DIEGO SALCEDO, 1663-1668 Governador General ‘Dinukot’ At Ipinatapon
|
|
Diego Salcedo
(siglo XVII) Administrador colonial español. Gobernador de Filipinas (1663-1668), reforzó el ejército del archipiélago y promovió el comercio con América. A raíz de unas diferencias con el arzobispo de Manila estalló una revolución (1668) y Salcedo acabó encarcelado por hereje.
Diego de Salcedo (ika-17 sandaan taon) Tagapamahala ng mga sakop Español. Ika-25 governador general ng Pilipinas mula Septiembre 8, 1663 hanggang Septiembre 28, 1668. Pinalakas niya ang hukbo at pinalawak ang kalakal sa Mexico. Dahil sa pagkalaban sa arsobispo ng Manila (1669), sumabog ang aklasan at nagwakas siyang bihag ng talusirang catholico (hereje, heretic).
ANAK si Diego de Salcedo ng isang “don” mula sa lalawigan ng Cuenca sa España at ng isang mutyang Flemish (katutubo ng tinatawag ngayong Flanders) sa hilaga ng Europe. Duon lumaki at nakilala ang giting ng matapang na binata sa maraming digmaan sa Flanders, sa katabing Belgium at sa tinatawag ngayong The Netherlands (tinawag ding Holland, ang pinaka-malaking lalawigan), nuong himagsikan ng mga Dutch upang makalaya mula sa pagsakop ng angkan ng Habsburg, na naghari rin sa España nuong panahon ng pagsakop sa Pilipinas. Tumagal halos 80 taon ang himagsikan, nagsimula nuong 1568 at hindi natapos kundi nuong 1647, nang bantog na si Salcedo bilang pinuno ng hukbong Español. Nuong Deciembre 2, 1661, hinirang siya ng hari ng España, si Felipe 4, na governador ng Pilipinas. Nagtungo si Salcedo sa Mexico, lungsod sa tinawag nuong bayan ng Nueva España, upang mag-barko papunta sa kapuluan. Sa kasamaang palad, nahuli ang alis ng galleon “San Jose” sa |
Manila kaya hindi nakabalik nuong 1662 at napilitang humimpil sa Acapulco hanggang 1663. Habang naghihintay, lumabas ang 2 ugali na nakilala kay Salcedo: Ang tibay ng luob (“tigas ng ulo” ang turing sa ibang ulat), karaniwan sa mga pinuno ng hukbong Español, at ang pagka-madamot, mahilig siyang magkamal ng salapi para sa sarili, karaniwan sa mga Español na naglingkod sa iba’t ibang sakop na lupain (colonies). |
Lakbay: Ang simula ng away laban Makisig si Salcedo, matangkad at matikas ang tindig. Maputi siya at bughaw (azul, blue) ang kulay ng kanyang mga mata. Nuon, mahaba ang puti nang buhok, at mayroon siyang bigote. Maginuo at serioso ang kanyang kilos at marangal siyang tao subalit itong 2 katangiang ang nagbagsak sa kanya. Mga bilanggo (convicts) ng Mexico ang karaniwang ipinapadala upang sapilitang mag-sundalo sa hukbong Español sa Pilipinas. Nag-ipon si Salcedo ng 100,000 pesos, hiningi sa pamahalaan at mga mamamayan ng Mexico, upang makakuha ng mga tunay na sundalo, hindi mga criminal, para sa Pilipinas. Nahimok din niya ang pamahalaan ng Mexico na ikatiwala sa kanya ang 120,000 pesos na “situado” - ang ambag (subsidy) taon-taon ng Mexico para sa pamahalaan sa Pilipinas, na karaniwang huli nang ilang taon kung ipadala. Ibinigay lamang pagkatapos siyang pumayag na ibawas ng oficiales duon ang 30,000 pesos upang gamitin sa pang-sariling kalakal nila sa Pilipinas. ( Kalat at uso sa kaharian ng España nuon ang “kupit,” graft and corruption ang tawag ngayon, lalo na sa tinawag na “galleon trade” mula sa Manila.) Sa wakas, lumisan ang “San Jose” mula sa Acapulco nuong Marso 25, 1663. Hindi pa sila nakakalayo, sumingaw uli ang tigas ng ulo ni Salcedo. Pinalitan ng mga oficiales ng Mexico ang capitan ng galleon, iniluklok si Andres de Medina, taga-Peru na nagtangkang humanap ng panibago, at pag-asa niyang mas mainam, na landas patawid sa Pacific Ocean. Subalit sinaway ni Salcedo at ibinalik ang dating capitan, si Francisco Garcia del Fresno. |
sa punong tagapag-usig ng Inquisition Nagkulong na lamang sa kanyang silid si Medina hanggang nakarating sila sa Pilipinas, nang humingi siya ng pahintulot kay Salcedo at nagtungo sa Bolinao, sa kanlurang gilid ng Pangasinan. Katulong ang frayleng Recollect duon, si Juan de la Santisima Trinidad, bumuo ng isang barko si Medina at nagtungo sa Cochinchina (isang bahagi ng tinatawag ngayong North Vietnam) upang mag-usisa at magkalakal. Sawimpalad, pinatay at ninakawan silang lahat ng mga tagaruon. Nalaman lamang ang sinapit ni Medina pagkaraan ng ilang taon, nang inilako ng mga taga-Cochinchina sa mga dumating na magkakalakal na Portuguese ang mga gamit-agham (scientific instruments) ni Medina. Kasama ni Salcedo sa barkong “San Jose” ang 11 frayleng Augustinian na magsisilbi sa Pilipinas, pati na si Jose de Paternina, ang hinirang ng hukuman sa Mexico na punong kinatawan (commissario) sa Pilipinas ng “banal na gawain” (Holy Office). Ito ang kinatakutang Spanish Inquisition, ang pag-usig at pagbitay sa mga tumiwalag sa pagka-catholico o palaging lumalabag sa mga utos ng simbahan. Patungo pa lamang sa Pilipinas, nag-away na lagi si Salcedo na arogante at si Paternina na mapusok. May ulat na ikinalat daw ni Paternina na inasawa subalit hindi pinakasalan ni Salcedo ang kapatid o pinsan niyang babae, ina ni Gonzalo Samaniego, capitan sa hukbong Español at pamangkin at “alaga” ni Paternina. Malamang hindi tutuo dahil hindi nakilalang “babaero” si Salcedo. Mas kapani-paniwala, dahil kapwa sila gahaman, na humingi si Paternina ng mataas na tungkulin para sa kanyang pamangkin, at tumanggi si Salcedo na maraming kasama sa barko na sarili rin niyang mga “alaga.” |
Manila: Pinalakas ang hukbo,
Tahimik ang panahon pagtawid ng “San Jose” sa Pacific Ocean subalit Julio na - tag-ulan at panahon ng bagyo (ang tinawag na “vendavales” ng Español) - nang paglapit nila sa Pilipinas at hindi sila nakadaong sa Palapag (sa Leyte) tulad ng dating gawi. Sa halip, itinaboy sila ng sunud-sunod na bagyo sa hilaga hanggang lagpas sa Cape Engaño. Sa Pasipit, sa lalawigan ng Cagayan, dumaong ang barko nuong Julio 8, 1663. Bitbit ang mga gamit at salapi, napilitang lumakad ang pangkat at tumawid sa 5 lalawigan - Cagayan, Ilocos, Pangasinan, Pampanga at Bulacan - kung saan paulit-ulit silang sinalubong ng mga Pilipinong inipon ng mga frayle sa iba’t ibang baranggay na nadaanan. Nagsayaw, umawit at naghanda ng pagkain ang mga taga-baranggay para sa bagong governador na nalugod at magiliw na tinanggap ang parangal. Nakarating sila sa Manila nuong Septiembre 1663. Isinulat ni Salcedo sa isang kaibigan, si Francisco Yzquierdo, sa isang liham nuong Julio 16, 1664, na walang salapi ang pamahalaan - 35,000 pesos lamang ang laman ng yaman-bayan (royal treasury) - at pagod ang mga Español sa |
pinalawak ang kalakal Pilipinas dahil sa mga aklasan mula nuong 1660 sa Ilocos, Pangasinan at Pampanga (mababasa lahat sa “Aklasan Ng Mga Charismatic Pinoy” sa website ding ito). Hindi pa sumasahod ang mga sundalo, samantalang galit naman ang mga Pilipino sa mga mabagsik na parusang ipinataw sa kanila. Matumal nuon ang kalakal mula China, ang “galleon trade” na tanging ikinabubuhay ng mga Español sa Pilipinas, dahil kasalukuyang sinasalakay ng mga taga-Manchuria ang kaharian ni Sipuan sa China kaya bihira ang dating ng mga champans sa Manila. Inasikaso agad ni Salcedo ang pagtayog uli ng Manila. Nagpagawa siya sa Albay ng galleon, pinaka-malaki sa buong Pilipinas, ang “Nuestra Senora de la Concepcion.” Pinapunta niya sa Cambodia si capitan Fernando Quintela upang maki-usap kung maaaring gumawa ng galleon duon. Sinugo niya si Jose de la Vega, taga-Manila, sa Banta (bahagi ng Indonesia ngayon), at si Francisco de Losada sa kaharian ng Siam (Thailand ang tawag ngayon) upang makipag-kasundo sa kalakal. Pinabili rin niya si Juan de Zalaeta sa Batavia (Jakarta ang tawag ngayon) ng mga ankla para sa galleon. Upang hindi malugi ang “galleon trade,” lagi niyang pinilit na umalis ang barko sa takdang panahon upang makabalik at kumita nuong taon ding iyon, sa halip na mapilitang maghintay sa Acapulco, gaya ng dinanas niya. |
Pinasok ang Cordillera, Sinugpo ang mga Zambal Nabalitaan niyang malawak at mayaman ang mga lupain ng “Igolotes,” ang mga taga-bundok sa Cordillera na laging nagdadala ng ginto sa Pangasinan at Ilocos upang ipagpalit sa asin, damit at iba pang gamit. Hindi sila binyagan, ni hindi pa narating ng mga frayle. Upang binyagan sila at masakop ang mga minahan ng ginto, bumuo si Salcedo ng isang pangkat ng sundalo, frayle at mga mandirigmang Kapampangan at pinapunta nuong 1668 sa tinawag na Mountain Province pagkaraan ng panahon ng Español. Puno ng pangkat ang batikang admiral, si Pedro Duran de Monforte, at kasama ang 3 frayleng Augustinian, sina Luis de la Fuente, Gabriel Alvarez at Lorenza de Herrera, isang Mexicano na dating pari sa Narbacan, sa Ilocos. Narating nila ang mahigit 100 baranggay sa bundukin at nakaibigan ang mga tagaruon, subalit walang nangyari sa pakana. Lubhang mahirap akyatin ang mga bundok at hanapin ang mga mina ng ginto. Isa pa, nagtagal lamang ang mga tagaruon habang binibigyan sila ng pagkain ng mga frayle. Tumakas silang lahat sa mga bundok pagkaubos ng pagkain, at kapag inutusan silang magtanim o magsaka sa bukid. Upang masugpo naman ang pagpugot ng ulo ng mga Zambal, nagpatayo si Salcedo kay sargento-mayor Blas Rodriguez ng tanggulan (fuerza, fort) sa Pignauen. Nakatulong ang garrison, may ilang maliliit na cañon, sa pagpasok ng mga frayle sa tinatawag ngayong lalawigan ng Zambales. |
|
Naka-away si Poblete, ang arsobispo, Unti-unting naging masagana uli ang Manila subalit maraming nakagalit si Salcedo dahil mahigpit siya nagpatupad sa mga utos ng hari at ng Audiencia Real sa Manila. Napuot din ang mga pari at frayle sa kanya sapagkat hinigpitan niya ang bigay ng pabuya sa simbahan, ibininbin (suspended) pati ang cabildo, ang pamahalaan ng Manila, habang humanap siya ng 2,000 pesos na mauutang upang pambayad sa mga pinaka-importanteng gastos ng cabildo. Higit sa lahat, maraming namuhi sa kanya dahil sa 2 ugali niyang maipilit ang anumang nais niya kahit sino ang makalaban - kapuri-puri sa isang sundalo, subalit pahamak sa isang governador, - at pagsarili ng anumang kayamanang mapasa-kamay, - malaking suliranin sa lipunang tulad ng Manila na walang inatupag kundi makihati sa hamig. Pagkaraan ng 5 taon bilang governador, nagpatong-patong na ang mga kaaway niya dahil hindi niya nasunod lahat ng sobra-sobrang hangad ng mga taga-Manila ng matataas na tungkulin o ng pagkakataong kumita nang malaki sa kalakal. Isang sumbat nila ay lagi niyang pinapunta si Ezquerra sa Batavia subalit para lamang kay Salcedo at sa mga “alaga” niya. Panay ding pinaligid ni Salcedo si Gaspar Ruiz de Aguayo, and kanyang “factor” (business manager ang tawag ngayon), upang pakyawin lahat ng kalakal na nakita. |
nagsapakat ang mga frayle at guardias Ang pinaka-malaking naka-away ni Salcedo ay si Miguel de Poblete, arsobispo ng Pilipinas nuong 1653 hanggang 1667. Pilit ipinasok ni Salcedo ang isang “alaga” niya, si Juan de Ezquerra, sa cabildo (municipal government) ng Manila subalit sinalungat ni Poblete, ni general Sebastian Rayo, alcalde-ordinario ng Manila at iba pang pinuno sa Intramuros, at nanatiling vacante ang tungkulin. Binantaan ni Salcedo si Poblete na ipatatapon niya sa Mariveles sa tinatawag ngayong lalawigan ng Bataan, na nuon ay ligaw na gubat na puno ng mga takas na pusakal at mga taga-bundok na pumupugot ng ulo. Hindi itinuloy ni Salcedo ang banta sa arsobispo subalit ipinadakip at ipinakulong niya si general Rayo. Subalit ang pinaka-mapanganib na kaaway ni Salcedo ay si Paternina, ang commissario ng Inquisition, dahil lumabas nuong huli na walang budhi ito. Dukha si Paternina at walang kita maliban sa sahod niya bilang prior, ang taga-pamahala ng convento ng Augustinian sa Manila at sa Guadalupe. Kaya nahirapan siya nang matagal dahil patuloy na tinanggihan ni Salcedo na bigyan ng tungkulin, at sahod, ang pamangkin niyang si Samaniego. Naging pabayâ rin si Salcedo sa pag-respeto sa mga ceremonias ng simbahan. Nuong 1668, huling taon ng pagka-governador ni Salcedo, namuno si Paternina sa pakanang tanggalin (coup d’etat) si Salcedo. |
Hatinggabi: Simula ng kudeyta, Ang tangka ng mga kaaway ni Salcedo ay dakpin siya sa paratang ng laging paglabag sa mga utos ng simbahan. Dahil may kapangyarihan ang Inquisition pahirapan at ipabitay kahit na sino, walang makaka-salungat sa bintang o makaka-sagip kay Salcedo pagkatapos nilang ikulong sa convento ng mga frayleng Franciscan. Kasapakat nila si Agustin de Zepeda, ang pinuno (master of arms) ng mga guardia sa palacio, kaya walang tutulong kay Salcedo paglusob nila. Upang hindi maipagtanggol ni Salcedo ang sarili, hihintayin nilang natutulog siya sa gabi. Tinakot pa ni Paternina ang matandang babae na mayordoma sa palacio na paparusahan siya ng Inquisition kapag hindi niya binuksan ang candado ng silid ni Salcedo sa takdang gabi. Ala-11 ng gabi nuong Octobre 8, 1668, pinasok ng pangkat ang palacio. Panguna si Paternina, kasunod ang pamangking Samaniego, si Rayo at si Nicolas de Pamplona, isa pang alcalde-ordinario ng Manila, at ang kapatid niya, si Geronimo de Pamplona, isang frayleng Franciscan. Kasama rin sina sargento-mayor Diego de Morales, sargento-mayor Juan Tirado, capitan Juan de Vargas, Juan de Robles, capitan Diego de Palencia, ang alguazil-mayor (police chief ang tawag ngayon) ng Inquisition, at ilan pang lalaki. Tumuloy si Zepeda sa himpilang bantay (guardroom) at inutusan ang mga guardia na huwag pumalag kapag may narinig na gulo dahil tinutupad ng Inquisition ang tungkulin para sa simbahan. Sa convento |
dinukot mula sa palacio
ng mga Franciscan, naghihintay ang 20 frayle, pati ang pinuno (provincial), si Francisco Solier, at si Mateo de la Anunciacion na may hawak na espada. Nagising si Salcedo nang sunggaban siya ni Pamplona. Agad siyang nilagyan ng posas (fetters) ni Palencia at tinutukan ni Tirado ng balaraw sa dibdib. Naka-camiseta lamang at walang pantalon, isinuksok nila si Salcedo sa isang duyan at binitbit palabas sa likod ng palacio. Pagkapasok sa convento ng mga Franciscan nuong ika-1 ng umaga kinabukasan, Octobre 10, magdamag nagdiwang ang pangkat, pati ang mga frayle - nagkainan at nag-inuman. Pagsikat ng araw, binitbit nila si Salcedo sa duyan at ikinulong sa bahay ni Palencia nang ilang araw, bago inilipat at ikinulong sa convento ng mga Augustinian. Duon, prior si Paternina, ang “utak” ng kudeyta. |
Ang pagkulong, pagbagong-luob at Kumalat sa Intramuros nuong umaga ng Octobre 10 ang balita ng pagdakip kay Salcedo. Hindi malaman ng mga Español kung ano ang gagawin, subalit walang umangal dahil takot silang lahat sa Inquisition. Kasapakat nina Paternina ang mga kasapi sa Audiencia at isa sa kanila, si Juan Manuel de la Peña Bonifaz, ang pumalit bilang governador kahit na 2 taon pa lamang siya sa Pilipinas. Kumampi siya kay Paternina at upang hindi siya kalabanin ng hukbong Español, pinasahod niya at binigyan pa ng dagdag na bayad ang mga sundalo. Binigyan din niya ng mataas na tungkulin ang mga kumampi sa kanya. Ang mga kalaban naman ay ipinadakip niya at pinakulong, pati ang mahigit na 20 kilalang mga kakampi ni Salcedo sa Manila na ayaw tumanggap sa kanya bilang governador. Hinamig lahat ni Peña ang lahat ng kayamanang naipon ni Salcedo. Binayaran niya ang sarili ng mahigit 10,000 pesos at ipinamudmod sa kanyang mga kakampi, pati na si Paternina. Pati ang yaman-bayan (royal treasury) ay inubos niya bilang pabuya sa sinumang sumunod sa kanya at kumilala sa kanyang pagiging governador. Dahil napipilan ang lahat ng kakampi ni Salcedo sa Manila, panatag si Peña na magtatagal ang kanyang pamahalaan dahil karaniwang 5 taon ang taning ng mga nakaraang governador. Hindi niya alam, bago pa dinukot si Salcedo, napili na sa Madrid ang susunod na governador na naghahanda nang maglakbay pa-Manila. |
pagkamatay ni Salcedo Samantala, nanghina at nagkasakit si Salcedo sa pagpiit sa kanya sa convento ni Paternina. Nuong gabi ng sumunod na Pasko, Deciembre 25, 1668, pinatalian ni Paternina ng cadena si Salcedo dahil may balita na sasagipin siya ng kanyang mga “alaga” at kaibigan. Hindi rin niya pinayagan si Salcedo na sumulat ng huling testamento (last will) o magkumpisal at mag-comunion man lamang. Sa matagal niyang pagka-kulong, nanatiling mahinahon at hindi nasira ang luob ni Salcedo. Wala siyang pinaratangan kahit na sino sa pagwalang-hiya at pagdukot sa kanya, maliban sa pag-amin niyang “purgatorio” ito ng Diós dahil sa marami siyang kasalanan. Sa utos ni Peña, isinakay si Salcedo sa isang galleon, ang “San Diego” na pinamunuan ni Francisco Vizcarra, isa sa mga tumulong sa pagdukot kay Salcedo, upang iharap sa hukuman ng Inquisition sa Mexico. Kasama at inalagaan si Salcedo ni capitan Miguel de Cardenas, Juan de Alquiza at ilan pang kaibigan. Inabot sila ng masamang panahon at napilitang bumalik sa Cavite. Ikinulong uli si Salcedo, sa Guadalupe naman, ang pang-2 convento na “hawak” ni Paternina. Lumala ang sakit ni Salcedo kaya napilitang dalhin siya sa Los Baños, Laguna. Duon siya ikinulong, kasa-kasama pa rin sina Cardenas, hanggang naglayag uli ang galleon papuntang Mexico nuong sumunod na taon, 1669. Malamig sa bandang hilaga ng Pacific Ocean at pagtahak ng barko duon, lumubha ang lagay ni Salcedo at namatay matapos mag-confesar. |
Parusa: Ang kinahinatnan ng Salisi at patungo sa Pilipinas, dumating ang galleon “San Jose” nuong Julio 1669. Dahil tag-ulan, tinangay ng bagyo ang barko at napilitang dumaong sa Palapag, sa Leyte. Duon lumapag ang bagong governador, si Manuel de Leon, batikang pinuno ng hukbong Español sa Flanders din. Sa Madrid nuong nakaraang taon, inalok siya ng nanay ng hari ng España na maging governador ng Cadiz, subalit pinili ni De Leon ang Pilipinas. Septiembre 24, 1669 na nang pumasok sa Manila si De Leon, at agad niyang ipinatawag ang lahat ng kasangkot sa pagbihag kay Salcedo. Agad tumakbo ang nagulat na Peña at nagtago sa convento ng mga Augustinian sa Manila upang hindi madakip. Pilit siyang pinakuha ni De Leon subalit sinaway ng mga frayle dahil sa tuntunin ng “sanctuario,” na sinumang pumasok sa simbahan ay nasa ilalim ng pagkalinga ng Diós. Si Paternina, sa kabilang dako, ay comisario pa rin ng Inquisition at hindi nasaling ni De Leon. Nagkasama pa sila sa luob ng cathedral ng Manila nang basahin ang mga utos ng Inquisition, isang ceremonia na karaniwang ginanap tuwing ika-3 taon. Subalit ipinatawag si Paternina ng hukuman ng Inquisition sa Mexico, at sa sumunod na 49 taon, hindi na muling nag-ceremonia o nagkaruon ng comisario sa Pilipinas. Tulad ni Salcedo, nagkasakit at namatay si Paternina sa Pacific Ocean |
mga nagsapakat at nandukot habang patawid papuntang Acapulco nuong 1669, isang taon lamang pagkatapos niyang dukutin si Salcedo. Pagkaraan ng ilang taon, inilabas ang hatol ng hukuman ng Inquisition sa Mexico. Pinawalang sala si Salcedo. Inutos naman ng Consejo de Indias sa Madrid na pawalang bisa lahat ng utos ni Peña habang “governador,” pati ang mga parangal at tungkuling iginawad niya sa mga kakampi. Ang hatol kay Peña ay wala siyang alam sa pamahalaan kaya wala siyang nagawa subalit marami siyang ginasta, at lubhang pinahirapan niya nang walang dahilan ang mga Pilipino na inutusan niyang pumutol ng mga punong kahoy upang gumawa ng mga barko at upang paligiran ng bakod ang tanggulan sa Cavite, gawaing sukdulang ikina-api ng mga katutubo. Pinasiya din ng consejo na bitayin si Peña, subalit nagkasakit ito sa convento ng mga Augustinian at namatay bago pa nakarating ang hatol ng consejo. Nang mamatay si Peña, nabawi na lahat ang yamang ninakaw niya, kaya naghirap ang kanyang viuda at mga anak. Umabot ng 20 taon bago “nalinis” lahat ng alingasngas ng pagbihag kay Salcedo, pati na ang mga pagdakip at pagpiit sa mga kasangkot, pag-ilit ng mga ari-arian ng mga kumarakot ng kayamanan ng bayan at ni Salcedo, at bilang parusa sa pakipag-sabwatan. |
ANG MGA PINAGKUNAN
Balik sa itaas Governadores, arsobispos nuong 1600-1699 Lista ng mga kabanata Kahariang Español sa Pilipinas Mga Kasaysayan ng Pilipinas |