![]() ANG KARANASAN NG PINAKA-MARAMING DAYUHAN Kapwa Intsik, Kaibang Intsik Mahirap nang mailarawan kung sino ang Intsik dahil sa madalas at malawak na pag-aasawa sa mga Pilipina, at dahil paiba-iba ang tuntunin ng pamahalaan. Tinatawag ngayong Intsik lahat ng dayo mula China, ‘legal’ man o puslit, pati na ang mga taga-China na naging mamamayan at lubusang Pilipino na. Ang mga mestizo ay maaari ding tawaging Intsik o Pilipino, batay sa kung sino-sino ang palagi niyang kasama... --Philippines, A Country Study, United States Library of Congress Kung Intsik ang number 1 sumusuhol sa Pilipinas, ito’y dapat lamang, dahil |
|
TATLO ang Intsik sa Pilipinas. Una ang mga mestizo na anak-anakan (descendants) ng mga Sangley na pumasok sa Pilipinas nuong panahon ng Español. Marami ay maylupa, at maykaya, at halos lahat ay Filipino na. Sila ang pinaka-mahirap tuntunin bilang Intsik. Bahagya lamang naiba ang anyo at kilos sa mga Pilipino dahil, tantiya ngayon, isa sa bawat 5 Pilipino ay ‘may dugong Intsik.’ Kabilang sa kanila, tulad ni Jose Rizal at Sergio Osmeña, ang mga pinuno ng himagsikan at paglaya ng bayan.
Ang pangalawang Intsik ay anakan ng mga pumasok nuong panahon ng Amerkano, hanggang panahon ng Hapon nuong 1942. Sila, sa mga tinatawag ngayong Intsik, ang pinaka-lantad, nagkumpulan sa Binondo
|
at iba’t iba pang Chinatown sa Pilipinas, at pinaka-marami sa mga ‘purong’ Intsik. Itinangi ng karamihan ang kanilang pagka-Intsik, pati na ang mga pangalan nilang Intsik. Dahil napigil ang lakbayan sa China mula nuong 1949 hanggang 1975, marami ay naging mamamayan (citizen) na. Ang iba na hindi pa ay naghahangad ngayong maging Pilipino na rin.
Ang pang-3 at huling Intsik ay mga bagong salta, nagdatingan mula nuong 1990 lamang. Kaiba sa mga naunang 2 Intsik sa wika, gawi at layunin sa buhay, hindi pa sila ‘tinatanggap’ sa mga pamahayang Intsik (Chinese communities) at, ayon sa mga naunang 2 Intsik, sila ang ‘sakit sa ulo’ sa Pilipinas ngayon. |
‘Amnesty’ At Mga Bagong Mamamayan SALIW sa pakipag-kasundo sa People’s Republic of China nuong 1975, inagapan ni Pangulo Ferdinand Marcos ang matagal at walang tigil na ‘sakit ng ulo’ ng mahigit 120,000 Intsik na TNT (‘tago nang tago’) sa Pilipinas. Pinairal niya ang Utos Pangulo (executive order): Sa halip ng magastos at matagal na usapin sa hukuman, ang mga samong maging mamamayan (petition for citizenship) ay hinawakan ng karaniwang ngasiwa ng pamahalaan (administrative processing). Sa sumunod na 10 taon, halos 96,000 Intsik ang naging mamamayan (citizens) bago nabaklas ang pamahalaang dictador ni Marcos nuong 1986. Dapat sana 25,000 na lamang ang overstaying Chinese nuong 1985. Ang hirap, nagsimulang umagos uli ang mga Intsik nuong bandang 1980 nang muling nakipagkalakal sa buong daigdig ang China at marami ang sumingit sa mga katabing bayan sa timog silangan, sa Pilipinas, Malaysia at Thailand, pati na sa Europe at America. Balak ni Marcos nuong 1980 na akitin ang
|
mayayamang Intsik na magpundar ng kalakal sa Pilipinas. Sinamantala ito ng tantiyang 100,000 Hokkien mula sa timog China, ang mga taga-Fujian, Guandong at Zhejiang (ang lalawigan ng Shanghai), upang mag-TNT sa kanilang mga kamag-anak, kaibigan at kabayan na tatag na sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Tinangka ng pumalit na pangulo, si Corazon Cojuangco Aquino, na lutasin ang suliranin. Sa udyok ni Miriam Santiago ng Immigration Bureau, hinayag niya nuong Noviembre 1988 ang Utos Pangulo (executive order) 324 na gagawing ‘legal’ ang lahat ng Intsik na pumasok sa Pilipinas bago mag-1984. Mahigit 3,000 Intsik ang nabigyan ng pahintulot bago inangkin ng Batasang Bayan (Philippine Congress) ang karapatang mag-amnesty, at pinatigil ang utos ni ‘Cory’ Aquino pagkaraan lamang ng 3 buwan. Nuong Febrero 24, 1995, nilabas ng Congress ang batas-bayan (Republic Act) 7919 na nagbigay ng amnesty sa mga pumasok sa Pilipinas bago nag-Junio 30, 1992 at hindi na umalis mula nuon. Nasama rito ang mga Intsik na nagsamong maging ‘legal’ ayon sa utos ni ‘Cory’ Aquino nuong 1988. Bandang 7,000 Intsik ang nagbayad ng 250,000 piso tig-isa, 50,000 piso sa asawa at 25,000 sa bawat anak, upang magkaruon ng ganitong pahintulot. Nuong Junio 2001 naman, pinairal ang batas-bayan 9139 upang madali ang pagiging Pilipino ng mga Intsik na isinilang at lumaki sa kapuluan. Tulad ng dating utos ni Marcos, hindi na kailangang humarap sa hukuman, samo (petition) na lamang sa pangasiwaan ng pamahalaan. |
Dating Paghigpit, Bagong Palusot Sa bayan natin, masunurin sa batas ang mga tao. Sa ibang bayan, dapat ding sumunod ang mga taga-China sa mga batas duon. Mahalaga ito... Ang pagkita ng salapi ay kailangan ayon sa mga tuntunin. Huwag tayong mainggit sa yaman na nakuha sa masamang paraan... --Chou En Lai, prime minister, People’s Republic of China, 1950
AMNESTY o hindi, bawal pa rin pumasok sa Pilipinas ang Intsik, maliban sa mga mag-aaral (students), mga nagpupundar (investors) na may 75,000 dolyar pampundar bawat isa, at mga namahinga na (retiros, retirees) na may tig-isang 50,000 dolyar, pambili naman ng bahay o condo apartment sa Pilipinas.
Upang makalusot, ginamit ng mga Intsik na TNT (‘tago nang tago’) sa Pilipinas ang mga huwad na patibay na marami silang salaping lagak (deposits) sa bangko, kahit wala naman. Mga ‘papel lamang’ ang kanilang mga patibay dahil ang salapi sa bangko ay karaniwang utang lamang na binayaran ng TNT matapos mapayagang tumira na sa Pilipinas. Ginamit din nila ang batas-bayan 7919, pinabago ang mga papeles nilaupang kunyari
|
pumasok sila sa Pilipinas bago mag-1992.
Marami ring TNT ang nagsamantala sa batas-bayan 9139, gumamit ng mga huwad (falsificado, fake) na kasulatan, isinilang daw sila sa Pilipinas o matagal na silang naging mamamayan (naturalized citizens). Maraming pinuno at kasapi ng mga samahang Intsik (Chinese associations) sa Pilipinas ang kasangkot sa paghuwad ng mga papeles. Ang ibang TNT, dinaan na lamang sa pakyawang suhulan. Basta binayaran ang mga kawani ng Immigration Bureau, pulis at sundalo upang payagan silang pumasok, at manatili, sa Pilipinas. Nuong Marso 1997, binunyag ni Anna Dominique Coseteng, ‘may dugong Intsik’ na senador sa Batasang Bayan, na mula 120,000 piso hanggang 300,000 piso ang suhol ng bawat isang puslit na Intsik sa mga kawani ng Immigration Bureau. Pati ang sugo ng China (Chinese embassy) ay nagpahayag na naganap ang puslitang ito dahil lamang sa malawak at masipag na pagtanggap ng suhol ng mga nasa pamahalaan ng Pilipinas. |
Pasok Ang Pangatlong Intsik Ating dalamhati na ang mga suliranin ng Intsik nuong 100 taon sa nakaraan ay lumitaw na naman sa Pilipinas at ibang bayan... Dapat aminin ng China, pati na ng mga Intsik na nag-ibang bayan, na kasalanan nila ang sakit ng ulo na dulot ng mga bagong salta... --Teresita Ang See, Influx of New Chinese Immigrants to the Philippines: Problems and Challenges BANDANG kalagitnaan ng 1990s, nagsimulang dumating sa Pilipinas ang mga ‘ibang Intsik.’ Sumabay sa mga Hokkien ang mga taga-lalawigan ng Shandong, Liaoning at Jiangsu, sa silangang baybayin ng China, kahanay ng Japan at Korea, at malapit sa Beijing. Naging ‘sakit ng ulo’ sila ng mga Pilipino at ng mga ‘datihang Intsik.’ Wala silang kamag-anak, kaibigan o kabayan man lamang sa mga Intsik na nasa Pilipinas na. Ni hindi sila marunong ng wikang Hokkien, ang salita ng lahat ng datihang Intsik. Marami sa mga ‘bagito’ ay hindi marunong mag-Tagalog o mag-English. Sa bandang 400 ‘mag-aaral’ (estudiantes, scholars) na pumasok sa Pilipinas, isa lamang ang nalistang bumalik sa China. Tulad sa mga Hokkien, sumaliw ang mga pangatlong Intsik sa pakyawang suhulan at paghuwad ng mga papeles upang makatagal sa Pilipinas, at upang makaligtas sa pag-usig at parusa sa iba’t ibang kasalanan, pati na ang magmaneho nang walang licencia. Subalit higit pa, agad nabantog ang mga ‘bagong Intsik’ sa mga lubhang bawal na kagagawan (criminal activities), lalo na ang paggawa ng droga (drugs) gaya ng ‘shabu.’ Nasangkot din sila sa pagdukot (kidnap for ransom) kay Jacky Rowena Tiu, isa sa mga Intsik na matagal na sa |
![]() Walang galang ang mga ‘pangatlong Intsik’ sa mga maykapangyarihan, pulis at kawani ng pamahalaan dahil madali masuhulan. Walang pitagan silang lumabag sa batas. Ang pina-malaking ‘sakit ng ulo’ na dulot ng Intsik sa mga Pilipino ay ang mahigit 400 taon nang suliranin: Napakarami nila. Madalas nalathala sa mga pahayagan ang kabuktutan ng mga bagong saltang Intsik. Hindi nakikita ng mga Pilipino ang kaibahan ng datihang ‘Huaqiao’ sa mga bagitong ‘Xinqiao’ kaya basta ‘Intsik’ ang sinisisi nila sa suhulan, kasakiman at pinsalang idinudulot ng mga bagitong ‘Xinqiao.’ Takot ang mga datihang ‘Huaqiao,’ pati ang mga ‘legal’ at mga mamamayang Pilipino na, na mawala ang paggalang at pakipag-kaibigan na matagal nilang sinikap at nakamit sa lipunang Pilipino. Pangamba nilang kasama silang magdusa sa galit at anumang lunas o parusa na ipataw ng Pilipinas sa ‘sakit ng ulong’ Intsik. |
Dati, lumikas ang mga Intsik mula sa 3 lalawigan lamang - Guangdong, Fujian at Zhejiang - at mula sa ilang purok at nayon lamang ‘XINYIMIN’ ang tawag sa kanila sa China, ngunit sa Pilipinas, ‘Xinqiao’ ang tawag sa kanila, ang mga naparito mula nuong 1990 lamang. At nakalaban ng mga dinatnan nilang datihang Intsik, ang matagal nang tinawag na ‘overseas Chinese’ o ‘Huaqiao’ (sinulat ding ‘jiuqiao’). Sa wikang Hokkien ng mga datihan sa Binondo, ang mga bagong salta ay tinawag na ‘tai diok ka’ (mainlanders) o TDK sa madaling-salita. Tulad ng ‘beho’ (viejo, ancient, hukluban), sumbat ang turing na ito, katumbas ng ‘taga-luoban’ o ‘taga-bundok’ sa Tagalog. Hindi lamang sa pangalan nag-iba ang mga bagitong ‘Xinqiao’ sa mga datihang ‘Huaqiao,’ ayon kay Go Bon Juan sa kanyang paghambing ng dati at bagong paglikas ng mga Intsik, inulat sa pulong ng Globalizing Chinese Migrations sa Budapest, sa Hungary nuong 1995. Unang kaibahan, Hokkien (tinawag ding Fukien) mula sa lalawigan ng Guangdong, Fujian at Zhejiang ang mga datihang ‘Huaqiao.’ Magka-katulad ang kanilang wika at gawi at malayo sa salita at kilos ng bagong ‘Xinqiao.’ Isa pang kaibahan, mas mataas ang pinag-aralan ng mga bagong ‘Xinqiao’ at bihasa sila sa mga panibagong gawi, gaya ng paggamit ng computer at cell phones. Karaniwang mas may-kaya, galing sila sa mga maunlad na lungsod sa mga lalawigan ng Shandong, Liaoning at Jiangsu, at nagtungo sa Pilipinas upang madagdagan lamang ang yaman. Marami sa kanila ang nagbabalak tumuloy sa America o Europe pagkatapos ‘matuto’ sa Pilipinas - ‘sikat’ (status symbol) sa China ang magkaruon ng kamag-anak sa America o Europe, o kahit sa alinmang ‘ibang bayan’ (abroad) tulad ng Pilipinas. Nabalita rin na pinalilikas ng mga familia ang kanilang mga anak sa ibang bayan upang itago ang yamang naipon nila sa China. Kung sakali mang magka-hirapan, mayruon silang matakbuhan, at mabubuhay sila nang marangya duon. Ang mga datihang ‘Huaqiao’ ay karaniwang wala o mababa ang pinag-aralan, dukha at naghanap lamang ng kahit anong ikabubuhay sa Pilipinas, o tumakas lamang sa gulo ng digmaan o lupit ng mga dayuhan. Balak ng marami, pagkatapos makaipon ng sapat na salapi, ang bumalik sa sinilangang nayon o kabayanan sa China. Marami rin ang
Ang pinaka-malaking kaibahan ng mga bagong ‘Xinqiao’ sa mga datihang ‘Huaqiao’ ay ang pagturing nila sa isa’t isa. Ligalig ang mga ‘Huaqiao’ sa dami at galaw ng mga bagitong ‘Xinqiao.’ Kahit na mas mataas ang pinag-aralan ng mga bagong salta, mababa ang tingin sa kanila ng mga datihang ‘Huaqiao’ dahil bastos daw at walang pinag-aralan kung kumilos. Pati sa mga paaralan, iniiwasan ng mga anak-‘Huaqiao’ ang mga kamag-aral (classmates) na TDK dahil mga laki sa layaw (spoiled brats) at mga asal-maton (bullies). Dumudura, nagmumura at nagkakalat ng basura, at iba pang bawal na gawain. Sa mga mataas na paaralan (high schools), gawi rin daw ng mga ‘Xinqiao’ ang mag-sugal, manigarilyo at iba pang vicio. |
|
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |