Ang Daigdig Ayon sa mga Visaya MAY 2 uri (clases, types) ng tao dito. Magkasing lahi sila at nag-iiba lamang sa kanilang mga ugali. Palagi silang nagdi-digmaan. Ang isang uri ng tao ay ang mga tagabaybay, nakatira sa tabi ng mga ilog o pampang ng dagat. Ang pang-2 clase ay ang mga tagabundok (monteros, mountaineers). Sa kabila ng kanilang pag-aaway, tahimik din silang nag-uugnayan dahil kailangan nila ang bawat isa. Hindi mabubuhay ang mga tagabundok kung wala ang asin, isda, mga palayok at pinggan na binibili nila mula sa mga tagabaybay. Kailangan naman ng mga tagabaybay ang bigas, tela at bulak (cotton) na binibili nila mula sa mga tagabundok. Magkaiba at 2 rin ang kanilang paniwala tungkol sa simula ng daigdig. At |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles of the Early Filipinos Census at Analysis ng Pilipinas nuong 1582
|
dahil hindi marunong sumulat at bumasa ang mga tao dito, sa mga awit na lamang nila pinalalawak ang kanilang mga kasaysayan. Nakaka-aliw ang kanilang mga awit, karaniwang kina-canta nila habang nagsasagwan sa bangka, palipat-lipat sa mga pulo.
Pati na sa kanilang mga pagdiriwang, umaawit din ang mga maganda ang tinig (voces, voices) at ganuon nila nalalaman ang mga nangyari sa nakaraan, ang giting ng kanilang mga ninuno. Kaya hindi naglalaho ang alaala ng kanilang mga kasaysayan. |
|
Paniwala ng mga Iligan Ang mga tagabaybay ay tinatawag na mga Yligueynes (mga Iligan). Paniwala nila na ang langit at lupa ay palagi (eternal) at walang pinagmulan at walang katapusan. Sabi nila, 2 ang unang diyos, si Captan at si Maguayen. Paniwala rin nila na mag-asawa ang hangin sa lupa at hangin sa dagat, at ang hangin sa lupa ang nagdala ng isang kawayan |
(bamboo) na itinanim ni Captan.
Nang lumaki ang kawayan, nabiyak (‘napatid’) daw ito sa 2 piraso na naging isang lalaki at isang babae. Ang lalaki ay tinawag nilang Si Calac kaya, mula nuon, lahat ng lalaki ay tinawag na lalac. Ang pangalang ibinigay sa babae ay Si Cavai, ang pinagmulan ng ‘babaye’ na tawag ngayon sa mga babae. |
Kaya Dumami ang mga Tao Isang araw, niyaya ni Calac si Cavai na mag-asawa sila dahil walang ibang tao sa daigdig (mondo, world) subalit tumanggi si Cavai dahil magka-‘patid’ sila, nagmula sa iisang kawayan at napaghiwalay ng isang bukong (nudo, node) lamang. Mapilit si Calac at pagtagal, humingi sila ng payo mula sa mga tulingan (bonito, tuna) sa dagat at sa mga kalapati (palomas, doves) sa alapaap (cielo, sky). Sumangguni rin sila sa lindol (terremoto, earthquake). Ang |
sagot nila ay dapat silang mag-asawa upang magkaruon ng mga tao sa daigdig.
Nag-asawa nga ang magkapatid at ang unang anak nila ay lalaki, Si Bo. Ang anak nilang babae ay tinawag na Sa Mar. Nag-asawa rin ang magkapatid na Si Bo at Sa Mar at ang naging anak nila ay isang babae, si Lupluban. Naging asawa siya ng kanyang amain (tio, uncle), si Pandaguan, anak na lalaki ni Calac at ni Cavai. Ang anak nila ay isang lalaki, si Anor-anor. |
Ang Unang Mangingisda Si Pandaguan ang lumikha ng unang lambat (malla, fishnet) na panghuli ng isda sa dagat. Nuong una niyang gamitin ang lambat, nakahuli siya ng isang pating (tiburon, shark). Kinaladkad niya sa pampang at nang mamatay ang pating, nagulat si Pandaguan dahil hindi niya inaasahan ito. Naghinagpis si Pandaguan at umiyak sa mga diwata (dioses, gods) dahil pinabayaang mamatay ang pating gayong wala pang namamatay sa daigdig nuon. Sabi nila, narinig ni Captan, ang isa sa mga unang diwata, ang angal ni Pandaguan. Inutusan niya ang mga langaw na tiyakin kung sino ang |
namatay, subalit takot ang mga langaw at ayaw lapitan si Pandaguan.
Ang bukbok (gorgojo, weevil) ang sunod na inutusan ni Captan. Pagbalik ng bukbok, ibinalita niya na pating ang namatay. Nagalit si Captan kay Pandaguan dahil isda lamang pala ang namatay, ipinagluksa at umangal pa sa langit. Katulong si Maguayen, ang pang-2 unang diwata, gumawa sila ng kidlat (rayo, thunderbolt) at pinatay nila si Pandaguan. Sa ‘kabilang buhay’ (infierno, underworld) bumagsak si Pandaguan subalit pagkaraan lamang ng 30 araw, naawa sa kanya si Captan at si Maguayen. Binuhay siya uli at ibinalik sa daigdig. |
Ang Unang Querida Kaso, nuong nasa infierno siya, ‘kumabit’ ang asawa niya, si Lupluban, sa ibang lalaki, si Maracoyrun. Sabi nila, siya ang unang querida sa mondo at ito ang simula ng pag-apid (adulterio, concubinage) ng mga tao. Pagdating sa bahay ni Pandaguan, wala si Lupluban dahil kasama ni Maracoyrun, kinakain ang isang baboy na ninakaw niya. Sabi nila, ito ang kauna-unahang nakawan sa daigdig. Inutusan ni Pandaguan ang anak |
niyang lalaki na sunduin si Lupluban subalit ayaw nitong umuwi.
‘Hindi bumabalik ang patay!’ ang sagot ni Lupluban sa anak. Nang marinig ito ni Pandaguan, nagmaktol siya at bumalik uli sa ‘kabilang buhay.’ Kung sumunod sa sundo si Lupluban, at kung hindi bumalik sa ‘kabilang buhay’ si Pandaguan, nabuhay sana uli lahat ng tao na namatay. Ito ang mga paniwala ng mga tao dito. |
Ang mga Tinggian Tinguianes (mga Tinggian) ang tawag sa mga tagabundok dito, at kaiba ang paniwala nila tungkol sa pinagmulan ng daigdig at mga tao. Ayon sa kanila, nuong unang panahon, ang dagat at langit lamang ang nasa daigdig. Isang araw, dumating ang isang ibon na hawig sa lawin (bulador, kite). Walang nalapagan ang lawin na pagod sa paglipad kaya pinag-away niya ang dagat at langit. Pinataas ng dagat ang mga alon hanggang umabot sa langit. Sumuko ang langit at nakipag-payapa sa dagat. Pagkatapos, naghiganti ang langit at pinaulanan ng bato ang dagat. |
Umalon-alon ang dagat subalit dahil sa mga bato, hindi na nakataas hanggang langit ang mga alon.
Sabi ng mga Tinguines, ang mga bato ang naging mga pulo dito. Ito rin daw ang pinagmulan ng ganti (maveris, vengeance) laban sa paghamak, lawak at madalas gawin dito, na kailangan daw upang ipagtanggol ang kanilang dangal (honor). May saysay din sila tungkol sa kawayan na pinagmulan ng unang mga tao, subalit may 2 pagkakaiba. Una, tinuka daw ng lawin ang kawayan kaya nabiyak. Pang-2, nuon daw manganak si Cavai, marami siyang isinilang nang sabay-sabay. |
Pinagmulan ng iba’t ibang tao Isang araw, umuwi nang mainit ang ulo ng asawa, si Calac, at pinagalitan ang mga anak. Sa takot, nagtakbuhan ang mga bata kung saan-saan. Nagtago ang iba sa mga silid (cuartos, rooms) ng bahay. Ang iba ay tumakbo sa labas. Ang iba naman ay sumingit sa luob ng mga dindind (dingding, muros, house walls) na gawa sa nipa (caña, reeds). Nagtago |
ang iba pa sa kalan (fogon, stove) na mauling. Lumaot sa dagat ang iba.
Ngayon, sabi nila, ang mga nagtago sa mga silid (cuartos, rooms) ang naging mga pinuno sa baranggay. Ang tumakbo sa labas ang naging mga timaguas. Ang mga sumingit sa dingding ang pinagmulan ng mga alipin. Ang mga nagtago sa kalan ay naging mga maitim na tao. Hindi nabalitaan ang mga tumakas sa dagat hanggang bumalik sila bilang mga Español. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Balik sa Tahanan ng mga Kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |