![]() Si Legazpi At Ang Simula Ng Pagsakop Sa Pilipinas After 4 Failed Voyages, Spain Starts the Conquest of the Philippines
Puerto dela Navidad, 21 Noviembre 1564 BAGO nagbukang-liwayway, pumalaot ang pangkat ni Miguel Lopez de Legazpi mula sa Nueva España (ang Mexico ngayon), matapos ng 5 taon ng masigasig na paghanda at paggasta ng ginto, katumbas ng mahigit 400,000 peso. Kabilang sa pangkat ang 2 galleon, pinaka-malaking barko nuon, at 2 patache (tender) maliit na barko, 20 tauhan lamang ang sakay, na gagamitin sa pag-siyasat sa mga ilog at dalampasigan ng mga pulo na hindi kayang lapitan at pasukin ng galleon dahil sa kitid o babaw ng tubig. |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kabilang sa pangkat ng 380 tauhan ang 150 magdaragat (marineros, sailors), 200 kawal (soldados, soldiers), 5 frayle (Augustine friars) at mga alila (servants). Nakasakay ang 2 frayle, sina Diego Herrera at Pedro de Gamboa, sa almirante. Si Andres Urdaneta at ang 2 pang frayle ay kasama ni Legazpi sa capitana. Nanduon din ang apo ni Legazpi, si Felipe de Salcedo, na 16 taong gulang pa lamang ngunit natanyag sa mga nagawa sa Pilipinas sa mga sumunod na panahon. Kasama rin ang isang alipin, si Pedro Pacheco, na nabihag sa kapuluan nuong paglakbay ni Ruy Lopez de Villalobos, at gagamiting tagapagsalita (interpreter) sa paglakbay ni Legazpi. |
Matapos ng 4 araw na paglayag at pagkaraan ng mahigit 100 leguas (halos 500 kilometro), binuksan ni Legazpi ang liham ng atas ng Audiencia, ayon sa mga utos ng hari ng España, si Felipe 2, at nabatid ng lahat na susundan nila ang landas ni Villalobos papuntang Pilipinas at hindi sila magtutungo sa Nueva Guinea (Papua-New Guinea ngayon) gaya ng mungkahi ni Urdaneta, sa laking lungkot nito, sapagkat ang pag-usisa duon ay makakatagal sa pagtuklas agad ng landas pabalik sa Mexico - panguna sa mga utos ni Felipe 2, ang hari ng España.
Nuong gabi ng Noviembre 29, 1564, naglaho ang barkong San Lucas. Lagi nang nasa unahan ng capitana naglalayag ang patache, sa utos ni Legazpi na maaaring naghinala na sa capitan, si Alonso de Arellano. Bagama’t hindi na muli natanaw ng ibang barko ang San Lucas, hindi nabahala si Legazpi dahil higit na matulin ito kaysa ibang barko at inasahang niyang mauuna ito sa Pilipinas at daratnan nila duong naghihintay, gaya ng atas niya sa lahat ng barko kung sakaling magkahiwa-hiwalay. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ladrones, 22 Enero 1565 ILANG araw lamang pagkaalis sa Mexico, nabulok na ang karamihan ng mga pagkaing dala sa mga barko, pati ang mga keso (queso, cheese), karne (carne, meat at mantika (manteca, shortening), kaya minadali nila ang paglayag patawid sa dagat Pacific. Hindi sila tumigil sa mga pulo na nadaanan, kabilang sa tinatawag ngayong Caroline Islands, maliban sa isa na siniyasat nang madalian nina Urdaneta, Martin de Goiti, Juan dela Isla, Felipe Salcedo at ilan tauhan, sakay sa isang bangka, nuong Enero 8, 1565. Tinawag nilang Barbudos ang pulo dahil hanggang pusod ang balbas ng mga lalaki duo. Napilitan silang umalis agad sapagkat hindi maka-ankla (anchor) ang mga barko. Labis-labis ang lalim ng dagat sa dalampasigan, hindi naabot ng ankla ang sahig ng dagat, at sinimulan silang tangayin ng agos ng dagat. |
(May hayag na ang pulong ito ay isa sa tinatawag na Marshall Islands ngayon.) Kahit nagmadali, 2 buwan pa rin ang nilayag nila mula Mexico bago narating nuong Enero 22, 1565, ang tinawag na mga pulo ng kawatan (Los Ladrones, islands of thieves) ni Ferdinand Magellan nuong 1521. (Naulat ang paglakbay ni Magellan sa “Ang Unang Español,” isa sa mga aklat ng kasaysayan sa website na ito.) “Chamorre! Chamorre!” (“Mga kaibigan! Mga kaibigan!”) Sinalubong sila ng maraming bangka ng mga naghihiyawang tagapulo, tinawag na mgachamorro mula nuon. Dumaong ang mga barko at nag-misa si Urdaneta sa Gua, isa sa 13 pulo na nabilang nila duon, naka-hanay (hilera, row) mula hilaga (norte, north) hanggang timog (sur, south), at nag-misa araw-araw ang mga frayle nuong 11 araw na tumigil sila sa pulo.
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ang mga tagaruon, ayon sa mga frayle, ay malulusog, mahilig sa kanin, at hubad-hubad ang mga lalaki. Hubad pati ang mga babae maliban sa bigkis ng dahon (hoyas, leaves) o banig (mata de palma, palm mat) sa singit (ingle, groin) upang takpan ang kanilang pagka-babae. Mahusay silang lumangoy sa dagat, sanay sumisid at manghuli ng isda - dinadakma lamang ng mga kamay, at kinakain nila nang hilaw (crudo, raw).
|
Madami ang nang-dayà, nagkalakal ng mga buslo na may bigas sa ibabaw ngunit bato o damo ang nasa ilalim. Kapag sinita, tumatawa lamang sila, hindi nahihiya, at nakikipag-away pa. Pati ang langis ng niyog na inilako, hinaluan pala ng tubig. Ipinagmalaki nila kapag naka-dayà sila. Kahit na sa isa’t isa, nag-aagawan sila ng pag-aari at tumatakbo. Hindi miminsan, dinudumog nila ang mga barko at kinailangang magpaputok ng mga baril ang mga Español upang mapa-alis sila. Binunot nila ng mga daliri (dedos, fingers) ang mga pako (clavos, nails) ng barko, pati ang saklay-sagwan (rudder blade) ng barkong San Juan, ninakaw. Nang umigib ng tubig ang mga Español sa isang luok, pinagbabato sila ng tirador at saklay (slingshots) hanggang nasugatan ang ilang tauhan, pati si Juan dela Isla, ang capitan ng San Juan. Lumusob sa dalampasigan ang pangkat ng Español at madaling sumuko ang mga taga-Guam, nangakong hindi na manggugulo. Ngunit pagka-alis ng mga Español, pinagbabato uli ang mga barko. Nang bihagin ang ilang lalaki ng mga Español, tumakas ang isa kahit na nakatali ng kadena (cadenas, chains) ang mga paa, lumangoy sa dagat. Nagpatiwakal ang isa, nagbigti sa sarili. Tapos, pinakawalan ng mga Español ang iba. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Inangkin ang pulo, patayan INANGKIN ni Legazpi ang kapuluan ng Ladrones sa ngalan ng hari ng España, nuong Enero 26, 1565, 4 araw pagkarating sa pulo ng Guam. Kaharap bilang saksi (testigos, witnesses) sina Urdaneta, Mateo del Sanz, Andres Cauchela, ang ungkat-yaman, Andres de Mirandaola, ang factor, at iba pang Español. Isang araw, lumapit ang isang taga-Guam at hinanap si Gonzalo, isang Español na nabihag nang lumubog ang barkong Santa Margarita duon nuong nakaraan, at naging alipin niya hanggang nasagip ito ng iba pang nagdaang barko. Kapalad naman na tauhan sa pangkat ni Legazpi si Gonzalo at nagyakap sila nang nagtagpo uli. Nang usisain ng mga frayle kung bakit tadtad ng kagat ang kanyang buong katawan, isinalaysay ng taga-Guam at isinalin ni Gonzalo sa Español, na katatapos pa lamang ng kasal niya. Ipinangako raw niya sa babae, upang pumayag pakasal, na hindi siya pipiyak kahit kagat-kagatin siya ng babae. Binigyan ni Gonzalo ng maraming patalim (cuchillos, knives), gunting (tijeras, scissors) at bakal (hierro, iron) ang taga-Guam bilang pasalamat sa pagtangkilik sa kanya. Tumalon sa dagat at lumangoy ang taga-Guam kahit na mabigat ang mga bakal na nakatali sa kanyang mga balikat. Pinatay ng mga taga-Ladrones ang isang Español. Isang araw bago umalis sa Ladrones ang pangkat ni Legazpi, nakatulog ang isang binatilyong Español sa mga puno ng niyog minsang umigib ng tubig ang mga Español. Hindi namalayan, naiwan siyang nag-iisa pagkatapos ng pag-igib. Nakahanay na ang mga tagapulo sa dalampasigan, tinatanaw ang mga Español na pabalik na sa barko, nang lumitaw ang binatilyo. Nang namataan siya ng mga tagapulo, pinagsi-sibat siya, pinagta-taga hanggang nagkahiwa-hiwalay ang katawan. Mabilis na bumalik ang mga Español sa dalampasigan ngunit nakatakas na sa luoban ang mga pumatay. Inutos ni Legazpi kay Mateo del Sanz na parusahan ang mga tagapulo at nuong hatinggabi, 150 sundalo ang dinala ni |
Sanz at ni Martin de Goiti, ang maestro ng mga kanyon (cañones, cannon), sa baranggay at sinunog ang mga bahay duon. Nakabihag sila ng 4 lalaki at binitay nila ang 3, duon mismo kung saan pinatay ang binatilyo. Ang isa pang bihag ay ikinulong sa barko, sa utos ni Legazpi, upang maipadala sa Nueva España bilang alipin. Kinabukasan, Febrero 3, 1565, naglayag paalis sina Legazpi matapos ng 11 araw na pahinga at pag-imbak ng tubig. Kaunti lamang ang nakuha nilang pagkain sapagkat, maliban sa isda sa dagat, salat din sa pagkain ang mga pulo ng Ladrones. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() “Matangkad at malusog sila. May balbas ang mga lalaki, abot hanggang tiyan ang haba.” Hinambing sila ni Arellano sa mga katutubo sa America, ang mga Caribe, “na alam kong kumakain ng tao,” dahil katulad ang gamit na sandata duon, ang mana - kahoy na hugis kampilan o espada na may matatalim na bato sa gilid, para pantaga. May mga sibat pa rin daw na matulis na buto ng isda ang tusok sa dulo. “Tinawag naming Nadadores (swimmers o mga mangla-langoy) ang pulo dahil mahusay silang lumangoy sa dagat,’ sabi ni Arellano. “Lagpas pa ng isang legua (mahigit 5 kilometro) ang layo namin, nilapitan na nila kami.” Mahusay din daw magbangka ang mga tao, at asintado sa pagpukol ng bato, gamit ang kanilang mga tirador at saklay (slings). (Paniwala ngayon na ang pulong tinawag nilang Nadadores ay bahagi rin, gaya ng Barbudos, ng tinatawag ngayong Marshall Islands na magkakalayo sa lawak ng dagat Pacific kaya hindi sila nagkita ng pangkat ni Legazpi.) |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Hindi nagtagal sina Arellano sa pulo at, pagkaraan ng ilang araw, nagpatuloy papuntang kanluran (west). Hindi nila nadaanan ang kapuluan ng mga kawatan (Islas delos Ladrones), tuluy-tuloy sila sa mga pulo ng Pilipinas.
Pinapahiran nila ng itim ang kanilang ipin at binubutasan upang magtusok duon ng pira-pirasong ginto. Ang damit ng mga lalaki at babae ay banig, hawi sa dahon ng niyog, at tinahian sa mga gilid ng makukulay na sutla (seda, silk). Ang mga lalaki ay nagsusuot ng salawal panloob (drawers) na hawi sa bulak (cotton) at may tali (cinturon, belt) ng sutla at pira-pirasong ginto. (Inaakala ngayon na sa Mindanao o sa mga kapuluan sa silangan nito gaya ng Siargao o Dinagat nakarating sina Arellano. Ang mga tao sa bahagi ng Mindanao nuong panahong iyon ay mga Mamanua at mga Mandaya, nahaluan ng mga dayong Sugbuanon (Cebuano) at mga Waray-Waray. Ang banig na sinabing damit nila ay sinamay at tinampipi, 2 telang kapwa hawi sa abaca at karaniwang suot ng mga tagaruon nuon.) |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
May isang lalaki na mukhang pinuno nila, nakadamit ng sutla sa buong katawan at may sukbit na kampilan (espada, cutlass) na ang hawakan at puluhan (hilt) ay tadtad ng ginto at hiyas (jewels). May ibang mga lalaki na may sukbit na mga patalim na asero (steel daggers) na mainam ang pagkakagawa. Nag-alok ang mga Español ng mga kutil-kutil (trinkets) pampalit sa pagkain at inumin, ngunit hiningi ng mga tagapulo at wala silang tinanggap kundi mga pakong bakal (hierro, iron nails), ipinagpalit sa pira-pirasong ginto. Magalang at marunong ang mga tao, gumamit ng mga timbangan (pesos, weights) at pangsukat (medidas, measures) sa pagkalakal sa mga Español. Marami silang ipinagbiling mga pagkain - bigas, dawa (millet), baboy at usa (deer), manok at pugo (codornizes, quails). Nag-aklas (mutiny) ang ilang Español ngunit sinupil ni Capitan Arellano. Ipinatapon niya sa dagat at nalunod ang 2 pinuno ng aklasan. |
Pagkaraan ng 1 buwan, wala pang dumating na ibang barko. Pumalaot uli ang San Lucas upang bumalik na sa Nueva España. Nagkataon namang nasalubong nila ang isang dyong (diunque, Chinese junk ang maling itinawag sa English), barkong pandagat ng mga taga-Java, isang malaking pulo sa Indonesia, na ginaya ng mga taga-China. Malaki ang dyong, tantiyang kayang magdala ng mahigit 100 toneladas (100 tons), at may sakay na 60 indios. Sumalakay ang mga Español. Pinaputukan at dinambong (pirated) nila ang dyong. Ang mga sakay na indio ay nagtalunan sa dagat at lumangoy papuntang pampang, na hindi naman kalayuan. Inutos ni Capitan Arellano na kalkalin ang mga dala-dalahan ng dyong - mga porselana (porcelain wares) mula China, mga tela, at maraming pirasong ginto - na hinakot nilang lahat pabalik sa Nueva España. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Halos 8 buwan, 230 araw, naglayag ang San Lucas, napilitan pang lumaot sa bandang silangan (oriente, east) ng Japan, sa ika-40 guhit pahilaga (40 degrees latitude north), bago nakarating sa Puerta dela Navidad nuong Agosto 9, 1565. Maraming hirap at sakit ang dinanas nila sa lamig at gutom pabalik dahil walang mga pulo sa landas na iyon na maaaring himpilan at kunan ng pagkain at inumin. Tinantiya na, paalis at pabalik, umabot ng 1,700 leguas (mahigit 8,000 kilometro) ang tinahak ng San Lucas. Sa Mexico, sumumpa si Arellano at ang kanyang piloto, si Lope Martin, sa kanilang pahayag na nag-iwan sila ng mga liham at mga palatandaan (tokens) sa iba’t ibang puok na narating nila ngunit walang naniwala sa |
kanila, at pinaghinalaan sila ng tangkang mangulimbat (piracy) at agawin ang karangalan ng pagtuklas ng landas pabalik sa Nueva España mula sa kapuluan, na minamahalaga ng hari, si Felipe 2.
Buwisit na buwisit si Legazpi nang nabalitaang nakabalik sa Mexico sina Arellano. Hinimok niya si Gabriel Diaz, isang pinuno sa Mexico na ihabla si Arellano at si Martin sa salang pagtakas sa tungkulin (desertion) ngunit maraming kaibigan si Arellano sa Madrid, España, kaya walang nangyari sa habla at hindi pinarusahan ang mga tauhan ng San Lucas. Hindi kinilala ang pagtuklas nila ng landas pabalik sa Nueva España. Iginawad kay Urdaneta ni Felipe 2 ang parangal pagkaraan ng 1 taon. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Balik sa nakaraan Ulitin mula sa itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |