultado de las leyes físicas puestas en movimiento por las fuerzas morales.
ng Español, o ng pagmamahal ng lahat ng Pilipino sa España, ni ng alinlangan na, sa mga darating na araw, makawatak-watak ang Kapuluan at maglabanan sila-sila. Ang pangangailangan ang pinaka-makapangyarihang Dios na kilala sa daigdig, at ang pangangailangan ang kinahahantungan ng tulak ng kalikasang sinisimulan ng kapangyarihan ng diwa ng kabutihan.
Nasabi na natin, at pinapatunayan ng mga pagtutuos, na hindi maaaring lipulin ang bayang Pilipino. At, maging magagawa man, ano ang hangad ng España sa pagwasak sa bayan na hindi niya kayang tirahan o pagyamanin, nang panahon duon ay makakasira nang malaki sa kanya? Ano ang silbi ng Pilipinas na walang mga Pilipino? Tunay, talaga, sa paraan ng pagsakop at pansamantalang pamamahala ng mga Español na nagbabalikan mula sa mga sakop, ang sakop na lupain ay mas magagamit at pagkakakitahan kung may mga tao at pinagyaman. Isa pa, sa pagpatay sa 6 milyon Malay, kahit isiping musmos silang hindi kailan man natutong lumaban at ipagtanggol ang mga sarili, kailangang itustos ng España ang ika-4 bahagi, baka higit pa, ng kanyang mga mamamayan. Itinatawag namin ito sa pansin ng mga naghahangad manglupig sa bayang sakop. Subalit walang mangyayari nang tulad nito. Ang panganib ay kapag ikait ng España sa mga Pilipino ang Dijimos, y la estadística lo prueba, que es imposible destruir la raza filipina. Y aun cuando fuese posible, ¿qué interés tendría España en la destrucción de los habitantes de un suelo que ella no puede poblar ni cultivar, cuyo clima le es hasta cierto punto funesto? ¿De qué le servirían las Filipinas sin los filipinos? Sí, precisamente, dado su sistema de colonización y el carácter transitorio de los peninsulares que pasan á Ultramar, una colonia le es tanto más útil y productiva cuanto más habitantes y riquezas posee. Además, que para destruir á los seis millones de malayos, aun suponiéndoles que están en la infancia y que nunca han de aprender á luchar y defenderse, se necesita cuando menos que España sacrifique una cuarta parte de su población. Esto se lo recordamos á los partidarios de la explotación colonial. Pero nada de esto puede suceder. Lo inminente es que, si la instrucción y las libertades necesarias á la vida humana España se las niega á los filipinos, éstos buscarán su instrucción en el extranjero, á espaldas de la Madre patria, y se procurarán de un modo ó de otro ciertas comodidades en su país. Resultado: que la resistencia de los políticos miopes y raquíticos no sólo es inútil, sino perjudicial, pues lo que pudo ser motivo de gratitud y amor, se convierte en resentimiento y odio.
pagpapa-aral at mga karapatang kailangan sa buhay ng tao, na, lihim sa España, hahanap sila ng kaalaman sa ibang bayan o kukuha sila sa anumang paraan ng ikalalakas ng Pilipinas nang sa gayon, ang pagsalungat ng mga nabubulagan at nalulumpong may-kapangyarihan ay hindi lamang magiging walang saysay kundi makasasama pa sapagkat papalitan nito ang mga damdamin ng pagmamahal at pasasalamat ng damdamin ng hinanakit at pagkamuhi.
Hinanakit at pagkamuhi sa isang panig, kawalang-tiwala at galit sa kabila, ay magbubunga sa bandang huli ng marahas na salpukan, lalo na at may mga naghahangad magkagulo nga para makinabang sila sa takbuhan, ipakita ang kanilang lakas, magpalawak ng dalamhati at sisihan, o magamit ang kanilang dahas, at iba pa. Dapat asahang magwawagi ang Pamahalaan, at karaniwang (at ito ang ugali) malupit ang parusa, upang maituro ang lakas ng kapangyarihan o upang gantihan lamang ang mga natalo sa takot at panganib na sinimulan nila. Hindi maiiwasan sa ganitong paghahamok ang maraming pahirap na papataw sa mga walang kasalanan at mapayapang tao. Kani-kanyang gantihan, pagka-kanulo, kalunos-lunos na pagpa-paratang, mga hinanakit, inggit, mapagsamantalang tsismis, madaliang paglilitis sa harap ng hukbong sandatahan, ang mga pagkukunwari ukol sa dangal ng bayan at kaligtasan ng pamahalaan na balatkayo at pagpapatunay sa lahat, kahit sa mga may maselang pag-iisip na, sa malas, ay bihira at, higit sa lahat, ang kimi ng mga nasisindak, ang mga duwag na bumabayo sa mga nalupig, lahat ng ito ay dagdag sa mga kalupitan at sa dami ng nadadamay. Ang labi sa katapusan ay isang ilog ng dugo na magpapagitan sa 2 bayan; ang mga nasaktan at naghihinakit, sa halip na mabawasan, ay dumadami, dahil sa tingin ng mga kamag-anak at kaibigan ng mga may-sala na naniniwalang laging sobra ang parusa at malupit ang hukom, ay dapat idagdag ang mga kamag-anak at kaibigan ng mga walang-sala na walang nakikitang dahilang mamuhay at magsikap nang mapayapa at nakayuko. Pansinin din, na kung mapanganib ang sobrang pagmamalupit sa bayan na binubuo ng magkakatulad na tao, 100 patong na lalong mapanganib kung ang Pamahalaan ay binubuo ng lahi na Odio y resentimiento por una parte, suspicacia é ira por otra, acabarán por fin en un choque violento y terrible; máxime cuando hay elementos interesados en que se perturbe el orden para pescar algo en turbio, para demostrar su valioso poder, para lanzar lamentaciones, recriminar ó activar medidas violentas, etc. De esperar es que el Gobierno salga triunfante, y generalmente (y es la costumbre) se extrema en el castigo, ya sea para dar un terrible escarmiento para hacer alarde de severidad, ó también para vengar en el vencido los momentos de terror y zozobra que el peligro le hizo pasar. Inevitable accesorio de estas catástrofes es el cúmulo de injusticias que se cometen en inocentes ó pacíficos habitantes. Las venganzas privadas, las delaciones, las acusaciones infames, los resentimientos, la codicia del bien ajeno, el momento oportuno para una calumnia, la prisa y los procedimientos expeditivos de los tribunales militares, el pretexto de la integridad de la Patria y de la razón de Estado que todo lo cubre y abona, aun para las conciencias escrupulosas, que son ya por desgracia raras, y sobre todo el temor cerval, la cobardía que se ceba en el vencido, todas estas cosas aumentan los rigores y el número de las víctimas. Resulta que un arroyo de sangre se interpone ahora entre los dos pueblos; que los heridos y resentidos, en vez de disminuirse se aumentan, pues á las familias y amigos de los culpables, que siempre creen excesivo el castigo é injusto el juez, hay que agregar las familias y amigos de los inocentes que no ven ninguna ventaja en vivir y obrar sumisa y pacíficamente. Considérese además que si las medidas de rigor son ya peligrosas en medio de una nación constituída por una población homogénea, el peligro se centuplica cuando el Gobierno forma raza diferente de la de los gobernados. En la primera, una injusticia todavía se puede atribuir á un solo hombre, al gobernante movido por pasiones privadas, y muerto el tirano, el ofendido se reconcilia con el Gobierno de su nación. Pero en países dominados por una raza extranjera, el acto de severidad más justo se interpreta por injusticia y opresión, por aquello de que lo dicta una persona extraña que no tiene simpatías ó que es enemigo del país; y la ofensa no sólo ofende al ofendido, sino á toda su raza, porque no se suele considerar personal, y el resentimiento, naturalmente, se extiende á toda la raza gobernante y no muere con el ofensor.
kaiba sa mga mamamayan. Sa unang lagay, ang kalupitan ay maisi-sisi sa isang tao lamang, sa isang governador na may sariling pakana, at sa pagkamatay nito, ang pinahirapan ay naibubukod uli sa pamahalaan ng kanyang bayan. Subalit sa bayang sakop ng ibang lahi, kahit na pinaka-tamang paghihigpit ay itinuturing na walang katarungan at pagmamalupit, dahil utos ng dayuhan na walang pakisama o kaaway ng bayan; at ang kalupitan ay masakit hindi lamang sa hinahatulan kundi sa kanyang buong lipi, sapagkat karaniwang hindi itinuturing na parusa sa isang tao lamang, kaya ang hinanakit, karaniwan, ay lumalawak sa lahi ng governador at hindi naglalaho pagkamatay niya.
Kaya malawak na pag-iisip at maselang pagturing ang dapat tuntunin ng mga sumasakop na bayan; at dapat pag-isipan na karaniwan sa Pamahalaan ng mga sakop, at lalo na sa ating Pamahalaan sa Kabilang Dagat, na paaralang pinagsasanayan lamang ang turing sa bayan, na tumutulong sa pagtupad ng dakilang batas na ang mga sakop na bayan, sa madali o matagal na panahon, ay maghahayag ng kalayaan at magsasarili.

Ganito ang tarik na binabagsakan ng mga tao; kapantay sa dugo nilang ibinubuhos, at babad sa luha at sama ng luob, ang nasasakop na bayan, kung mayruon man itong buhay, ay natututong lumaban at nasasanay sa bakbakan, samantalang ang Inang Bayan, nakasalalay ang buhay sa amo at kalinga ng mga tao, ay lagi nang humihina, at kahit magsikap nang masugid, sa bandang huli, dahil mas maunti, at hindi naman tunay duon ang kanyang buhay, kaya nasasawi siya. Tulad siya ng mayamang laki-sa-layaw na nasanay na pinagsisilbihan ng maraming alila, sa oras na tumangging sumunod ang mga alipin, hindi kasi siya nabubuhay sa sariling kusa, siya ay mamatay.

Ang mga paghihiganti, mga kagagawan at mga hinala sa isang panig, at sa

De aquí la inmensa prudencia y exquisito tacto que deben adornar á los países colonizadores; y el hecho de considerar el Gobierno de las colonias en general, y nuestro Ministerio de Ultramar en particular, como escuelas de aprendizaje, contribuye notablemente á que se cumpla la gran ley de que las colonias se declaran independientes más ó menos tarde.

Así, por esa pendiente, se despeñan los pueblos; á medida que se bañan en sangre y se empapan en hiel y lágrimas, la colonia, si tiene vitalidad, aprende á luchar y á perfeccionarse en el combate, mientras que la Madre patria, cuya vida en la colonia depende de la paz y de la sumisión de los súbditos, se debilita cada vez, y aunque haga heroicos esfuerzos, al fin, como su número es menor, y sólo tiene una vida ficticia, acaba por morir. Es como un rico sibarita que, acostumbrado á ser servido por numerosos criados, que trabajan y siembran para él, el día en que sus esclavos le nieguen la obediencia, como no vive de por sí, tiene que morir.

Las venganzas, las injusticias y la suspicacia de un lado, y por otro el sentimiento de la patria y de la libertad que se despertará en estas luchas continuas, insurrecciones y levantamientos, acabarán de generalizar el movimiento y uno de los dos pueblos tiene que sucumbir. La laxitud será corta, puesto que equivaldrá á una esclavitud mucho más cruel que la muerte para el pueblo, y á un desprestigio deshonroso para el dominador. Uno de los pueblos tiene que sucumbir.

kabila ay damdamin ng pagka-makabayan at kalayaan na lumilitaw sa ganitong mga matagalang bakbakan, aklasan at himagsikan, ay nagpapalawak sa kilusan at isa sa 2 panig ay hindi magagapi. Ang sagupaan ay magiging maigsi, magkakahulugan para sa mga tao ng pagka-alipin na higit na malupit kaysa kamatayan, at para sa mga sumasakop, ng kahiya-hiyang pagkawala ng katanyagan.
España, sa dami ng kanyang mga mamamayan, sa kalagayan ng kanyang sandatahang dagat at hukbo, sa layo niya mula sa Kapuluan, sa liit ng alam niya tungkol sa mga tao, at sa paghamok sa mga tao na nagmaliw sa pagmamahal at ganda ng luob para sa kanya, ay mapipilitang umurong, kung hindi niya nais manganib hindi lamang ng iba niyang mga sakop at ang kinabukasan niya sa Africa, kundi pati ang kanyang kalayaan sa Europe mismo. Lahat ng ito ay magtutubos ng maraming dugo, maraming katiwalian, paglipas ng mga sagupaan, mga patayan, mga sunog, mga pagbitay ng hukbo, gutom, hinagpis, at iba’t iba pa. Ang Español ay makabayan at magiting, at isinusugal ang lahat, sa magagandang panahon, para sa ikabubuti ng kanyang bayan: kanya ang tapang at dahas ng kanyang toro; mahal din nang katumbas España, por el número de sus habitantes, por el estado de su ejército y marina, por la distancia á que se encuentran las islas, por los pocos conocimientos que de ellas tiene, y por luchar contra una población cuyo amor y voluntad se ha enajenado, tendrá por fuerza que ceder, si es que no quiere arriesgar, no sólo sus otras posesiones y su porvenir en África, sino también su misma independencia en Europa. Todo esto á costa de mucha sangre, muchos crímenes, después de mortales luchas, asesinatos, incendios, fusilamientos, hambres, miseria, etc., etc. El español es bravo y patriota, y lo sacrifica todo, en favorables momentos, al bien de la Patria: tiene el arrojo y la decisión de su toro; el filipino no ama menos la suya, y aunque es más tranquilo, pacífico y difícilmente se le excita, una vez que se lanza, no se detiene, y para él toda lucha significa la muerte de uno de dos combatientes; conserva toda la mansedumbre y toda la tenacidad y la furia de su karabaw. El clima influye de igual manera en los animales bípedos que en los cuadrúpedos.
ng Pilipino ang kanyang bayan, at kung siya man ay tahimik, mapayapa at mahirap gisingin, kapag nagalit, hindi siya nagpipigil at ang bakbakan ay ikamamatay ng isa sa mga naglalaban; kanya lahat ng hinahon at lahat ng tibay ng luob at bangis ng kanyang kalabaw. Ang panahon ay mabisa sa mga may 2 paa, tulad din sa mga may 4 paa.
Ang mga kagimbal-gimbal na matutunan at matigas na maituturo sa mga Pilipino ng mga labanang ito ay magsisilbing pagbuti at pampalakas ng kanilang mabuting kaluoban. Ang España nuong ika-15 siglo ay hindi ang España ng ika-8 siglo. Dahil sa kanilang mapait na karanasan, sa halip ng digmaan ng ilang pulo laban sa iba, na karaniwang kinatatakutan, magtutulungan sila, tulad sa mga naglalayag na lumubog ang barko at napadpad sa isang pulo pagkaraan ng bagyo nuong gabi. Hindi rin masasabi na tutulad tayo sa sinapit ng mga munting republica sa America. Nakamit nila nang madali ang kanilang kalayaan, at ang mga tagaruon ay pinasisigla ng damdaming kaiba sa diwa ng mga Pilipino. Isa pa, ang panganib ng mapasa-kamay uli ng iba, ng Britain o ng Germany, halimbawa, ay magsusulsol sa mga Pilipino na mag-ingat at magpakatino. Ang pagwaksi ng anumang malaking pagdaig ng isang lahi sa iba pang lahi ay papawi sa Las terribles lecciones y las duras enseñanzas que estas luchas hayan dado á los filipinos, habrán servido para mejorar su moral y robustecerlos. La España del siglo XV no era la del siglo VIII. Con la severa experiencia, en vez de entrar en luchas intestinas de unas islas con otras, como generalmente se teme, se tenderán mutuamente los brazos, como los náufragos cuando arriban á una isla después de una espantosa noche de tormenta. No vayan á decir que nos ha de pasar lo que á las pequeñas repúblicas americanas. Estas se conquistaron fácilmente su independencia, y sus habitantes están animados de un espíritu diferente del de los filipinos. Además, el peligro de caer otra vez en otras manos, de ingleses ó alemanes, por ejemplo, les obligará á ser sensatos y prudentes. La no gran preponderancia de ninguna raza sobre las otras apartará de la imaginación toda ambición loca de dominar, y como la tendencia de los países tiranizados, una vez que sacuden el yugo, es adoptar el Gobierno más libre, como un chico que sale del colegio, como la oscilación del péndulo, por una ley de la reacción las Islas se declararán probablemente en República federal....
kanilang guni-guni ng anumang baliw na hangaring maghari, at tulad sa hilig ng mga bayang nalupig, kapag naka-kawala sa tali ay pinipili ang pinaka-malayang uri ng Pamahalaan, tulad ng binatang nakatapos ng pag-aaral, tulad ng ugoy ng duyan o sa atas ng naranasan, ang Kapuluan ay malamang maghayag para sa mga sarili ng buklod-buklod na republica...
Kung makamit ng Pilipinas ang kalayaan matapos ng magiting at matigas na labanan, matitiyak nilang hindi magtatangka ang Britain o Germany, kahit ang France at lalong hindi ang Netherlands na kunin ang hindi kayang hawakan ng España. Ang Africa, pagkaraan ng ilang taon, ay siyang gagambalain ng mga taga-Europe, at walang matinong bayan na, upang masakop ang pulutong ng mga dukha at lumalabang pulo, ay lilimot sa lawak ng mga lupang masasakop duon sa Lupaing Madilim*, hindi pa napapasok, napapa-unlad at halos walang kalaban-laban. Sapat na ang mga sakop ng Britain sa Silangan at hindi nito isusugal ang paghahari sa India upang kunin ang dukhang Kapuluan ng Pilipinas; kung inisip man tangkain ito, hindi sana nila isinauli ang Manila nuong 1763; nagtabi sana ng isang piraso ng Pilipinas na maaaring pagsimulan ng pagpalawak unit-unti ng kanilang pagsakop. Isa pa, bakit kailangang magpaka-pagod si Juan Toro*, ang magka-kalakal, para sa Pilipinas gayong naghahari na siya sa Silangan, hawak ang Singapore, Hongkong at Shanghai? Malamang malugod ang Britain paglaya ng Pilipinas, na magbubukas ng mga daungan para sa kanya at magdadagdag laya sa kanyang pagka-kalakal. Ano pa, at may panukala at kuru-kuro sa Britain na sobra na ang kanilang mga sakop, na nakakasama ng ang mga ito, at nagpapahina pa sa Inang Bayan nila. Si las Filipinas consiguen su independencia al cabo de luchas heroicas y tenaces, pueden estar seguras de que ni Inglaterra, ni Alemania, ni Francia, y menos Holanda, se atreverán á recoger lo que España no ha podido conservar. El África, dentro de algunos años, absorberá por completo la atención de los europeos, y no hay nación sensata que por ganar un puñado de islas aguerridas y pobres, descuide los inmensos territorios que le brinda el Continente Negro, vírgenes, no explotados y poco defendidos. Inglaterra tiene ya bastantes colonias en el Oriente y no se va á exponer á perder el equilibrio; no va á sacrificar su imperio de la India por el pobre Archipiélago filipino; si abrigase esta intención, no habría devuelto Manila en 1763; habría conservado un punto cualquiera de Filipinas para irse desde allí extendiendo poco á poco. Además, ¿para qué necesita el comerciante John Bull matarse por Filipinas cuando ésta ya no es la señora del Oriente, cuando allí están Singapore, Hong-Kong, Shanghai, etc.? Probablemente, Inglaterra mirará con buenos ojos la independencia de Filipinas, que le abrirá sus puertos y dará más franquicias á su comercio. Además, en el Reino Unido hay tendencias y opiniones que creen que ya tienen demasiado número de colonias, que éstas son perjudiciales, y que debilitan mucho á la Metrópoli.

Por las mismas razones Alemania no querrá aventurarse, y porque un desequilibrio de sus fuerzas y una guerra en países lejanos hacen peligrar su existencia en el continente; así vemos que su actitud, tanto en el Pacífico como en África, se limita á conquistar fáciles territorios que no pertenecen á nadie. Alemania rehuye toda complicación exterior.

Ito mismo ang dahilang ayaw ng Germany na magbaka-sakali, at dahil ang pagkalat-kalat ng kanyang sandatahan at ang digmaan sa malalayong bayan ay maglalagay sa kanila sa panganib sa Europe mismo; kaya nakikita natin ang kanyang layunin, sa Pacific pati na sa Africa, na sakupin lamang ang mga madaling lupain na hindi inaangkin ninuman. Umiiwas ang Germany sa anumang gusot sa ibang bayan.

[ * El Continente Negro (Dark Continent ) - tinawag nuon na mahiwaga o madilim na lupain dahil, maliban sa mga dalampasigan, hindi pa nalilibot o nasisiyasat ang mga luoban.    
* John Bull o ‘Juan Toro,’ ang ‘Juan dela Cruz’ ng Britain. Inupahan ng Britain ang hilagang Borneo, ari nuon ng sultan ng Jolo at, pagkatapos ng panahon ng Español,
ikinabit sa mga katabing sakop din ng Britain at naging Malaysia nuong 1957.   -- ejl ]

Busog na ang France at mas maaliwalas ang nakikitang kinabukasan sa Tonkin* at China, ano pa at tutuong ang diwa ng France ay hindi pinasisigla ng takaw sumakop; mahilig matanghal ang France, subalit pagtatanghal at papuri na sibol sa larangan ng digmaan sa Europe. Ang alingawngaw mula sa larangan ng digmaan sa Dulong Silangan* ay bahagya lamang nakakabusog sa takaw ng France na sumikat, sapagkat halos hindi marinig duon. Mayruon din siyang ibang pinag-aabalahan, kapwa sa France at sa ibang bahagi ng Europe.

Matino ang Netherlands at busog na sa paghawak sa Maluku* at sa Java; mas maaliwalas ang kinabukasan niya sa Sumatra kaysa sa Pilipinas, na naliligid ng mga dagat at dalampasigan na nagbabanta ng panganib para sa mga tangka ng Netherlands. Maingat ang paglawak ng Netherlands sa

Francia tiene más que hacer y ve más porvenir en Tonkin y en la China, además de que el espíritu francés no brilla por su afán colonizador; Francia ama la gloria, pero la gloria y los laureles que crecen en los campos de batalla de Europa: el eco de los campos de batalla del Extremo Oriente no satisface mucho su sed de renombre, porque llega muy amortiguado. Encuéntrase, además, con otras obligaciones, tanto en el interior como en el Continente.

Holanda es sensata y se contentará con conservar las Molucas y Java; Sumata le brinda más porvenir que Filipinas, cuyos mares y costas son de mal agüero para las expediciones holandesas. Holanda va con mucha cautela en Sumatra y Borneo, por temor de perderlo todo.

La China se considerará bastante feliz si consigue mantenerse unida y no se desmembra, ó se la reparten las potencias europeas que colonizan en el Continente asiático.

Sumatra at Borneo, natatakot na baka mabitawan lahat-lahat.

Matutuwa ang China sa kabutihang-palad kung mapanatili niyang buo ang kaharian at mapigil ang pagwakwak o pagpira-piraso ng kanyang mga lupain ng mga taga-Europe na abalang sumasakop sa lawak ng Asia.

[ * Tonkin - Vietnam ang tawag ngayon, sinakop ng France hanggang 1953. Mas inabala, at mas tumagal ang pagsakop, ng France sa Algeria at iba pang lupain sa Africa. Bagabag din nuon ang France ng girian at digmaan laban sa lumalaki at lumalakas na Germany.     * El Extremo Oriente (Far East ) - dating tawag sa Timog Silangang Asia (Southeast Asia) o Kapuluang Timog Silangan (Island Southeast Asia) na kinabibilangan ng Pilipinas.     * Las Molucas (Spice Islands) - Maluku ang tawag ngayon, sinakop - kasama ng Java, Sumatra at mga karatig pulo hanggang nakalaya nuong 1949 at naging Indonesia - ng Netherlands, dating tinawag na Holanda o Estados Bajos (Low Countries). Paulit-ulit ding pinasok ng mga Dutch ang Pilipinas mula 1640 hanggang 1647 subalit laging naitaboy ng mga Español sa tulong ng mga Pilipino.     * La China - pinasok at pinaghati-hatian nga ng mga taga-Europe, America at Japan, at nuong 1949 lamang nabuo uli nang nagwagi ang mga comunista ni Mao Ze-Dong laban sa Kuomintang ni Chiang Kai-shek.   -- ejl ]

Ito rin ang kalagayan ng Japan. Nasa hilagang panig niya ang Russia na naiinggit at mina-manmanan siya; nasa timog ang Britain, na kakampi niya at ginagamit pa niya ang English bilang wikang pampamahalaan. Iniipit din siya ng ibang mga taga-Europe, kaya hindi niya kayang pansinin ang mga ibang bayan hanggang hindi nakakaluwag, na hindi madaling magagawa. Tutuong sobra-sobra ang mga tao sa Japan, subalit mas naakit siya sa Korea kaysa sa Pilipinas, at mas madali pa itong sakupin*.

Baka ang malaking republica ng America, na may mga kapakanan sa dagat Pacific at hindi kasali sa sunggaban sa Africa, ay mangarap isang araw na sumakop sa ibang bayan. Hindi ito malayong mangyari, dahil nakakahawa ang halimbawa, ang pagka-inggit at paghahangad ay kabilang sa mga pinaka-mabagsik na masasamang gawain, at ipinakita nang bahagya ni Harrison* itong pag-iisip nuong pinag-agawan ang kapuluan ng Samoa;

Lo mismo le pasa al Japón. Tiene al Norte la Rusia, que lo codicia y espía; al Sur la Inglaterra, que se le entra hasta en el idioma oficial. Encuéntrase además bajo una diplomática presión europea tal, que no podrá pensar en el exterior hasta librarse de ella, y no lo consentirá fácilmente. Verdad es que tiene exceso de población, pero la Corea le atrae más que Filipinas, y es además más fácil de tomar.

Acaso la gran República Americana, cuyos intereses se encuentran en el Pacífico y que no tiene participación en los despojos del África, piense un día en posesiones ultramarinas. No es imposible, pues el ejemplo es contagioso, la codicia y la ambición son vicios de los fuertes, y Harrison se manifestó algo en este sentido cuando la cuestión de Samoa; pero ni el Canal de Panamá está abierto, ni los territorios de los Estados tienen plétora de habitantes, y caso de que lo intentara abiertamente, no le dejarían paso libre las potencias europeas, que saben muy bien que el apetito se excitó con los primeros bocados. La América del Norte sería una rival demasiado molesta, si una vez practica el oficio. Es además contra sus tradiciones.

subalit hindi pa nabubuksan ang kanal Panama, at hindi naman siksikan ang mga tao sa America, ang kung sakaling tangkain niyang sumakop nang lantaran, pipigilin siya ng mga makapangyarihan sa Europe, sapagkat alam nilang malinaw na tumatalas ang takaw pagkatapos kumagat minsan. Ang hilagang America ay magiging mabigat na katunggali, sakaling subukan niyang sumakop. Ano pa, at labag ito sa kanyang mga gawi.

[ * Corea - tinawag din dating ‘Chosen,’ sinakop nga ng Japan at hindi nakalaya hanggang nuong 1945 at naging Korea. Sinupalpal ng Japan ang Russia nang talunin niya sa digmaan nuong 1904. Sinakop din ng Japan ang Pilipinas nuong 1942 - 1945, kasabay sa pag-agaw niya sa mga katabing sakop ng Britain.     * Benjamin Harrison - pangulo ng America nuong 1889-1893. Sinakop ng America ang Samoa at ari pa hanggang ngayon. Sinakop din niya ang Pilipinas mula nuong 1898 hanggang 1946.   -- ejl ]

Malamang ipagtatanggol ng Pilipinas nang hindi masukat na giting ang kalayaang makamit sa napakataas na halaga ng dugo at hinagpis. Sa pagtubo ng mga bagong tao sa sariling lupa, dala-dala ang alaala ng kanilang lumipas, sila nawa ay magsisigasig pumasok sa malawak na landas ng kaunlaran, at lahat ay sama-samang magsisikap palakasin ang bayan nang kasing gilas ng isang kabataang sumasaka muli ng lupain ng kanyang mga ninuno, lupang natiwangwang nang napakatagal sa kapabayaan ng mga nagdamot ng lupa sa kanya. Nuon mabubuksan ang mga mina ng ginto, pagpapaginhawa sa mga naghihirap, mga mina ng bakal para sa mga sandata, tanso, tingga at uling. Maaaring pag-ibayuhin muli ng bayan ang kalakal dagat, ang buhay na palayag-layag na, sa mga tagapulo, ay likas, bansag at lapat sa kanilang Muy probablemente las Filipinas defenderán con un ardor indecible la libertad comprada á costa de tanta sangre y sacrificios. Con los hombres nuevos que broten de su seno y con el recuerdo de su pasado, se dedicarán tal vez á entrar abiertamente en la ancha vía del progreso, y todos trabajarán de consuno á fortalecer su patria, así en el interior como en el exterior, con el mismo entusiasmo con que un joven vuelve á labrar el campo de sus padres, tanto tiempo devastado y abandonado gracias á la incuria de los que le enajenaron. Entonces volverá á desenterrar de las minas el oro para remediar la miseria, el hierro para armarse, el cobre, el plomo, el carbón, etc.; acaso el país resucite á la vida marítima y mercantil á que están llamados los isleños por la Naturaleza, sus aptitudes y sus instintos, y libre otra vez, como el ave que deja la jaula, como la flor que vuelve al aire libre, volverá á recobrar las antiguas buenas cualidades que poco á poco va perdiendo, y será otra vez amante de la paz, jovial, alegre, sonriente, hospitalario y audaz.
pagkatao, kakayahan at hilig, at muling malaya, gaya ng ibong naka-kawala sa kulungan, parang bulaklak na namu-mukadkad sa simoy ng malayang hangin, mababawi ng bayan ang mga kabutihang unti-unting naglalaho, at muling mahihirati ang mga tao sa payapa - masigla, masaya, mapag-aruga at magiting.
Ang mga ito at marami pang iba ay maaaring maganap sa luob ng 100 taon humigit-kumulang. Subalit ang pinaka-matalinong hula, ang umasa batay sa pinaka-maaaring mangyari ay baka maging mali, sa malalayo at walang kabuluhang mga dahilan. Iyong pugita na dumakma sa barko ni Mark Anthony ay bumago sa balat ng daigdig; ang krus sa Kalbaryo at ang butihing lalaki na ipinako duon ay bumago sa kabuting-luob ng kalahati ng sankatauhan, datapwa, at bago si Kristo, ilang butihing mga lalaki ang binitay nang walang katarungan at ilang krus ang itinayo sa gulod na iyon! Ang pagkamatay ng butihin ay nagpabanal sa kanyang mga ginawa at pumawi sa anumang alinlangan sa kanyang mga pangaral. Isang malalim na daan sa bakbakan sa Waterloo ay naglibing sa lahat ng luwalhating nakamit nuong nakalipas na 20 taginting na taon, ang buong daigdig ni Napoleon, at Esto y otras cosas más pueden suceder dentro de cien años más ó menos. Pero el más lógico augurio, la profecía basada en mejores probabilidades pueden fallar por causas insignificantes y remotas. Un pulpo que se agarró á la nave de Marco Antonio cambió la faz del mundo; una cruz en el Calvario y un justo clavado en ella, cambió la moral de media humanidad, y, sin embargo, antes de Cristo, ¡cuántos justos no han perecido inicuamente y cuántas cruces no se plantaron en aquella colina! La muerte del Justo santificó su obra é hizo su doctrina incontrovertible. Un barranco en la batalla de Waterlóo sepultó todas las glorias de dos décadas luminosas, todo el mundo napoleónico, y libertó á la Europa. ¿De qué accidentes fortuitos dependerán los destinos de Filipinas?

Sin embargo, no es bueno fiarse en lo eventual; hay una lógica imperceptible é incomprensible á veces en las obras de la Historia. Bueno es que tanto los pueblos como los gobiernos se ajusten á ella.

nagpalaya sa Europe. Sa anong sakaling sakuna babatay ang tadhana ng Pilipinas?

Gayon pa man, hindi mainam na magtiwala sa baka-mangyari; paminsan-minsan may katwiran, mahirap man maunawaan, na matutuos sa mga pangyayari ng kasaysayan. Mabuti na lamang, ang mga tao, pati na mga pamahalaan, ay kapwa alinsunod dito.

Kung gayon, uulitin namin at uulitin namin lagi na, habang mayruon pang panahon, na mas mabuti na panayamin ang hangarin ng mga tao sa halip na iwasan ito: ang una ay magbubunga ng pakikipag-kapwa at pagmamahal, ang pangalawa, paghamak at galit. Dahil kailangang ibigay sa 6 milyon Pilipino ang kanilang mga karapatan nang sa gayon sila ay maging mga tunay na Español, hayaang ang Pamahalaang ibigay na itong mga karapatan nang malaya at karaka-raka, nang walang nakakasirang hele-hele, walang nakaka-alipustang kawalan ng tiwala. Hindi kami mapapagod ulitin nang ulitin habang may aninaw ng pag-asa: mas kanais-nais ito sa amin kaysa sa mapilitan isang araw na ihayag sa Inang Bayan:

“España, ipinadala namin ang aming mga kabataan upang magsilbi para sa iyong kapakanan na ikabubuti ng aming bayan; sa iyo kami nakatingala, ibinuhos namin ang buong liwanag ng aming dunong, lahat ng taimtim at sigla ng aming mga puso sa pagtupad ng ikabubuti ng kung ano ang iyo, upang matanggap mula sa kanila ang isang sulyap ng pagmamahal, ng mapag- palayang patakaran na matitiyak naming magpapatibay ng payapa sa aming bayang tinubuan at ang iyong paghahari sa tapat subalit naghihirap na mga pulo! España, nanatiling kang bingi, at, balot ng iyong karangalan, tinunton mo ang iyong mapanganib na landas at pinaratangan kaming mga

Y por eso nosotros repetimos y repetiremos siempre, mientras sea tiempo, que vale más adelantarse á los deseos de un pueblo, que ceder: lo primero capta simpatías y amor; lo segundo, desprecio é ira. Puesto que es necesario dar á seis millones de filipinos sus derechos para que sean de hecho españoles, que se los dé el Gobierno libre y espontáneamente, sin reservas injuriosas, sin suspicacias irritantes. No nos cansaremos de repetirlo mientras nos quede un destello de esperanza: preferimos esta desagradable tarea á tener un día que decir á la Madre Patria:

“España, hemos empleado nuestra juventud á servir tus intereses en los intereses de nuestro país; nos hemos dirigido á ti, hemos gastado toda la luz de nuestras inteligencias, todo el ardor y el entusiasmo de nuestro corazón para trabajar por el bien de lo que era tuyo, para recabar de ti una mirada de amor, una política liberal que nos asegure la paz de nuestra patria y tu dominio sobre unas adictas pero desgraciadas islas! España, te has mantenido sorda, y, envuelta en tu orgullo, has proseguido tu funesto camino y nos has acusado de traidores, sólo porque amamos á nuestro país, porque te decimos la verdad, y odiamos toda clase de injusticias. ¿Qué quieres que digamos á nuestra miserable patria, cuando nos pregunte acerca del éxito de nuestros esfuerzos? ¿Le habremos de decir que, puesto que por ella hemos perdido todo, juventud, porvenir, ilusiones, tranquilidad, familia; puesto que en su servicio hemos agotado todos los recursos de la esperanza, todos los desengaños del anhelo, que reciba también el resto que no nos sirve, la sangre de nuestras venas y la vitalidad que queda en nuestros brazos? ¡España!, ¿le habremos de decir un día á Filipinas que no tienes oídos para sus males, y que si desea salvarse que se redima ella sola?”

taksil, gayong minahal lamang namin ang aming bayan, gayon nagsasabi lamang kami ng tutuo at muhi kami sa lahat ng walang katarungan. Ano ang ibig mong sabihin sa aming abang bayan kapag itinanong nito kung ano ang kinahinatnan ng aming pagsisikap? Dapat ba naming sabihin na, para dito, ginugol namin ang lahat, ang aming kabataan, kinabukasan, pag-asa, katahimikan, mga kamag-anak; dahil naubos nang lahat ng ipon naming pag-asa, lahat ng pagkasawi ng hinahangad, hinihigop pati ang nalalabi na hindi namin kayang gamitin, ang dugo sa aming mga ugat at ang lakas na nananatili sa aming mga bisig? España, kailangan bang sabihin namin sa Pilipinas isang araw na wala kang pandinig para sa kanyang pighati, at kung nais niyang maligtas kailangan niyang saklolohan ang kanyang sarili?”

Solidaridad ANG  MGA  PINAGKUNAN

Filipinas Dentro de Cien Años (Estudio Politico-Social), por Jose Rizal,
publicado en el quincenario “La Solidaridad” (Septiembre 1889-Enero 1890), ahora reimpreso por primera vez, año de 1905,
isinampa sa website, “The Project Gutenberg” nina Tamiko I. Camacho, Pillar Somoza at PG Distributed Proofreaders, http://www.gutenberg.org/files/14839/14839-h/14839-h.htm

The Philippines a Century Hence, by José Rizal, translated into English by Charles E. Derbyshire,
on Dr. Robert L. Yoder’s website, “The Life and Writings of Dr. José Rizal,” http://rizalslifewritings.tripod.com/Writings/Other/centuryhence.htm

The Philippine Islands 1493-1898, by Emma Helen Blair and James A. Robertson,
Manila 1903-1907, Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-issue, 1998

The Philippine Revolution, Centennial Site by MSC Communications Technologies, Inc., www.msc.edu.ph/centennial/liga.html

The Story of Jose Rizal, by Austin Craig, Austrian-Philippine Homepage,
Johann Stockinger, APSIS editor, www.univie.ac.at/Voelkerkunde/apsis/aufi/rizal/craig34.htm
 

Nakaraang kabanata               Hindi Karaniwang Mga Pilipino               Mga Kasaysayan Ng Pilipinas