![]() Kumampi sila sa mga taga-Britain at kinalaban ang mga Español na nakatakas mula sa bakbakan sa Manila at nakisukob sa mga frayle at iba pang Español sa mga lalawigan. Punteria nila ang pinuno ng mga ito, si Simon de Anda, dating kasama sa Audiencia Real, na tumakas sa Pampanga upang patuloy na lumaban sa British. Nagbigay ng salapi sa British ang mga Sangley sa Parian at tiniyak nilang lagi ang pasok ng pagkain sa Manila. Nag-ipon pa sila ng halos 4,000 pesos at nakipag-sapakat sa mga Sangley sa Pampanga upang tapusin si Anda, nagtatago nuon sa Bacolor. Nagkasundo sila na magpuslit ng mahigit 1,000 Sangley mula sa Parian upang tumulong sa mahigit 800 Sangley sa Pampanga na nagsimulang nagtipon-tipon sa Guagua, sa pagitan ng Lubao at San Fernando. |
ANG KARANASAN NG PINAKA-MARAMING DAYUHAN
Nagkataong Himagsikan Nuong 1762 - 1764
Akala ng mga Español tutulungan sila ng mga binyagang Sangley laban sa Protestante dahil katulad nilang catholico. Isa pa, binigyan nila ng mga karapatan ang mga binyagan na hindi nakamit ng karaniwang Sangley. Subalit nasawi sila. Lubusang tumulong sa British ang mga Sangley, binyagan o hindi, habang panahong Dapat bitayin lahat ng Sangley... -- Simon de Anda, governador ng Pilipinas, 1770-1776 |
|
Balak sana nila na sumalakay sa visperas ng Pasko (Christmas eve), Deciembre 24, 1762,
habang nasa simbahan ang mga Español o naglalasing sa kani-kanilang bahay. Subalit natunugan ng mga Kapampangan ang pagdayo ng mga Sangley sa Guagua at isinumbong kay Anda nuong Deciembre 20 pa lamang.
Kasama ang kanyang mga sundalo, Español at Kapampangan, sumagsag si Anda at ginulat ang mga Sangley sa Guagua. Mahigit 200 Sangley pa lamang ang nakakapag-tipon nuon at, maliban sa isang putok ng baril na humaging sa damit ni Anda, wala silang nagawa kundi nagtakbuhan. Mahigit 180 ang nasukol. Nagpatiwakal ang iba kaysa magpahuli nang buhay. Ang ilan ay sumuko, naniwala sa pangako ni Anda na hindi sila sasaktan. Binitay silang lahat pagkasuko. Kinabukasan, inutos ni Anda na halughugin ang bahay ng lahat ng Sangley at kunin ang mga sandata. Pinaalis lahat ng Sangley sa Guagua, |
Lubao, Macabebe at Sesmoan. Maliban sa ilang Sangley na may mga familia at kampi sa mga Español, lahat ay pinakalat-kalat sa iba’t ibang bahagi ng Pampanga, kasama ang mga familia, upang hindi makapagsama-sama ang maraming Sangley sa isang puok.
Nuong sumunod na araw, Deciembre 22, nagpadala ng utos si Anda sa Apalit na habulin ang mga Sangley na nakatakas mula sa Guagua. Nagpadala rin siya ng utos sa Calumpit, at sa Hagonoy at Malolos sa Bulacan, na harangin ang lahat ng Sangley na papunta sa Manila. Inutos niya sa lahat ng frayle nuong araw ding iyon na huwag buksan ang mga simbahan hanggang hindi napapaligiran ng mga sundalo. Ipinagbawal din niya ang paglako ng tuba at ipinatapon lahat ng alak sa mga tindahan, upang hindi makapag-lasing ang mga Español at Kapampangan, na sasamantalahin daw ng mga Sangley. |
|
Balik-salakay Sa Pampanga MALIBAN sa mga Kapampangan, kaunti lamang ang kumampi sa Español kaya nakarating sa Manila ang mga takas mula sa Guagua. Nagsumbong sila sa Parian at hinimok ng mga Sangley sa British na patayin lahat ng Español sa Manila at sila ang papatay sa mga Español sa mga lalawigan, pati na sa mga frayle. Hindi pumayag ang British sapagkat, sa pamuno ni arsobispo Manuel Antonio Rojo, sumuko at sumusunod na sa kanila ang mga Español sa Manila. Isa pa, kaunti ang hukbo ng British, sapat lamang upang sakupin ang Manila at karatig. Nagbago ng isip, pumayag na rin ang mga British na salakayin si Anda nang dumating ang balita na nag-aklasan sa Batangas at Laguna laban sa mga Español at mga frayle. Sa San Pablo delos Montes (San Pablo city ang tawag ngayon), pinatay ng mga taga-Laguna si Francisco Fierro, frayleng Augustinian. Sa Tanauan naman, pinatay ng mga taga-Batangas si Andres Enriquez, Augustinian din, at iba pang frayle. |
Ang mga frayleng Jesuit lamang ang nakaligtas.
Kakaunti ang mga sundalong British na lumusob sa Pampanga, subalit kasama nila ang mahigit 1,000 Sangley mula sa Parian at tinulungan sila ng mga taga-Bulacan kaya natalo nila ang mga Español, katulong ang maraming Kapampangan, na nagtanggol sa simbahan ng kabayanan ng Bulacan. Kahit talo, hindi umurong ang mga Kapampangan at patuloy na nakibaka. Marami sa mga lumaban, at napatay, ay ang mga Sangley ng Parian na 3 ulit pang nagpadala ng tulong at gamit mula sa Manila. Matatag ang laban ng mga Español, pinamunuan ng mga frayle na humawak na rin ng mga sandata. Karamihan ng 1,000 Sangley ay napatay na, nang umurong ang mga British. Sinubukan nilang lumusob sa Pampanga mismo, sakay sa isang barko at maraming bangka, subalit tinalo sila ng mga Kapampangan. Nagsagupa uli ang mga British at Español sa Quiapo nang agawin ng hukbo ni Anda ang mga kalembang (campanas, church bells) sa |
simbahan upang gawing cañon. Matapos nito, wala nang labanan hanggang umalis ang mga British nuong Abril 1764 matapos mabalitaan na tapos na ang 7 taon ng digmaan (7 years’ war) sa Europe na siyang dahilan ng paglusob nila sa Pilipinas.
Pagbalik sa Manila, naghiganti si Anda sa mga Sangley. Marami sa Parian ang pinarusahan ng 200 hagupit ng latigo (whip). Inilista ang pangalan ng lahat ng Sangley sa mga lalawigan at pinagbawalang lumuwas sa Manila. Ang mga taga-Parian naman ay pinagbawalang lumabas nang walang pahintulot ng Audiencia. Natigil lamang ang pagparusa nang mag-alok ang mga Sangley ng abuloy sa Audiencia. Dahil hikahos sa Manila at walang salaping dumarating mula sa España - naubos sa digmaan laban sa British - at dahil ang mga Sangley ang nagluluwas ng pagkain sa Manila, tinanggap ni Anda ang abuloy at ipinatigil ang parusa sa mga Sangley. Subalit hindi sila pinatawad kahit kailan. Sa mga sumunod na taon, ipinatapon lahat ng Sangley mula sa Pilipinas. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |