Pigafetta Ferdinand Magellan FERDINAND MAGELLAN

Ang Unang Espaņol Sa Pilipinas
Primo viaggio intorno al mondo

ni Antonio Pigafetta

Labanan sa Mactan susunod sila sa hari ng Espaņa, at magbibigay sila ng buwis. Kapag umayaw sila, daranas sila ng tulis ng aming mga sibat (lances).

Sumagot ang mga taga-Mattan na sila man ay may mga sibat na kahoy na pinatigas sa apoy at mga pinatulis na kawayan, at lumusob kami kung lulusob. Maghintay daw kami at hindi pa dumarating ang ibang mga kasama nila. Pasigaw sila sumagot dahil sa mga malalim na patibong na hinukay nila sa harap ng mga bahay upang mahulog kami.

Mattan, Mattan!

SINUGO ni Zzula ang isang anak niyang lalaki nuong Viernes, Abril 26, 1521. Isang pinuno siya sa pulo ng Mattan (Mactan), at dala ng anak niya ang handog na 2 kambing para sa capitan-general.

Ipinasabi niyang tutuparin niya lahat ng pangako niya, subalit hindi niya naipadalang lahat dahil kay Cilapulapu (si Lapu-Lapu), na pinuno rin sa Mattan at ayaw sumunod sa hari ng Espaņa. Nagmaka-awa si Zzula na tulungan siyang labanan si Cilapulapu ng isa sa mga barko namin.

Nagpasiya ang capitan-general na lusubin ang Mattan kasama ang lahat ng 3 barko. Masugid namin pinigilan (si Magellan na magpaiwan siya sa Cebu) subalit, dahil siya ay tapat na pastol, hindi niya natiis iwanan ang kanyang mga tauhan.

( Sa ibang ulat, 10 - 12 araw matapos nilang sunugin ang nayon ng Bullaia o Balayan sa Mactan, inutos ni Magellan na magbigay sila ng 3 kambing, 3 baboy, 3 carga ng bigas at 3 pang carga ng dawa (millet) at isakay sa mga barko.

Sumagot sina Lapu-Lapu na tig-2 lamang ng mga hiningi ang ibibigay nila, at kung ayos dito sina Magellan, ipapadala agad. Kung hindi, gawin na nila Magellan kung ano ang ibig nila subalit walang ibibigay. Kaya daw lumusob ang mga Espaņol.)

Hatinggabi nang lumunsad kami, may 60 tauhang nakasuot ng bakal sa katawan at ulo (corselets and helmets), kasama ang hari (ng Cebu, the Christian king).

Dumating kami sa Mattan 3 oras bago magbukang-liwayway (dawn). Ayaw ng capitan na lumusob sa ganitong oras, kaya pinapunta niya ang Moro upang sabihin sa pinuno at mga tao sa pulo na magiging magkaibigan kaming lahat kung kikilalanin nilang panginuon ang hari (ng Cebu) at

Naghintay kami ng pagsikat ng araw. Hindi nakalapit ang mga barko dahil mabato (corrales) sa dalampasigan, nagbangka na lamang kami at lumusong. Ang 11 kasama namin ay naiwan upang bantayan ang mga bangka, kaya 49 na lamang kaming lumapit hanggang sa 2 abot ng pana mula sa mahigit 1,050 mandirigma na nasa 3 pangkat, isa sa harap at 2 sa magkabilang gilid namin. Nagsigawan at naghiyawan sila mula nang nakita kami.

Hinati kami sa 2 pangkat ng capitan at sinimulan namin ang laban. Nagpaputok ng mga hackbut (lumang arquebus, baril na de-sabog ng mga Espaņol) at nagpalipad ng mga pana (crossbows) ngunit walang bisa. Bumaon lamang sa mga kalasag (shields) na mga patpat na kahoy sa mga bisig ng mga mandirigma.

Itigil ang paputok, itigil na!

Sumigaw ang capitan pagkaraan ng kalahating oras nang nakita niyang walang tinatamaan ang mga baril at pana. Lalo namang nagsigawan ang mga mandirigma, patalon-talon at tuwing nagpaputok kami ng hackbut, nagkanlong sa Lusob ng  Espaņol mga kalasag (shields) nila.

Bilang ganti, pumana rin sila ng maraming palaso at naghagis ng mga sibat na kawayan na may talim na bakal, at mga sibat na kahoy na pinatigas sa apoy, at mga bato. Halos hindi kami nakapagtanggol sa dami ng mga hinahagis nila.

Pinapuslit ng capitan ang ilang tauhan upang sunugin ang mga bahay nang masindak ang mga mandirigma subalit lalo silang naging mapusok at galit nang nakitang nagliliyab ang kanilang baranggay, at pinatay nila ang 2 sa mga tauhan na sumusunog sa mga bahay. Mahigit 30 bahay na ang nasusunog nang lumusob ang mga mandirigma.

Inutos ng capitan na umurong kami unti-unti subalit nagtakbuhan lahat, at 6 o 8 na lamang kaming naiwang kasama ng capitan. Ang hita at binti namin ang inasinta sa pana at sibat ng mga mandirigma dahil duon lamang wala kaming suot na bakal. At sa dami ng mga palaso (arrows) at sibat, hindi kami nakapagtanggol.

Tinamaan ng palaso ang capitan sa binti.

Napakalayo ng mga barko at walang naitulong sa amin sapagkat hindi abot ng mga caņon, kaya napilitan kaming magpatuloy ng paglaban hanggang nakaurong na kami ng kalahati ng layo at abot tuhod na ang tubig ng dagat.

Patuloy ang pagsugod ng mga mandirigma, sinalakay kami ng palaso at sibat.

Nang makilala nila ang capitan, doble-doble ang lumusob sa kanya, pinana siya nang malapitan. Subalit magiting ang capitan at, kasama ang ilan sa amin, matatag na lumaban nang mahigit isang oras. Hindi na siya nakaurong pa.

Hinagis ng isang indio ang kanyang sibat sa mukha, at agad siyang pinatay ng capitan, tinusok at iniwan ang sibat sa katawan. Binunot ng capitan ang kanyang espada ngunit kalahati lamang ang nahugot niya dahil sa sugat, may sibat na kawayan na nakatagos sa kanyang bisig.

Nakita nilang wala na siyang sandata kaya dinumog siya ng mga mandirigma at sinibat ng isa ang capitan sa kaliwang binti. Tumumba siya sa tubig. Pinagtataga siya ng

mga kampilan at pinagtutusok ng mga sibat, at ganoon nila pinatay ang capitan, -
ang aming salamin, ang aming liwanag, ang aming tagakupkop at ang aming tunay na gabay.

Habang tinataga siya ng mga mandirigma, ilang ulit lumingon ang capitan upang matiyak na lahat kami ay nakasakay na sa mga barko. Nakita naming patay na siya at sinagip na lamang namin ang mga sugatan at hinila sa mga bangka na papaalis na.

Sasaklolo sana ang hari (ng Cebu) subalit bago pa kami lumusong nuong umaga, inutos na sa kanya ng capitan na huwag bumaba ng barko at panuorin na lamang kung paano kami makipagdigmaan. At ngayong patay na ang capitan, inutos ng hari na umurong na kaming lahat. Pighati naming iniwan ang

Bagsak si Magellan bangkay ng capitan at ng mga kasama naming napatay.

Naganap ang labanan nuong isang Sabado, Abril 27, 1521. At ito ang nais ng capitan - ang maganap ito nang Sabado - sapagkat ito ang araw ng kanyang panata (devotion). Kasama niyang napatay ang 8 kasama namin, at 4 indio na nabinyagan naming catholico. Sa mga kalaban naming mandirigma, 15 ang napatay ng mga caņon ng barko na nakatulong din sa bandang huli nang nakaurong na kami nang malapit. Marami sa aming mga kasama ang sugatan.

( Isa sa mga sugatan si Pigafetta.)

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata