Taung Totoy Afarensis     PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO:   Ang Mga Unang Tao

Mga Kalansáy Nina Eva At Adán
The Theory of Evolution

NUÓNG 1650, pagkaraán lamang ng 85 taón mulâ nuóng sakupin ni Miguel Lopez de Legazpi ang Pilipinas, hinayag ng isáng arsobispo sa Ireland na mahigít 6,000 taón lamang ang pagitan natin kina Eva at Adán, ang unang babae at lalaki sa Paraiso. Nuón nilimbág ng arsobispo, si James Ussher, ang kanyáng aklát, Annales veteris testamenti, a prima mundi origine deducti (Annals of the Old Testament, deduced from the first origins of the world o Talaarawán ng Lumang Testamento (ng Biblia), hinuna mulâ sa umpisá ng daigdíg). Duon hinayág ni Ussher na nilikhâ ng Dios ang sansinokob (universe) nuóng 4,004 taón bago ipinanganák si Jesus Christ (4004 BCE). Isá pang dalubhasa (expert) ang tumantiyá na sinimulán ng Dios ang paglikhâ sa sansinukob (universe) nuóng ika-9 ng umaga, Octobre 23, 4004 BCE. Nauna kay Ussher nang 10 taón si John Lightfoot, bantóg na dalubhasŕ sa simbahan ng England (Anglican Church) at pang-2 pinuno sa Cambridge University, subalit si Ussher ang natanyág sa malakíng pagkakamalî.

‘Bago-bago lamang ang mondo’

HANGGÁNG ngayón, marami ang naniniwalŕ na walâ pang 10,000 taón ang gulang ng daigdíg (young earth believers o mga panata sa batang daigdíg), at marami pa rin ang naniniwalŕ na ang mga tao, simulâ kina Eva at Adan, ay tangě at sadyang nilikhâ ng Maykapal (creationists o ang mga panata sa paglikhâ). Subalit daig karamihan ng mga dalubhasa at mga nag-agham (scientists) ay naniniwalŕ na ngayón na 5 bilyon taón ang gulang ng daigdíg, at ang sansinukob mismo ay mahigít doble ang tandâ kaysa sa daigdíg. Sa mahabang panahóng iyón, ayon sa kanilá, kung kailán lamang nagkaruon ng mga tao, walâ pang kalahating milyon taón. Higít na mahalagá: Ayon sa kaniláng pagsaliksik (research), ang mga tao ay

                        ANG  MGA  KABANATA:     I-click ang nais tunghayan
1.  Kalansáy nina Eva at Adán: Ang sapantaha ng Pagbabago (Theory of Evolution)
2.  Mga Bakulaw na Mala-tao: Ang mga Australopithecus sa Africa, at si ‘Lucy
3.  Mga Halos-tao-na: Homo habilis at Erectus, ang ‘Tao ng Java’ at ‘Tao ng Beijing
4.  Kasalukuyang Tao: Ang matalinong Sapiens at ang nililibák pang Neandertal
5.  Talaan ng Pagbabago: Ang Timeline ng Evolution nitóng nakaraáng 2˝ taón
6.  Ang mga Pinagkunan: Sources, bibliography ng mga hinalaw, at ang family tree

nagmulâ sa mabagal subalit sapilitáng pagbabago (evolution) ng mga hayop na anyóng bakulaw (ape-like hominids). Nag-ibá ang kaalaman sa pasimulâ ng sansinukob bunga ng pagsikap ng 4 lalaking kinikilala ngayón bilang pang-una (pioneers) sa pag-unlád ng dunong (human knowledge).
James Hutton NAG-ARAL nang sarili si James Hutton at nagíng dalubhasŕ sa lupŕ at bató (geologist) sa Scotland. Sinalungát niyá ang paniwalang iláng libong taón lamang ang daigdíg sa kanyáng aklát, ‘The Theory of the Earth’ (‘Sapantaha Tungkol sa Daigdíg’), nuóng 1788.

Hinayag niyáng milyon-milyóng taón ang kailangan sa pagbuô ng mga bató mulâ sa buhangin (sandstone), - mabagal na pagbubuô na namamasdán pa sa kasalukuyan. (Bihira ang

‘Milyon-milyon ang gulang ng lupa’

sandstone sa Pilipinas subalit marami ang adobe, batóng nabuô sa luób ng mahabang panahón mulâ sa natuyô at napitpít na putik.)

Pina-iral niyá ang panukalŕ na ang mga naganáp sa nakaraán ay nababakás sa mga nagaganáp sa kasalukuyan. Tinatawag ngayóng Uniformitarianism ang kanyáng pangaral, at kinikilala siyáng ‘amá’ ng geology, ang aghám (science) ng pinagmulán, balangkás at sapín-sapín ng bató at lupŕ.

‘Sa dami ng tao, mamamatáy sa gutom’

ANÁK-MAYAMAN si Thomas Robert Malthus at nagdalubhasa siyá sa mathematics sa Jesus College, sa Cambridge, England. Nuóng 1798, sinulat niyá ang ‘An Essay on the Principle of Population’ (‘Isáng Sanaysáy Tungkól sa Tuntunin ng Pagdami ng Tao’) ukol sa tuntunin sa pagdami ng tao. Sinalungát niyá ang paniwalŕ nuón na mabuti ang pagdami ng tao sapagkát dadami rin ang mga manggagawŕ. Hulŕ niyá na maraming mamamatáy sa gutom dahil mas mabilís ang pagdami ng tao kaysa sa pagdami ng pagkain.

Pinagtatalunan hanggáng ngayón ang Mathusian Theory, ang kanyáng sapantaha na ang pagdami ng tao ay geometric (1, 3, 9, 27, 81, 243...)

Malthus samantalang ang pagdami ng pagkain ay arithmetic (1, 2, 3, 4, 5, 6...). Napatunayan nang tutuó ang sinabi niyá tungkól sa pagdami ng tao, subalit naging halos kasing-bilís din ang pagdami ng pagkain dahil sa technology, ang pag-unlád ng mga makabagong paraán ng pagtataním, pag-iimbák at paglalakbáy.

Nagíng mahalagá ang panukalŕ ni Malthus sa mga nag-aghám, mga pinunň ng bayan at economists, ang mga dalubhasŕ sa paghanapang-buhay, dahil pinapaliwanag nitó kung bakit at paano may mga pangkat ng hayop na dumadami habang umuuntî o naglalahň ang ibáng pangkát. Sa ibáng sabi, kung bakit nagbago ang anyô at kilos ng mga nilikhâ upang hindî maglahň (extinct).

‘Ang pagbabago ay ayon sa kalikasan’

ANÁK-DALITA si Alfred Russel Wallace sa Britain kayâ nagsikap siyá at tinuruan ang sarili upang magíng nag-aghám sa kalikasan (naturalist). Sa pagsiyasat niyá sa South America at sa Indonesia, napansín niyá na magkakaibá ang mga kulisáp (insects) o gamu-gamó (moths) sa bawat pulô, kahit magka-kalapít ang mga pulô at kahit na sama-sama silá sa iisáng kaurián (species).

Habang maysakít ng malamáng malaria sa pulô ng Ternate, sa Maluku (Moluccas, spice islands) sa Indonesia nuóng Febrero 1858, naalaala niyá

Wallace ang hayag ni Malthus na hirap sa pagkain ang pumipilit sa mga nilaláng na magbago hindî lamang ng gawî kundî patî ng anyô. Kung hindî, sila ay naglalahň - namamatay sa gutom, nakakain ng ibon at ibáng hanip (insects) o hindî nagka-anák dahil hindî makatagpô ng asawa.

Nabuô ang kanyang sapantaha (theory) na ang magkakaibáng kalagayan sa bawat pulô ang sanhî ng pagiging magka-kaibá ng mga hayop, pagkaraán ng mahabang panahón ng pagka-kahiwaláy. Ito ang sapantaha ng Pagbabago (Theory of Evolution) na isinulat niyá kay Charles Darwin, bantóg na naturalist sa Britain, nuóng 1858.

‘Ang angkóp lamang ang nanatiling buháy’

MAYKAYA ang familia ni Charles Darwin at pilit siyáng pinag-aral ng medisina sa Edinburgh, Scotland. Subalit nuóng 16 taón gulang lamang, lumipat siyá sa Cambridge University sa England upang mag-aral magíng tagapangaral (pastor, preacher) dahil nuón, karamihan ng nag-aghám sa kalikasan (naturalists), ang tunay niyáng hilig, ay mga tagapangaral. Darwin

Bilang naturalist siyá nasama sa paglakbay paligid sa daigdíg ng barkong HMS Beagle nuóng 1831, nang 22 taón gulang lamang siyá. Habang abala ang mga kasama sa pagsukat ng lupa at tubig sa gagawíng mga mapa (chartography), nagsiyasat si Darwin sa South America at sa Galapagos, mga pulô sa gitna ng dagat Pacific.

Sinurě ni Darwin ang pagka-kaibá ng mga magka-katulad na halaman, hayop, ibon at kulisáp, at gaya ni Wallace sa Indonesia pagkaraán ng 20 taón, nabuô rin ang kanyáng sapantaha ng evolution: Nag-iibá silá upang magíng angkóp at mabuhay sa haráp ng mga pagbabago sa kalikasan.

Pagkabalík sa England, nagpatuloy sa pagsiyasat si Darwin at nabuô nuón pang 1844 ang kanyáng sapantaha na ang mga nagbabago lamang nang angkóp sa mga kalagayan sa pali-paligid ang nabubuhay nang sapát na panahón upang magka-anák. Ang hindî nakapagbago, o nagbago nang hindî angkóp, ay namamatáy habang batŕ pa, bago nagka-anák o bago napalakí

ang mga anák. Ito ang panukalŕ ng ‘survival of the fittest’ (‘ang mga angkóp lamang ang nananatiling buháy’). Subalit hindî niyá hinayag ang mga natutunan dahil sa pangambáng maka-salungát ang mga pangaral ng simbahan, at paniwalŕ ng kanyáng asawa, tungkol sa tanging paglikhâ sa sansinukob (universe), at kiná Eva at Adán.

Nuón lamang natanggáp niyá ang liham ni Wallace napilitan si Darwin, sa amuki ng mga kaibigan, na ibunyág nuóng 1859 ang magkahiwaláy subalit magkatulad na sapantaha niyá at ni Wallace. Nilathala niyá ang ‘On the Origin of Species’ (‘Ukol sa Pinagmulán ng mga Kaurian’) nuóng 1861, at sumabog ang pagtatalo na kinatakutan ni Darwin. Nanatili si Wallace sa Indonesia at naligtás sa kutyâ at paglibák ng mga ayaw maniwalŕ na Cartoon maaaring nagmulâ ang tao sa ‘hindî-tao’.

Pasintabi:   Ang kaurián ang pagta-tangě o pagiging magkaibá ng mga nilaláng, magíng tao, hayop, kulisáp o microbio (germs). Ang sinasabing mag-kaurě ay ang mga maaaring mag-anakán. Ang mga hindî mag-kaurě, tulad ng manok at bibi, ay hindî maaaring magka-anák. Ang magka-kalapít na kaurián ay pinagsama sa isáng pangkatan (genus), gaya ng ‘mala-taong bakulaw’, Australopithecus, at ng ‘halos-tao’ at ‘tao-na’, Homo.

Nuóng 1871, sinulat ni Darwin ang ‘The Descent of Man’ o ‘Ang Kanunuan Ng Tao’ at lalong nagliyáb ang pagtatalo ng mga creationist at mga evolutionists, paghahamok na tumagál hanggáng sa kasalukuyan.

Ulitin mulâ sa itaas             Mga Kasaysayan Ng Pilipinas             Panahón ng Bato at Bakal             Tabon: Unang Panahón sa Pilipinas             Sunód na kabanata