Ladrones, Marso 6, 1521.

ISANG pulo ay mas malaki at mas mataas kaysa sa dalawa, at nais puntahan ng capitan-general upang makakuha ng pagkain at tubig subalit hindi nangyari sapagkat ang mga tao duon ay sumakay sa mga barko, dinumog at ninakawan kami bago kami nakapagtanggol sa sarili. Nang abala kami sa pagbaba ng mga layag dahil titigil na ang mga barko, mabilis nilang ninakaw ang maliit na bangka (skiff, rowboat, bangkang may 2 sagwan) na nakatali sa may likuran (poop) ng barko ng capitan.

Galit na galit siya at, kasama ng 40 sundalo, lumusob sa pampang at sinunog ang 40 - 50 bahay at mga bangka duon. Chamorros Pinatay nila ang 7 lalaki sa pulo at nabawi nila ang ninakaw na bangka.

Hindi nagtagal, umalis kami patungo uli sa ganoong landas. Bago kami dumaong, ang ilan sa mga kasama naming maysakit ay nagmakaawa na kapag nakapatay kami ng babae o lalaki, na ibigay namin sa

Pigafetta Ferdinand Magellan FERDINAND MAGELLAN

Ang Unang Español
Na Dumayo Sa Pilipinas

Primo viaggio intorno al mondo

ni Antonio Pigafetta

kanila ang bituka, at sila ay gagaling agad-agad. Tuwing tamaan namin sa katawan ng palaso (arrow) ang mga tao, inuga at binunot nila, tinignan nang parang nagtataka at, kaawa-awa naman, saka sila namatay.

Pagkaalis namin sa pulo, nakita ng mga tao na paalis na kami at sumunod sila sa amin nang isang legua (lagpas 6 kilometro), sakay sa mahigit 100 bangka. Ipinakita sa amin ang mga isda, sini-sinenyas na ibibigay daw nila sa amin subalit nang makalapit sila, hinagis kami ng mga bato at lumayo na. Sa pagtakas nila, dumaan sila sa pagitan ng mga barko at ang hila-hilang bangka nito, subalit napakagilas at magaling silang naglayag na kataka-taka, hindi sila nabangga. Nakita naming umiiyak at humihiyaw ang ilang mga babae, sinasabunot ang sariling buhok, at paniwala ko na kamag-anak sila ng mga pinatay namin.

( Ang unang pulo na dinaungan ay tinawag sa pangalan ng mga tao na nakatira duon, Inuagana, tinawag ngayong Inarajan, sa Guajan na tinatawag ngayong Guam, ngunit wala silang nakitang tao, sa tinawag ngayong Umatac Bay. Tumigil sila nang 3 araw sa isa pang pulo, sa Acacan, tinatawag ngayong Sosan-jaya sa Rota Island, at nag-carga ng tubig, frutas at mga gulay kapalit sa pira-pirasong bakal, bago dinumog ang mga barko at nagkagulo, natigil lamang nang nagpaputok ng cañon ang barkong Trinidad at nagtakbuhan sa gubat ang mga tagapulo. Ang mga tagaruon ang nagturo kina Magellan kung anong direccion dapat maglayag upang marating ang bayan na mayroong maraming pagkain, ang Selani na tinatawag ngayong Leyte.)

Chamorros.

MALAYANG nabubuhay ang mga tagaroon, ginagawa kung ano ang maisipan, wala silang panginoon o nakatataas sa kanila. Hubad-hubad sila, ang iba ay may barbas (beard). Mahaba ang buhok nila, hanggang baywang, at nagsusuot ng maliliit na sombrero na gawa sa dahon ng palmito (palm tree, puno ng niyog). Malusog ang mga tao, kasing tangkad namin at wala silang sinasamba. Maputi sila kapag bagong panganak tapos unti-unting nagiging kayumanggi, at ang mga ipin nila ay kinulayang pula at itim, na paniwala nilang maganda.

Pati ang mga babae ay hubad-hubad bagama’t tinatakpan nila ang kanilang pagkababae ng talukap (bark) ng punong ng niyog, na kasing nipis at kasing lambot ng papel. Mas maputi sila kaysa sa mga lalaki, mahinhin at magaganda, at gulo-gulo ang mga buhok nila, itim at nakalaylay hanggang paa. Hindi sila naghanap-buhay sa bukid, lagi na lamang sa bahay, naghahawi ng tela at mga sisidlan mula sa mga dahon ng puno ng niyog, at iba pang mga kailangang gamit sa bahay. Ang pagkain nila ay battate (sweet potatoes, camote) at isang uri ng bungang-kahoy na tinawag nilang cochi (coconuts, buko, niyog). Mayroon din silang mga ibon (manok), saging (higo, fig) na isang dangkal ang haba, matamis na tubo (caña, sugarcane) at mga isdang Chamorros

lumilipad (flying fish).

Ang mga babae ay nagpapahid sa buhok at sa katawan ng (pabango na) langis ng niyog at ng beneseed (benzoin). Ang mga bahay nila ay kahoy, karaniwang isang salon (silid) lamang, 6 fathoms (10 dipa o metro ) ang luwang, ang mga dingding ay mga tabla o mga patpat na may mga malalaking dahon ng saging (higuera, fig), at may mga ventana (windows) at maliwanag sa loob. Ang mga sahig at kama nila ay natatakpan ng magandang banig na hawi sa dahon ng niyog, at higaan nila ay mga colchon (kutson, mattresses) na kusot ng bunot ng niyog (palmera, palm straw), na malambot at pinong-pino.

Wala silang mga sandata (armas) maliban sa mga sibat na may tusok na tinik ng isda. Mga pobre sila subalit mautak, at magaling magnakaw. Dahil dito, tinawag namin ang 3 pulo na Yslas de los Ladrones (Islands of Thieves, mga pulo ng mga kawatan. Ang unang pangalan na ibinigay ni Magellan ay Yslas de las Velas Latinas, dahil hugis tatsulok (triangulo, lateen) ang mga layag (velas, sails) sa mga bangka).

Ang pang-aliw ng mga babae at lalaki duon ay mamangka at manghuli ng mga lumilipad na isda (flying fish), gamit ay mga bingwit (hooks) na tinik ng isda (fishbones). Ang mga bangka nila ay may pintura, itim at puti, pula ang iba, at makitid, may mga katig sa tabi (outriggers) na nakasayad sa dagat upang hindi tumaob ang bangka, at walang puno o dulo (bow or stern) at parang mga delfin (dolphins) na mabilis at patalon-talon sa mga alon ng dagat.

Ang layag ng mga bangka ay hawi sa dahon ng niyog (banig) na tinahi kabit-kabit na parang lateen (hugis tatsulok, triangulo) at nakasabit sa tukod (mast) sa gitna ng bangka, at sa kabilang gilid ng layag, nakaturo sa itaas ang spar (kahoy na kabitan ng layag ngunit hindi nakabaon sa bangka, nakatali lamang ang isang dulo sa tukod ng layag at maaaring iharap kahit saan man ang ihip ng hangin). May sagwan sila na hugis pala (shovel) na ginagamit din nilang gabay ng bangka (tiller or steering oars).

Sa senyas-senyas, ipinahiwatig nilang sila lamang ang mga tao sa mondo.

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata