PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: The Stone, Bronze and Iron Ages
Panghilod, Pandikdík, Panaksák
Marami sa mga Pilipino sa luoban ng Luzon at Mindanao ang nasa gawî pa ng Makabagong tag-bató SALALAY sa pag-unlád ng tao ngayón ang kakayaháng magpandáy ng iba’t ibáng bakal. Nuóng Unang Panahón (prehistory), ang mga tao ay gumamit ng matitigás na bagay bilang pampukpok at, sakaling nakapulot ng matalím na bató, butó o kahoy, panghiwŕ. Pagtagál ng panahón, natuto siláng gumawâ at gumamit ng panŕ (bow) at palasó (arrows), at talian ang mga sibát nilá ng tusok, karaniwang gawâ sa pinatulis na butó ng hayop o batóng buhay ( pedernal, flint). Ang panahón bago natuklasán ang paggamit sa bakal ay tinawag na Tag-bató o Panahón ng bató (Stone Age), na hinatě sa 3 ayon sa hugis ng pinatulis na bató at ugalě ng mga gumamit na tao:
|
|
NUÓNG unang bahagě ng makalumang tag-bató, karaniwang ang mga napulot sa tabi-tabí ang ginamit ng mga tao. Ang mga natuklás ng mga nag-aghám (scientists) mula sa panahóng iyon ay mga bató na matalím o matulis nang talagá ang gilid, at binitbit upang magamit uli. Sa pagtagál ng panahón, natuklás ng mga unang tao ang paghugis ng bató upang maging matalím o matulis. Nauso ang paggamit, at kalakal, ng batóng buháy sapagkát lubháng matalím (higit pa sa talím ng bakal sa kasalukuyan) at nagtatagál ang talas nitó. (Nang nagawî na ang paggamit sa bakal, natuklás ng mga tao na kikisláp ang batóng buháy kapág kiniskis sa bakal - ang unang posporo o pang-sindí ng sigâ.)
Masagana na ang kagawián (culture) ng mga tao nuóng gitnaang tag-bató. Sa Europa, naungkát ang paggamit nilá ng mga salakót na may sungay ng usá (deer) sa kaniláng pagsayáw at pagsambá. Namangká silá, gamit ang inukang punň ng kahoy at ang tusok ng kaniláng sibát at palasó ay ginamitan nilá ng pandikít, dagtá ng mga halaman, sa halíp ng nakatali o nakaipit lamang sa patpát. |
Nag-alagŕ rin silá ng mga hayóp, mga ligáw na pinaamo nilá at pinalakí upang makain pagdatíng ng panahón.
Nagbaranggáy silá nang hiwa-hiwaláy, karaniwang 400 kilometro ang pagitan. Bandáng 25 o 30 katao ang pangkát sa bawat baranggáy sa mga cueva o kumpol-kumpól na silungán (lean-tos), karaniwan sa tabí ng ilog o lawŕ (laguna, lake) na nakukunan ng tubig inumín. Nanga-ngahoy (hunted) silá sa luoban o nangi-ngisdâ (fished) sa dalampasigan. Marunong siláng gumamit ng mga ligáw na halaman sa paligid bilang gamót, kagamitán at pagkain. Sa habŕ ng panahón, natutunan niláng itaním ang mga halaman upang dumami ang pagkain, at upang madala ang mga ugát o butó sa ibáng puok. At nang hugisan nilá ang mga bató, kahoy at butó upang magamit sa pagtataním, nagsimulâ ang makabagong tag-bató. Sinunog nilá ang sukal ng gubat upang malinis ang tatanimáng bukid o gulód, ang tinatawag, at ginagawâ pa ngayón, na kaingin. Nuón nagsimulâ ang paggawâ ng mga palayók at pagtayô ng mga bahay. Lumagô at lumawak ang kalakal ng magkakalapít na baranggáy. Mula 5,000 taón sa nakaraán, nagsama-sama at nagtulungán ang mga tao at nagtayô ng malalaking gusalě at monumento. |
Panahón ng Tansô (Bronze Age) ANG tansô (copper) ay malambót na bakal na madalíng natatagpuán sa pali-paligid. Halos kasabáy ng pagtataním, sinimuláng gamitin ito ng mga Unang Tao, pinipitpít upang maging alahas, sandata o kagamitán (tools). Bandáng 7,000 taón sa nakaraán, nagsimulâ ang pagtunaw sa tansô upang ihiwaláy sa kahalong bató o lupŕ. Lumaganap ang paggamit sa dalisay na tansô (pure copper) sa umuunlád na kabihasnán sa Thailand, Egypt, China at sa Peru, ang kaharián ng Inca sa kasalukuyang South America. Duón at nuón din unang natuklás at ginamit ang kakulay na bakal, ginto (gold), higit na mahalagá sapagkát hindi kinakalawang (corrode). Bandáng 5,500 taón sa nakaraán, sa iba’t ibáng bahagi ng daigdig, natuklás na mas matigás ang lumalabás na tansô kapág tinunaw kahalň ng lata (tin). Ito ang tinawag na bronze (sa Pilipinas, tansô pa rin ang tawag), at nuón nagsimulâ ang Panahón ng Tansô (Bronze Age), nabantog sa mga saysáy ni Homer ng mga mandirigmáng nagsandata ng bronze, sina Achilles at Ulysses laban kay Hector at ang mga Trojans sa Troy. Ang panahón ng Bronze sa China ay kasabáy ng paghahari ng angkán (dynasty) ng mga |
Shang nuóng 3,766 hanggáng 3,050 taón sa nakaraán. Mas maaga, bandáng 4,000 taón sa nakaraán, naganáp ang panahón ng Bronze sa Gitnaang (Central) Asia, sa kasalukuyang Turkmenistan, Afghanistan at silangang Iran. Natuklás nuóng 1964 na nag-panahón din ng Bronze sa Ban Chiang, hilagang Thailand. Unang akalŕ nagsimulâ 5,600 taón sa nakaraán, bago pa nag-panahón duón ng pagpa-pasô (Ceramic Age). Naganáp nga nang sarili (independent) subalit napatunayang sumunód lamang, hindi mas maaga kaysa sa China.
Pinaka-matagál ang panahón ng Bronze sa Middle East. Kasabáy nuóng 5,300 taón sa nakaraán ang pagsibol ng malakás na mga kaharián sa Mesopotamia (ang mga tinatawag ngayóng Syria, Jordan at Iraq) at sa Egypt. Sumunód sa kanilá ang panahón ng Bronze sa Levant (Lebanon ang tawag ngayón) at sa Anatolia (bahagě ng Turkey ngayón). Tinuturing na natapos ang panahón ng Bronze sa bahaging iyón ng daigdig nang umagos ang mga dayuhan nuóng bandang 3,200 hanggáng 3,100 taón sa nakaraán, kasabáy ng simulâ ng tinatawag ngayóng panahón ng bakal (Iron Age). Kung kailán lamang, tapós na ang panahón ng Bronze, natuklás na kapág zinc sa halip na lata ang tinunaw kahalň ng tansô, mas mala-gintô ang lumalabás na bakal, tinawag namáng brass, tinawag ding tansô sa Pilipinas. |
Panahón ng Bakal (Iron Age)
NAGBAGO nang malakí sa paligid ng dagat Mediterranean,
sa pagitan ng Europe at Africa, bandáng 3,500 taón sa nakaraán. Malamáng sa bayan ngayón ng Turkey, natuklás ng mga naunang tao, ang mga Hittite, ang pagpandáy ng bakal (iron). Natuklás nitóng nakaraáng 30 taón na baká mas maaga ang panahón ng bakal sa Ban Chian sa Thailand, nagsimulâ 4,000 taón pa sa nakaraán, nuóng panahón ng tansô (Bronze Age) duón.
Mas mabuting gamit at sandata ang bronze subalit mas maraming bakal, bagamán at kahalo lahát ng lupa, bató at ibá
|
pang dumí. Kailangan pang mas mainit upang matunaw ang bakal. Pagkatapos, dapat pukpukín at initin paulit-ulit itó upang maalís lahát ng dumí.
Hindî alám ngayón kung paano natuklás ang paraáng itó, subalit sa luob ng 500 taón, lumawak ang pagpandáy at paggamit ng bakal sa buóng Asia at Europe, hanggáng nakaratíng itó nuóng bandáng 2,000 taón sa nakaraán sa Scandinavia, ang lupaín ng mga Viking sa tuktók hilaga ng Europe. Hindî nakaratíng ang pagba-bakal sa America kundî nuóng pagdatíng ng mga taga-Europe, simulâ kay Christopher Columbus (Cristobal Colon sa mga Espańol na nagpundár sa kanyáng paglakbáy) nuóng 1492. |
Mga Panahón Patungo sa Kabihasnán ANG itinuturing na kabihasnán (civilization) ay iyóng bahagě ng kasaysayan (history) nang natuto na ang mga tao na tiyakín ang sagana ng pagkain sa pag-amo at pag-alaga ng hayop at, mas mahalagá, sa pagtaním at pag-ani ng piniling mga halaman. Habang natuto ang mga tao, naganáp ang 2 nagtulak sa kanilá patungo sa kabihasnán: (1) pagtigil ng mga tao sa isáng puók, at (2) pagtatangě o pag-iibá ng dunong at gawain ng mga tao - may nagíng carpintero o masón, nagsaka o nangisdâ ang ibá, ang ilán ay nagkalakal, nagpandáy o sumunód sa ibá pang pag-bihasâ (expertise). Mapanganib ang dating palaboy-laboy na buhay, sunód sa paglimayón ng mga hayóp (animal migration) o paghinóg ng mga halaman (fruiting seasons), natuklás kailán lamang na gawî rin sa Africa ng mga elefante at mga gorilla. Sa pagtigil nang palagě (permanent settlement) sa isang puók, nabawasan ang panganib at napagbuti ang kaligtasan at payapŕ. Sa pagdami namán ng pagkain, lumilitáw na hindî lahát ng tao ay kailangan sa pagtaním at pag-ani. Nagbihasâ ang mga tao sa iba’t ibáng gawain na nagpayaman sa mga gawî at ginhawa sa buhay sa baranggáy (village). |
Itóng paglitáw ng mga bihasâ (artisans), higít sa lahát, ang pahiwatig ng kabihasnán. Sa mga unang kasaysayan ng daigdíg, naganáp itó sa 4 na sagana sa pagkain - sa putikán ng ilog Nile sa Egypt, sa mayayabong na libís ng ilog Tigris at Euphrates, nasa Iraq ngayón, sa landás ng ilog
Ganges sa libís ng Indus sa India at sa mga pampáng ng ilog Huang He (Yellow River) sa China.
Nuóng makalumang tag-bató, lubháng abalá ang mga nangahoy at namitás (hunters-gatherers) at hindî nakapag-bihasâ (civilisado). Ang mga mas maunlad ang kagamitán at mas sanay sa tulungán nuóng makabagong tag-bató ang nagpasimulâ sa kabihasnán. Bagamán at hindî nakaratíng sa lahát ng tao, tinamasa ang mga ginhawa ng magkasunód na panahón ng tansô at bakal sa paglawak ng mga gawî ng pagpandáy. Marami pang ‘panahón’ ang ibininyág sa mga nakaraán - at ngayón daw ay panahón ng paglikas sa daigdíg (Space Age) subalit, sa kasaysayan ng tao, nasa panahón ng bakal pa rin tayo. |
Ang mga pinagkunan
Balik sa itaas Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Mga Kalansay nina Eva at Adan Tabon: Unang panahon sa Pilipinas |