![]() ![]() ![]() Mga Kasalukuyang Tao: ‘Matalino,’ WALÂ pang umaangkin na siyá ang ‘nakatuklás’ sa Taong kasalukuyan (modern man). Sa 130 taón na lumipas mulâ nuóng hinayág ang sapantaha ng Pagbabago (Theory of Evolution), maraming kaurián (species) ng mala-tao (pre-hominid), halos-tao (hominid) at tao-na (homo) ang minungkahi, naglahň o pina-iral. Ang kasalukuyan tao lamang ang waláng ‘may-arě.’ Kahit sinong nakatuklás ng anumán ay nagbinyág ng sariling kaurián. Patí ang tao-na ay hinatě-hatě hanggáng nagkaruón ngayón ng 2 Taong matalino (homo sapiens), ang mga nauna, at Taong matalinong matalino (homo sapiens sapiens), ang kasalukuyang tao. Katawá-tawá o kahabág-habág, parang sadyáng isinadlák ang Pagbabago upang may kahinatnán (destinacion, destiny) ang mga sumurě sa mga Unang Panahon (prehistory). Dapat lamang unawain na ang pagka-kaibá nitóng mga kaurián ng kasalukuyang tao ay maaaring waláng ugnáy sa Pagbabago, at maitutulad lamang sa pagkaibá sa tangkád, timbáng at anyô ng sinumang kabataan at ng kanyáng mga kamag-aral mulâ sa kabiláng baranggáy.
|
|
Mulâ sa unggóy... 5 TAÓN bago naghimagsík si Diego Silang sa Ilocos, hindî pa buháy si Charles Darwin nang imungkahě ni Carolus Linnaeus nuóng 1758 ang kaurián ng ‘matalinong tao’ (homo sapiens, wise man) mulâ sa Greek homus o tao, at sa Latin sapere o matalino. Taga-Sweden na nag-aghám sa sanghalamanán (botany), matimtiman si Linnaeus at hindî niyá inisip ang Pagbabago (Evolution). Malamáng nahindík siyá kung naisipan man ninumán nuón. Buóng buhay siyáng naniwalŕ sa Paraiso niná Eva at Adán. Ang tangkâ lamang niyá ay ihiwaláy ang tao mulâ sa unggóy (chimpanzee) ng Africa na ‘bagong tuklás’ nuón at bahagyâ pa lamang napag-aralan ng mga taga-Europe. Subalit malinaw nuón pa sa lahát, patí kay Linnaeus, na lubháng hawig sa tao ang unggóy kayâ tinangkâ niyáng itangě at inilagáy sa kaurián ng Tao ng yungíb (Homo troglodytes, cave-dwelling man). |
![]() Nuón pang panahón ni Linnaeus, natutuklás na sa ibá’t ibáng bahagě ng daigdíg ang nagbatóng butó-butó (fossils) ng mga hayop na naglahň (extinct). Nauso agád ang paggamit ng pag-uurě na minungkahě ni Linnaeus, hindî lamang sa mga naglahň kundî patí sa mga buháy pang hayop. Kayâ madalíng nabigyán ng pangalan at kaurián ang mga hayop, patí ang mga dinosaur. Subalit sang-ayon lahát nuón na kailán man, waláng naglahong kaurián ng tao na matutuklás sapagkát paniwalŕ nuón na ang ninunň ng tao ay tao rin. |
... hanggáng sa Neandertal NATUKLÁS nuóng Agosto 1856 ni Johann Karl Fuhlrott ang mga butó ng naglahň nang tao sa sapŕ (grotto) ng Feldhofer sa libís (valley) ng Neander sa Germany, ang tinatawag ngayóng Tao ng Libís Bagongtao (Neandertal Man, mulâ sa German neander o new man, at tal o valley). [May natuklás na bungô ng batŕ sa Engis, Belgium, nuón pang 1829, at mayruón din sa Gibraltar nuóng 1848, subalit hindî silá nakilalang Neandertal kundî pagkatapos masurě ang natuklás sa Neander.] Waláng 3 taón, nilathalŕ niná Charles Darwin at Alfred Rusell Wallace ang sapantaha ng Pagbabago (Theory of Evolution) at nagsimuláng magbuhól-buhól ang kaurián ng homo sapiens. Minungkahě ni William King nuóng 1863 ang hiwaláy na kaurián ng homo neandertalensis at mulâ nuón, masugid na kinalaban ng maraming taga-Europe, patí ng mga |
nag-aghám, ang sapantahang kasalukuyang tao ang mga Neandertal - uslî ang butó sa kilay gaya ng Australopithecines, matipunň, makapál ang mga butó na balót ng malalakíng litid at lamán. Hambíng sa kanilá, ayon sa mga dalubhasa, daíg na daíg ang pinaka-malakás na kasalukuyang tao.
Maraming Neandertal ang natuklás na sa Europe, sa Middle East: sa mga yungíb (cuevas) ng Kebara, Israel, at ng Shanidar sa bundók ng Zagros sa Iraq, at sa kanlurang (western) Asia: sa mga yungíb sa Teshik-Tash,
|
at sawimpalad na Cro-Magnon
|
|
Kailan, at gaano katagal KARAMIHAN ng mga nahukay na kalansáy, lalo na nitóng nakaraáng 30 taón, ay natuklás kasama ng mga gamit na bató o butó, o nakalibíng sa mga hanay (strata) ng lupŕ na kilala ng geologists. Ang mga itó ang ginamit muna upang matantô ang mga panahóng nabuhay ang mga kalansáy. Nitóng nakaraáng 20 taón, ginamit ang mga bagong pangsukat ng panahón gaya ng radio carbon-14 dating at potassium/argon method. Sang-ayon ang karamihan ng mga nag-aghám na ang kasalukuyang tao ay nagsimulâ nuón lamang 160,000 - 154,000 taón sa nakaraán, batay sa |
ang ‘Pagbabago’? pinaka-lumang kalansáy na natagpuán sa Olduvai, at sa homo sapiens idaltu ng Middle Awash sa Ethiopia, kapwŕ sa silangang Africa. May mga nagmungkahě na mas maaga pa, nuóng 250,000 o 200,000 taón sa nakaraán. Mayroon pang ibá, gaya ni Milford Wolpoff, ang nagsapantaha na nuón pang 2 million sa nakaraán unang nabuhay ang Sapiens, salungát sa akalŕ ngayón na ninunň niyá ang Erectus. Maniwaring sakláw lahát sa panahón ng kasalukuyang tao subalit masugid ang pagtanggí ng maraming nag-aghám na kasama sa mga ninunň ang Neandertal. Walâ raw kaugnayan sa mga tao ngayón. |
Ang mga walâ pang ‘kaurián’
SALIW sa pagsumbát sa Neandertal, pinagtatalunan pa rin ang homo ergaster at homo heidelbergensis na minungkahě ng mga nakatuklás kahit bahagyâ lamang silá naibá sa mga kilala nang kaurián. Panáy din ang gulóng dulot ng mga bagong tuklás, tulad ng mga kalansáy na nahukay sa disierto ng Chad, sa gitnaang (central) Africa, malayo sa silangang Africa na paniwalŕ ngayóng pinagmulán ng tao. Anó pa at hinayag ng mga nag-aghám mulâ France na bandáng 7 milyon taón ang mga taong bakulaw natuklás nilá - mahigít 2 milyóng taón mas matandâ kaysa pinaka-unang mala-taong bakulaw (Australopithecus).
Mistulang himagsikan namán sa mga aghám (sciences) ng Unang Tao ang dulot ng mga Tao ng Dmanisi (Dmanisi Man), natuklás nang hindî inaasahan nuóng 1991 sa Georgia, dating bahagě ng Russia. Kapanahón at halos kasing laki ng Homo erectus, silá ang kauna-unahang Erectus na natagpuán sa tabí ng Europe. Higít pa, natuos na nabuhay silá halos 1.8 milyón taón sa nakaraán - 100,000 taón pagkaratíng sa China ng Erectus. Hindî
|
![]() Lalong umugâ ang mga tatág nang akalŕ nuóng 2003 nang hukayin ng mga nag-aghám ng Indonesia at Australia ang mga Bulilit (enanos, dwarfs) sa yungíb ng Liang Bua (‘malamíg na yungíb’ sa wikang Manggarai) sa pulô ng Flores, sa pagitan ng Java at Australia. Kalahatě lamang ng Sapiens ang tangkád ng 95,000-taón gulang na Bulilit kayâ tinawag muna niláng ‘Hobbit,’ ang munting tao sa pelicula at aklát na ‘Lord of the Rings’ na sikát nuón. Tapos, minungkahě nilá nuóng 2004 ang bagong kaurián ng Homo floresiensis, magilas na sinalungát ng ibáng nag-aghám. Karaniwang Sapiens lamang na lumiít, sabi nilá, dahil kauntî ang pagkain sa pulô. Tukoy ang sapantaha ng pagmuntî ng tagapulô (island dwarfism), unang napansín sa Japan bandáng 50 taón sa nakaraán subalit nalaós sa
|
IGINIÍT ng mga nakatuklás na naglahong kaurián ang ‘Hobbit,’ hanggáng dinalá silá sa baranggáy ng mga Bulilit sa Flores mismo. Matangkád silá nang kauntî subalit kapaní-paniwalŕ na anak-anakán (descendants) silá - pati mga pangkát sa Indonesia, Pilipinas at ibá pang kapuluán sa silangang timog Asia - ng mga taong naglakbáy 95,000 taón sa nakaraán. Saliw sa pagtatalo, sa Flores at ibá pang panig ng daigdíg, ang 2 panukalŕ, magkasundô sa una ngunit magkasalungát sa hulí: ang ‘Mulâ sa Africa’ (Out of Africa Theory) at ‘Kanyá-Kanyáng Pagbabago’ (Multi-regionalism). Ang 2 sapantaha ay panalig na mga mala-taong bakulaw sa Africa ang ninunň ng lahát ng tao sa daigdíg ngayón, at umalís sa Africa ang mga halos-tao-na 500,000 taón sa nakaraán at kumalat sa ibá’t ibáng bahagě ng Europe at Asia. Sang-ayon ulî ang 2 sapantaha na 200,000 o 150,000 taón sa nakaraán, ang mga kasalukuyang tao namán ang umalís sa Africa at, tulad ng mga naunang halos-tao-na, kumalat din sa ibá’t ibáng bahagě ng Europe at Asia. Ang pinag-aawayan ay kung sino ang nagíng tao, saán at paano nangyari. |
‘Out of Africa’ versus ‘Multi-regionalism’
Sa unang sapantaha, ganáp nang kasalukuyang tao ang lumikas mulâ sa Africa nitóng nakaraáng 200,000 o 150,000 taón. Pinalitán nilá lahát ng naunang mala-tao at halos-tao-na na kumalat sa daigdíg. Pinatáy nilá, dinaíg sa paghamig ng pagkain, o naglahň nang kusŕ bago pa silá dumatíng. Sa panukalang itó, waláng ugnáy ang Erectus o Neandertal sa kanunuan (ancestry) ng tao ngayón. Sa pang-2 panukala, paulit-ulit umalís sa Africa nuóng magkakahiwalay na panahón ang sari-saring pangkát ng mga mala-tao at halos-tao-na at kumalat sa ibá’t ibáng bahagě ng daigdíg. Duón sa ibá’t ibáng lupain nuóng ibá’t ibáng panahón silá nagbago (evolved) at nagíng kasalukuyang tao. Naka-ugnáy at nakasama nilá ang sari-saring pangkát ng kasalukuyang tao mulâ Africa na nagsimuláng dumanak nuóng 200,000 o 150,000 taón sa nakaraán. Sa pang-2 sapantaha, ang Neandertal at Erectus ay kapwŕ ninunň ng kasalukuyang tao. Maaarě rin, paniwalŕ ng ibá, na Erectus ang ninunň ng Neandertal at itó ang naging kasalukuyang tao. Kapwŕ may katwiran at kapwŕ may katibayan ang 2 sapantaha. Pahiwatig ng mangyayari, nahayag pa nuóng 2005 na hindi 2 lamang kundi 3 ulit, at mas maaga, nag-alisán sa Africa: nuóng 1.9 milyon, 1.5 milyon at 700 libong taón sa nakaraán. Matagál magtatalo ang mga nag-aghám. |
Nakaraáng kabanata Ulitin mulâ sa itaas Lista ng mga kabanata Unang panahón sa P’NAS Mga Kasaysayan Ng P’NAS Sunod na kabanata |