PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO:   Chronicles of the Early Filipinos

Census at Analysis ng Pilipinas nuong 1582
‘Relacion de las Yslas Filipinas’   ni Miguel de Loarca

Bicol region

Pasacao at Vicor.

(Ang Pasacao ay isang maliit na ilog sa kanlurang gilid (western side) ng Camarines Sur. Ang binanggit na paglakad ay papuntang Nueva Caceres, ang itinatag ng mga Espaņol na punong kabayanan (provincial capital) ng lalawigan, sa tabi ng ilog Naga na dumadaloy pahilaga (northward) palabas sa luok na tinatawag ngayong San Miguel Bay. Lagpas sa Nueva Caceres, ang ilog ay tinawag nang ilog Bicol. Patimog (southward)pabalik sa pinagmulan ng tubig, 40 kilometro ang layo ng lawa ng Bato (Lake Bato), sa pagitan ng Nabua at Libon. Mula duon, ilog Inaya o Iraya na ang tawag sa tubig na nagmumula, 50 kilometro uli, sa silangang hilaga (northeast), at 7 kilometro na lamang mula sa gilid ng Pacific Ocean.   --Blair & Robertson)

Camarines, Bicol, Catanduanes, Tayabas

PALAYO mula Manila sa baybayin ng Luzon, malapit sa ilog Pasacao, nagsisimula ang mga lalawigan ng Vicor (Bicol ang tawag ngayon) at Camarines. May bahay-bahay na nakikita bago makarating duon (mula sa ilog Tagkawayan) subalit hindi sila gaanong mahalaga.

Ang mga tao sa lalawigan ng Camarines sa silangan nitong pulo (ng Luzon) ay kahawig ng Pintados (mga Visaya). Kahit na ang mga nasa kabilang panig ng pulo, papuntang Japan, ay kamukha ng Pintados kahit na hindi sila nagta-tattoo (pintan) sa katawan at kaiba rin ang pagbutas nila sa tenga (para sabitan ng hikaw). Dito sa 2 lalawigan (Manila at Camarines), bihira ang may tattoo samantalang nagta-tattoo nang maganda sa buong katawan ang Pintados.

Ang ilog Pasacao ay 70 leguas (leagues, bandang 335 kilometro) ang layo mula sa Manila, pabaybay sa dagat. Paglakad ng 15 kilometro papasok mula duon, matatagpuan ang ilog Vicor na nagmumula sa kabilang baybayin (coast) ng Luzon at umaagos pahilaga (north). Nanduon ang kabayanan ng Caceres, sa gitna ng lalawigan sa tabi ng ilog Vicor. May 7,000 indios na nakatira duon.

Mula sa Pasacao, kailangang baybayin ang gilid ng Luzon papuntang silangan (oriente, east) upang makarating sa Bucaygan pagkaraan ng 96 kilometro. Mula duon, halos 300 kilometro papuntang kanlurang hilaga (northwest) ang ilog Vicor dahil paikot-ikot ang landas ng ilog. Mas mabilis ang lakbay kung lakad sa lupa, 14 kilometro lamang, sa pagitan ng

Sa tabi ng ilog ang mga baranggay ng Minalagua at Nagua (Naga City ang tawag ngayon) na mayroong 2,000 indios. Patuloy ang ilog hanggang sa lawa (lago, lake) ng Libon (lawa ng Bato ang tawag ngayon) kung saan nakatira ang 1,500 indios. Ang lawa ay naliligid ng mga bundok kaya kailangan ang ilog upang madaling makapunta sa Yguas, Albay, Camarines, Bicagua at iba pang mga puok.

Ang mga taga-ilog Vicor ay maraming palay at ginto. Sa lalawigang ito matatagpuan ang Paracale na maraming minahan ng ginto, 77 kilometro

mula sa luok (capo, bay) ng Raguay (Jose Panganiban ang tawag ngayon). May 1,500 indios duon, samantalang sa Paracale hanggang sa Mahuban sa gilid ng dagat ay may 2,000 tao. May 800 indios ang nasa Albay at Baquian.

Sa Camarines, mayroon lamang 500 tao, bandang 1,500 naman ang nsa Libon. May 1,500 tao ang nasa paligid ng luok ng Yvalon (Yvalon ang dating tawag sa bicol at ang luok ay baka ang tinatawag ngayong Albay Gulf sa tabi ng Legazpi City).

Catanduanes

Ang pulo ng Catanduanes ay mayruong 4,000 tao. Mayaman at maaliwalas duon, at maraming mga minahan ng ginto (goldmines) na kasing yaman ng mga minahan sa Paracale. Maraming palay at mga puno ng niyog duon, kung saan nila kinukuha ang kanilang mga alak.

Hawig sa mga Pintados (mga Visaya) ang mga tao duon, at mapagkaibigan din sila. Walang ginawa ang mga tao duon kundi mag-inuman, habang ang

mga babae ang nagtatanim at gumagawa sa bukid.

Katulad din (ng mga Visaya) ang kanilang pagsamba at paniniwala. Pinagpipitagan din nila ang mga pangit na estatua (aņito) inukit sa kahoy, na pinakakausap nila sa demonio. Marami silang mga mangkukulam (hechiceros, wizards).

Hindi ako nakatigil nang matagal kaya hindi ko alam ang pag-aalay at uri ng pagsamba sa pulo. Wala ring pumayag mag-cuento sa akin tungkol dito.

Tayabas

Mahigit 575 kilometro ang pagitan mula sa Vicor hanggang kapuluan ng Babuyan (Babuyan Islands). Bundukin at ligaw ang baybayin sa pagitang ito, nakahanay mula silangang timog (southeast) hanggang kanlurang hilaga (northwest), at 3 lamang ang puok na may mga tao:

  1. Valete (Baler ang tawag ngayon, sa lalawigan ng Aurora) kung saan nakatira ang 800 indios lamang
  2. Casiguran, mayroong 500 indios, at halos 50 kilometro mula sa Valete. Kahawig ang panahon dito sa Ylocos, sa kabilang gilid ng
    Luzon, bagaman at walang ugnayan ang 2 puok dahil sa tayog ng mga bundok at kapal ng mga gubat.
  1. Ilog ng Alanao (Palanan ang tawag ngayon). Maraming tao dito, na kamukha ng mga taga-Valete at mga taga-Casiguran.
Maliban sa 3 puok na ito, walang mga tao sa baybayin hanggang makarating sa lungos (cabo, cape) ng Babuyanes (Point Enganyo ang tawag ngayon) sa dulong hilaga ng Luzon.

(Ito ang silangang gilid ng tatawagin pagtagal na Sierra Madre, kasalukuyang bahagi ng mga lalawigan ng Isabela at Cagayan. Tahanan iyon nuon ng mga Agta. May ilang libo pang nakatira duon hanggang ngayon.)

Nakaraang kabanata                     Balik sa itaas                     Balik sa Tahanan ng mga Kasaysayan                     Lista ng mga kabanata                     Sunod na kabanata