NINUNO MO, NINUNO KO: Paghanap sa mga Unang Pilipino
Ang Tao Ng Tabon
Ang Taong Tabon ay maniwaring isá sa mga ‘unang tao’ at kaibá sa mga kasalukuyang tao sa Pilipinas, subalit bahagyâ lamang. Kung dadamitán ng T-shirt at maông (jeans), hindî siyá maiibá sa mga nasa Quiapo ngayón. waláng masasabi tungkól sa mukhá niyá - ang tangos ng ilóng, kulay ng balát o kulót ng buhók - maliban sa isá: Ang Taong Tabon ay hindî Negrito... --William Henry Scott, 1984 |
Taong Bato ANG mga Tau’t Bató sa mga yungíb ng libís (valley) ng Singnapan sa Ransang ay bahagě ng mga Pala’wan, ang pinaka-malakíng pangkát sa kapuluáng pinangalan sa kanilá pagkatapos ng panahón ng Amerkano [Paragua ang bulól na tawag nuóng panahón ng Espańol]. Maniwaring kaugnáy ang salitâ nilá sa mga wikŕ ng Manobo sa Mindanao, katulad niláng nagka-kaingin at nangangahoy (hunting) sa mga bundók. Isip ding 2 bahagě silá: Ang mga Pala’wan ät bukid sa bundók , at ang Pala’wan ät napan sa libís. Subalit ang tutuó, marami ang kaniláng pangkát-pangkát, at magkakaibá ang mga wikŕ nilá. Tulad sa ibá pang likás (indigenous) sa Palawan, ang mga Tagbanua at mga Baták, silá ay namamahay sa mga yungíb sa pagitan ng pagka-kaingin at, tulad sa Tao ng Tabon, dinadagdág sa kaniláng pagkain ang mga nahuhuling ibon at mga panikě (murcielagos, bats) na naglulunggâ rin sa mga yungíb. Sinurě ng Summer Institute of Linguistics kamakailán ang mga Tau’t Bató at nabatíd na bahagyâ lamang nilá naunawaan kung anó ang hanap-buhay (job), salapî (money) at sahod (wage). Bihirang pansinín ang kabihasnán (civilization) sa paligid, nabubuhay silá sa Makabagong Panahón ng Bato (Neolithic, New Stone Age). Paniwalang hindî marunong magtaním ang mga Tao ng Tabon nuóng 24,000 taón sa nakaraán, dinaos na lamang sa pag-ani ng mga ligáw na ubi at ibá pang pagkaing halamang natagpuán sa gubat. Waláng katibayan na ang Tau’t Bató, ni ang mga Pala’wan, ay nagmulâ o may anumáng ugnáy sa mga Tao ng Tabon subalit, maliban sa pagka-kaingin, walâ ring dahiláng paniwalaan na hindî nilá ninunň ang mga Tao ng Tabon. |
PINAKA-UNANG katibayan ng tao sa Pilipinas ang pira-pirasóng bungô (cráneo, skull) at pangâ (mandibula, jawbone) ng 3 tao - hindî matantô kung mga babae o lalaki - na tinatawag ngayóng “Tao ng Tabon” (Tabon Man). Natuklás sa mga yungíb (cave) ng Tabon, malapit sa Quezon, sa pulô ng Palawan, ang mga butó ay kasama ng mga tumpók ng pinagtabasan (flakes) at mga gamit (tools) sa mga “pagawaan” ng bató (Stone Age factories) sa 4 palapág (levels) ng pinaka-malakíng silíd (chamber) ng yungíb. Ang bawat palapág ay pahiwatig ng pagtirá duón ng mga Unang Tao, kayá paniwalŕ ngayóng tinahanan ang yungíb nang 4 ulit, at libu-libong taôn ang pagitan dahil sa makapál na alikabók at lupŕ na tumabon sa bawat sahíg na pinag-iwanan ng mga pinagtabasan, gamit at butó.
Maniwaring nagtagál din ang mga manggagawa (obreros, workers) sa bawat palapág - nakapagluto pa ng pagkain. Ang abó ng lutuán sa unang 3 tumpók o palapág ay nahukay ng mga nakatuklás at, pagkasurě ng mga dalubhasa (experts) sa carbon-14 dating, natantô na ang pinaka-mataás na palapág ay 9,000 taôn sa nakaraán. Ang kasunód ay bandáng 22,000 - 24,000 taôn ang tandâ. Dito natuklás ang bungô ng Taong Tabon. Ang iká-3 palapág ay mahigít 30,000 taôn ang tandâ. Natuklás ang iká-4 pang tumpók sa ilalim, subalit hindî pa nasisiyasat. Sapantaha na marahil, itó ay tinahanan ng mga unang Pilipino 45,000 - 50,000 taôn sa nakaraán. |
|
Bago pa Nabuhay ang ‘Malay’ Sa libu-libong taôn sa pagitan ng pagtigil duón ng mga Unang Tao, ang mga yungíb ay pinamahayan din ng isáng urě ng ibon, pinangalanang ibong Tabon (Tabon bird). Matagál ang mga panahóng waláng tao sa mga yungíb sapagkát nakapag-latag ang mga ibon ng makapál na tae (guano, dung), nagíng kasing tigás ng cemento nang natuyô at tumigás. Kayâ bawat pangkát ng Unang Tao na dumatíng ay nagkaruón ng ‘sahíg’ na tungkuan. Ang mga bató na hinugis nilá at ginawáng kagamitán (tools) ay nagmulâ sa malayň, binitbít nang matagál kayâ paniwalang mahalagâ sa kanilá ang makaratíng sa yungíb. Hindî mahulaan kung bakit - maaaring dumami ang pagkain sa paligid, lumigtás mulâ sa masamáng panahón o may pagsambáng (ceremonias, rites) ipinagdiwang tulad ng libíng ng ninunň (ancestor worship). Pahayag ng mga nag-aghám sa simulâ ng tao (anthropologists), ang ibá ay taga-America, na sumurě sa bungô, na ang Taong Tabon ay isáng |
kasalukuyang tao (homo sapiens, modern man) at hindî isáng taong nakakatindíg (homo erectus) tulad ng Taong Java (Java Man) at Taong China (Peking Man) na nabuhay nuóng kalagitnaan ng unang panahón ng bató (mid-Pleistocene).
Nagpanukalŕ pa ang 2 nag-aghám (expertos, scientists) na ang piraso ng pangá (mandible, lower jaw) na natuklás din sa Tabon ay hawig sa mga unang tao (aborigines) sa Australia, samantalang ang bungô namán daw ay kasukat ng mga bungô ng Ainu, ang mga unang tao sa Japan, at ng mga taga-Tasmania (malakíng pulô sa tabi ng silangang timog Australia). [Kapuná-puná, itó rin ang pahayag ng mga nag-aghám, ang ibá ay taga-France, na sumurě sa isáng bungô ng Unang Tao na natagpuan sa South America.] Palagáy na nabuhay ang Taong Tabon bago pa nagtagpô at nag-ugnáy ang hiwa-hiwaláy na tao sa silangang timog Asia at nagsilang, simulâ 10,000 taôn sa nakaraán, ng kasalukuyang mga tao sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Guam, Hawaii at ibá pang pulo-pulô sa dagat silangan (Pacific Ocean). |
Ang Tao ng Niah sa Kalimantan
NAIWAN ang isáng bangkáy sa yungíb ng Niah, sa Kalimantan (dating Borneo), mahigít 40,000 taôn sa nakaraán. Hindî pa tiyák kung namatáy o inilibíng duón, natuklás ang bungô niyá niná Barbara Harrisson nuóng Deciembre 1958. Akalŕ ngayóng kasalukuyang tao siyá, tulad ng Tao ng Tabon. Natuklás sa paligid niyá ang pinagtabasan ng mga kagamitáng bató (stone flake tools), tulad sa mga natuklás din sa Palawan at ibá pang bahagě ng Pilipinas at Indonesia. Kapuná-puná, ayon kay Peter Bellwood, walâ pang natuklás na ganitóng pinagtabasan mulâ nuóng panahóng iyón sa kalakihan ng silangang timog Asia (mainland Southeast Asia).
Mahigít 20,000 taôn nag-isá ang bangkáy sa Niah, bago ginawáng libingan ang yungíb. Natuklás ang pira-piraso ng mga kalansáy (skeletons) mulâ nuóng 22,000 taôn sa nakaraán. Tulad ng unang bangkáy, hindî hinukay sa lupŕ kundî iniwan sa sahíg ng yungíb ayon sa 2 gawî ng paglibíng.
Sa uná, mulâ 17,000 hanggáng 6,000 taôn sa nakaraán, 18 bangkáy ang ibinurol nang nakabaluktót (flexed), samantalang 4 ay nakaupó (seated)
|
sa ibabaw ng mga paá niláng itiniklóp sa ilalim. Ang ibá, hiwa-hiwaláy na mga butó na lamang ang iniwan. Ang isá ay may unan (pillow) na butó ng rhinoceros.
Waláng mga pasô (ceramics) na isiniping sa kanilá. Binudburán ang iláng kalansáy ng puláng alikabók (red haematite). Ang ibáng butó ay isinalang sa apóy (partially burned), maniwaring nilinis lamang dahil hindî talagáng sinunog (cremated). Mas maluho ang pang-2 gawî ng paglibíng mulâ nuóng 3,200 hanggáng 2,000 taôn sa nakaraán. Sinunog ang mga bangkáy o baká ang mga kalansáy na lamang pagkatapos naagnás ang katawán. May mga natuklás na pahiwatig na kumain ng tao (cannibalism) ang mga tagaruón nuón, pumatáy ng tao bilang alay (human sacrifice), o maaaring ginawâ kapwâ bilang bahagě ng paglibíng. |
Nakaraáng kabanatŕ Ulit mulâ sa itaas Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Listá ng mga kabanatŕ Sunód na kabanatŕ |