Pasig puto     NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Maka-bagong Tanáw Sa Nakaraán
Latter-day Theories of Philippine Prehistory

KAHIT matagál nang laós, marami pa ring Pilipino ang paniwalang sa ‘agos ng mga dayuhan’ (migration waves theory) nagka-tao sa Pilipinas nuóng Unang Panahón (prehistory), kahit na ang mga naka-alám sa pahayag ni Peter Bellwood nuóng 1978 na naunang naglibíng sa bangŕ (jar burials) sa Palawan, 500 taón bago nakaratíng ang gawî sa Vietnam - maniwaring dalá ng mga Unang Pilipino na ‘umagos’ duón.

Madalí kasíng paliwanag, sabi ni William Henry Scott: Kanya-kanyang ‘agos’ ang mga Ita, Tagalog, Ilocano, Kapampangan, Visaya, atbp. Kayâ magkakaibá at, halimbawá ang mga Moro, magka-kaaway pa. Higít na mahirap paniwalaan, at ipaliwanag, na maaari at malamáng nagmulâ lahát sa nagkatulad, kung hindî man sa nag-iisáng kabihasnán (culture) na, sinadyâ o hindî, nagkahiwa-hiwaláy at nagíng magka-kaibá sa ibá’t ibáng dahilán, paraán, panahón at pagkakataón.

Anó ba’t isáng dahilán - politica - ay lubháng mainit na paksâ. Subalit politica ang dahiláng pinaghiwa-hiwaláy dati ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia at ibá pang bayan sa silangang timog Asia, at itinuring na magkakaibáng ‘lahi’ (races) ang mga tagaruón. Kayâ hindî itó naialís sa pagtuntón sa nakaraán ng Pilipino, lalo na nuóng 1970s nang nagka-dictador at mistulang naglagabláb ang politica sa Pilipinas.

Jocano Hiwaláy Umunlád ang mga Pilipino   -   Independent Philippine Development, 1975

SI F. Landa Jocano ng Iloilo ang una sa mga pangunahing Pilipino na kinilalang nag-aghám sa Unang Panahón (archaeologists). Kakaibá ang nabuô niyáng sapantaha matapos ng matagál na pagsurě sa mga natuklás sa Pilipinas at karatig bayan mulâ pa nuóng panahón ng Amerkano. Bahagyâ ang katuturán, sa palagáy niyá, kung kailán at alín sa ibá’t ibáng sangkáp (materiales, ingredients) at kagamitán (tools) ang naunang pumasok sa Pilipinas, at alín ang sumunód, nuóng mga panahóng tinawag ng ibáng nag-aghám na lumŕ at makabagong kagamitáng bató at bakal. Higít na mahalagâ sa paglawak ng Unang Pilipino at pag-unlád ng kanyáng lipunan ang mga kagawian (cultural traits) nuóng tinawag niyáng panahón ng Pagsimulâ (Formative) at panahón ng Paghugis (Incipient). Itóng mga kagawian ang nagíng tanging “Pilipino” nuóng sumunód na panahóng tinawag niyáng Pagsilang (Emergent).

Bunga nitóng paniwalŕ, at upang maituwíd ang mga malî at kakulangán ng mga unang sapantaha tungkól sa pinagmulán ng mga Unang Tao sa Pilipinas, minungkahě niyá nuóng 1975 na nabuô at umunlád ang mga Unang Pilipino nang sarili (independent), hiwaláy sa pag-unlád ng kabihasnán sa ibáng bahagě ng silangang timog (southeast) Asia. At, ayon sa kanyá, ang Unang Panahón sa Pilipinas ay may 3 bahagě.

1.  Simulâ ng Pagbuô-buô (Formative Period). Nagsimulâ 500,000 taón sa nakaraán nang unang dumatíng ang mga Unang Tao sa Tabon, Palawan, at tumagál hanggáng 250,000 taón sa nakaraán.
      A.  Panahón ng Bató (Old Stone Age, Paleolithic). Nuón ginamit ang tipák-tipák na kagamitáng bató (stone tools) na natuklás sa ibá’t ibáng bahagě ng kapuluán.
      B.  Makabagong Panahón ng Bató (New Stone Age, Neolithic). Simulâ ng pagkiskís at pagkinis sa mga kagamitáng bató. Nagsimulâ rin nuón ang pagpapasô (alfareria, pottery) at pagtaním (horticulture).

2.  Pagkakaruón ng Hugis (Incipient Period). 2,300 hanggáng 1,000 taón sa nakaraán. Nagsimuláng umunlád ang kabihasnán sa Pilipinas. Napagbuti ang pagpapasô, nabuhay ang gawî ng paggamit ng mga tanging hugis at sariling mga palamutî (decoraciones, ornamentations). Nagsimulâ ang paggawâ ng mga kagamitán at ari-ariang bakal (metal artifacts) at, sa kauna-unahang panahón, ang mga Unang Pilipino ay

naglakbáy nang malayň upang magkalakal (long distance trade), kayâ nagkaruón ng mga batóng ihada ( jade), mga salamíng maník (abalorios, glass beads) at ibá pang alahas sa mga libingan nuón.

3.  Pagsilang ng Kabihasnán (Emergent Period). Lumawak ang pagkalakal nang malayň at ang dapat asahang paglagô ng pakipag-ugnayan sa mga tao sa ibáng bahagě ng silangang timog Asia. Unti-unting pumanaw ang hiwaláy na pag-unlád ng mga Unang Pilipino hanggáng lubusang naglahň nuóng 1,800 taón sa nakaraán, nang pumasok ang dunong at kabihasnán ng India.

Mulâ nuón, ang pag-unlád sa Pilipinas ay kasabáy na lamang sa mga kapit-kapuluán, sakláw at nasulsulán ng mas maunlád na mga gawî mulâ sa India. Natatág ang paghanapang-buhay (economics), paglilipon (politica), pagsambá (religion) at ibá pang gawî ng lipunang Pilipino (Filipino society) nang bahagyâ lamang kaibá sa mga lipunan sa malayň.

Bellwood Bahagě ng Malawak na Kabihasnán  -   Synchronous Development of Southeast Asia, 1978

PANIWALŔ ni Peter Bellwood ng Australian National University na ang Pilipinas ay bahagě ng ‘continent’ ng silangang timog (southeast) Asia na hinatě niyá sa 2 - ang kalakihang lupaín (Mainland Southeast Asia) at ang mga kapuluán (Island Southeast Asia). Katunayan, sabi ng kilalang nag-aghám sa Unang Panahón (archaeologists) sa Asia at Oceania, ang mga kapuluán sa dagat Pacific, ang mga natuklás na gawâ at gamit ng mga Unang Pilipino ay kahawig at kapanahón ng mga natuklás sa Talaud, ang kapuluán sa pagitan ng Mindanao at Maluku, sa Sarawak sa hilaga ng Borneo, sa Sulawesi (dating Celebes) sa pagitan ng Borneo at Maluku, at sa Timor, ang malakíng pulô sa silangang timog ng Indonesia. Nuóng 1978, minungkahě ni Bellwood ang sapantaha niyá ng pagsulong ng kagawian (cultura) ng dating Pilipinas, batay sa mga natuklás niná Robert Bradford Fox at Wilhelm Solheim II. Ang pagpapasô (ceramics) ang tinukoy niyá nang tuusan, at hindî niyá kinurň ang una at lumang Panahón ng Bató (Old Stone Age, Paleolithic). Maaaring akalaing pag-amin itó na maliban sa Tao ng Java (Java Man) at Tao ng Beijing (Peking Man), kulang na kulang ang mga katibayang nagbibigáy liwanag sa malayong nakaraán.

1.  Makabagong Panahón ng Bató (New Stone Age, Neolithic). Abót mulâ 6,300 hanggáng 5,100 taón sa nakaraán. Ang mga gawâ sa kabibing kagamitán at alahas na natuklás sa Palawan, lalo na sa yungíb Duyong, ay kahawig sa mga natuklás sa ibá pang bahagě ng Palawan at sa Sulu. May pahiwatig na kaugnáy sa mga kauna-unahang pamahayan (earliest settlements) sa mga kapuluán sa dagat Pacific (Oceania), lalo na sa Melanesia, ang kapuluán sa silangan ng Australia.

2.  Panahón ng Pagpapasô (Age of Pottery, Ceramics). 5,000 - 3,500 taón sa nakaraán. Maliban sa puláng bahid (red slipped), karaniwan at walang palamutî ang mga pasô at palayók, natuklás mulâ sa Dimolit sa hilagang Luzon hanggáng sa kapuluán ng Sulu. Tulad din sa mga natuklás sa mga bahagě ng Indonesia, - sa kapuluán ng Talaud, patí na sa mga palayók na 5,000 taón ang tandâ sa timog Sulawesi at sa pulô ng Timor,

Oceania

at kaibá sa mga palayók at pasô nuón sa Taiwan at China. Pahiwatig itó na hiwaláy sa kalakihang lupaíng (mainland) Asia ang paglawak ng pagpapasô sa Indonesia at Pilipinas. Pahiwatig din ng patuloy na pagdayo o pakipag-ugnáy sa kapuluán ng Melanesia, sa silangan ng Australia, na nagka-pasô na rin nuóng 3,500 taón sa nakaraán.
      A.  Patapós ng Panahón ng Bató (Late Neolithic pottery). Mulâ 3,500 hanggáng 2,500 taón sa nakaraán, nagsimuláng pumasok ang mga pasô mulâ sa kabihasnán (culture) ng Yuan-shan sa Taiwan, pahiwatig na lumawak pa mandín ang ugnayan ng mga Unang Pilipino hanggáng sa silangang Indonesia, sa Marianas Islands (Guam), at sa Melanesia, kung saán naipasok din ang kabihasnán ng Lapita.
      B.  Paglilibíng sa Bangŕ (Jar Burial Complex). 3,000 (nauná sa Palawan) hanggáng 2,000 taón sa nakaraán, bagamán at may iláng puók na naglibíng sa bangŕ hanggáng kailán lamang. Katulad ang mga bangŕ sa yungíb Niah sa Sarawak, sa hilaga ng Borneo, at sa kapuluán ng Talaud. Tinuklás nang sarili ng mga Unang Tao sa Pilipinas at Indonesia, nakaratíng ang gawî sa South Vietnam. Duón nabuhay ang kabihasnán ng Sa-Huynh [sa tabíng dagat, pagitnâ ng kasalukuyang mga lungsód ng Da Nang sa hilaga, at Quy Nhon sa timog]. Hindî nakaratíng ang gawî sa Melanesia, pahiwatig ng pagtumal ng 500-taóng pakipag-ugnayan duón, at simulâ ng pag-unlád nang hiwaláy ng kabihasnáng Lapita na lumawak sa mga kapitpulô duón.

3.  Panahón ng Bakal (Metal Age). Nagsimulâ 2,500 taón sa nakaraán. Hindî gaanong sinurě ni Bellwood. Sa halip, patuloy niyáng binakás ang pag-unlád ng pagpapasô na halos kasabáy nitóng panahón, at ang simulâ ng kabihasnán ng Kalanay nuóng 2,400 taón sa nakaraán sa Masbate, at tumagál nang mahigít 900 taón. Batay itó sa pagsurě ni Solheim sa mga pasóng tinuklás ni Carl Guthe sa Pilipinas nuóng 1922-1925, patí na ang pagsiyasat ni Solheim mismo sa Kalanay. Ang pagpapasô at paglibíng sa bangŕ nuóng unang 500 taón ng kabihasnáng Kalanay ay tulad sa pagpapasô at paglibíng sa Sa-Huynh na 1,300 kilometro ang layň. Umabot pa ang gawî sa pulô ng Samui sa lawŕ ng Siam (Gulf of Siam) sa kanlurang panig ng Thailand, mahigít 2,400 kilometro mulâ sa Masbate.

KAPWŔ may katwiran, at katibayan, ang magkasalungát na sapantaha. Subalit hindî maituturing na isáng buô ang kapuluán nuóng Simulâ ng Pagbuo-buô, ayon kay Eusebio Dizon ng Museum of the Filipino People. Ang mga natuklás nuóng panahóng iyón ay magkakaibá, mulâ sa Mindanao sa timog, hanggáng sa Batanes sa hilaga, pahiwatig ng hiwa-hiwaláy na pag-unlád ng mga Unang Pilipino. At lubháng mahirap paniwalaan na umunlád nang sarili ang Pilipinas, hiwaláy sa kabihasnáng nabubuô rin nuón sa ibáng panig ng silangang timog Asia. Napakarami na ang mga katibayang natuklás mulâ nuóng 1970s upang ipagkailâ ang ugnayan ng mga tao nuóng Unang Panahón sa buóng kalawakan ng timog karagatan (southern seas).

Nakaraáng kabanatŕ                     Balík sa itaás                     Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                     Listá ng mga kabanatŕ                     Sunód na kabanatŕ