![]() Sa Cagayán Nuóng Nakaraán
Batay sa mga natagpuáng nagbatóng butó (fossils), ang Libís ng Cagayán (Cagayan Valley) nuón ay magubat at mas malamíg kaysa ngayón. Nuóng panahón ng nakatatayóng tao (homo erectus) sa China (‘Peking Man’) at Indonesia (‘Java Man’) bandáng 500,000 taón sa nakaraán, naglipanŕ duón ang mga baboy damó at usá, mga buwaya at dambuhalang pagóng (giant land turtles), patí na ang mga hayop na matagál nang naglahň (extinct) - elepante, stegodons (maliít na elepante, kalakí lamang ng kalabáw), rhinoceros at mga unang tamaráw... --National Museum of the Filipino People MALAKÁS at
matipunň ang mga Unang Pilipino sa hilagang Luzón. Sa Cagayán-Kalinga, natuklás ang mga batóng ginamit na pandikdík at palakól, na isáng kilo o mahigít pa ang bigát. Kailangan sa pagkatay (butcher) sa lubháng makapál na balát ng stegodon at matigás na talukap (turtle shell) ng mga dambuhalang pagóng na sagana duón libu-libong taón sa nakaraán.
Nuóng 1974, sinurě ni Warren Peterson ng University of Hawaii ang mahigít 800 pinagtabasan ( flake tools) ng kagamitáng bató ng mga taga-Cagayán nuóng 4,000 - 3,000 taón sa nakaraán. Nahukay sa Pintu, sa Nueva Vizcaya, ang talím ng mga bató ay hindî gaanong mapuról, ginamit pamputol ng kahoy at hindî pambasag ng butó.
Natagpuán niyá ang isáng karayom na gawâ sa butó (bone needle), pangtahî ng talahib o dahon ng nipa, tulad ng inilalagáy sa bubóng (roof shingles) ng bahay kubo o kubakob. Pinuná ni Peterson na abot-kaya nitóng mga kagamitáng bató ang urî ng kasalukuyang pamumuhay ng mga Agta na naglipanŕ pa sa libís ng Cagayán ngayón. |
||
Makabagong Kagamitáng Bató HUMUHUKAY ng palaisdaan (fishpond) si Nicanor Aves sa kanyáng bukid sa Arubo ng baranggay Rio Chico, sa timog ng General Tinio sa Nueva Ecija nuóng 1995 nang natuklás ng anák niya, si Jon, ang 2 kakaibáng kagamitáng bato, 2 palakól na pangkamáy (stone hand axes), hindi kinakabít sa kahoy. Lumuwás silá sa Manila at ipina-alam itó sa National Museum of the Filipino People na unang nagsiyasat nuóng 1996 bago bumuô ng mas masigasig na pagsurě. Nagsiyasat ang mga nag-aghám sa Unang Panahon (archaeologists) ng University of the Philippines, National Museum at mulâ sa Germany, ang University of Tübingen mulâ nuóng Mayo 2001, tinustusán ng Fritz-Thyssen Foundation mulâ sa Düsseldorf, Germany. Nag-abalá silá nang maigi dahil, una, kailangan nang palawakin hanggáng Nueva Ecija ang sukat |
sa Arubo, Nueva Ecija ng nilaboy ng mga Unang Tao sa Cagayán lagpás sa timog ng Nueva Vizcaya na dating inakalang hangganan. Pang-2 at mas mahalagá, ang 2 batóng palakól na pangkamáy (stone hand axes, hindî kinakabít sa kahoy) ang kauna-unahang natuklás sa Pilipinas na acheulean, tipo ng kagamitáng bató na nauso bandáng kalahating milyón taón sa nakaraán sa Europe, Middle East hanggáng timog China. Lahát ng mga kagamitáng bató na natuklás dati sa Pilipinas ay tipo ng nauna at mas lumang oldowan. Maaaring tawagin itóng ‘madaliang kagamitáng bató’ (short-term stone tool), pinulot sa malapit, tinapyás ng ibá pang bató nang kahit paano upang magka-talím, at iniwan pagkatapos gamitin. Karaniwang isáng panig lamang ang tinapyás at kapág pumuról, hindî inaksayá ang panahóng hasain ulî, kundí pumulot at tumapyás na lamang ng ibá pang bató. |
![]() Waláng katibayang ginamit itó bilang palakól, tinawag lamang nitó dahil kahugis ng palakól pangkamáy ng tipong oldowan. Hindî pa alám ang tandâ ng 2 palakól Arubo subalit dahil sa mga natiyák na acheulean sa ibáng panig ng daigdíg, inaasahan ngayóng kasing tandâ ang mga itó ng Taong Java (Java Man) at Taong Beijing (Peking Man). |
MAHIGÍT 100 puók sa Libís ng Cagayán ang natagpuáng may mga kagamitáng bató ng mga nag-aghám sa Unang Tao (archaeologists) ng National Museum of the Filipino People. Mulâ sa Liwan, sa Tabuk, lalawigan ng Kalinga, hanggáng sa Peńablanca sa lalawigan ng Cagayán, 35 kilometro ang layň, malamáng marami pang ibáng puók na tinuklás nang lihim ng mga tagaruón upang maipagbilí ang mga nahukay. Ilán man ang lubusang bilang, ang mga puók na itó ay pinamahayan ng mga Unang
taga-Cagayán nang libu-libong taón, nuón pang natapos ang hulíng
Ang matagál at malawak na paghuli sa mga hayop, sabáy sa pag-ani ng mga ligáw na pagkaing halaman - nang hindî nagtataním - ay maaaring nakatulong sa
paglahň ng mga tanging hayop na dating masagana sa libís. Maaaring pagbago ng kalikasan (climate change) ang pumuksâ sa mga hayop, subalit puná ng iláng nag-aghám (scientists) na baká nadaig ng dami ng tao ang dami ng hayop kayá naglahň sa Cagayan.
Patibay nitó ang paglahň ng elepante at stegodon sa Borneo na, sa ulat ng mga Espańol nuóng katapusán ng ika-16 sandaang taón (16th century), ay masugid na hinuli ng mga tagaruón. Isá pang katibayan ang mga rhinoceros ng Java na unti-untě na ring naglalahň (endangered species) dahil sa dami ng tao duón ngayón.
|
||
Nakaraáng kabanatŕ Balík sa itaás Listá ng mga kabanatŕ Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Sunód na kabanatŕ |