Maingdanao.

NILUSOB at dinukot namin ang isang binidai, na hawig sa isang parao, at pinatay namin ang 7 sa 17 lalaking sakay ng bangka. Naglalayag kami nuon patungong silangang hilaga (northeast), papunta sana sa isang malaking kabayanan na tinawag na Maingdanao na nasa pulo ng Butuan at Calagan (Caraga).

Hinahanap pa rin namin ang landas papunta sa Maluku (Molucca, spice islands). Ang mga lalaking sakay ng bangka ay matatapang at handang makipaglaban gaya ng karamihan ng tao sa mga pook duon, at pulos maharlika ng Maingdanao. Sinabi sa amin ng isa na kapatid siya ng hari ng Maingdanao, at alam na alam

Pigafetta Ferdinand Magellan     FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
Primo viaggio intorno al mondo

ni Antonio Pigafetta

niya kung nasaan ang Maluku. Sang-ayon sa payo niya, bumaliktad kami mula sa landas pa-silangang hilaga (northeast) hanggang humarap kami sa silangang timog (southeast).

Sa isang gulod nitong pulo ng Butuan at Calagan, malapit sa isang ilog, may mga mabuhok na lalaki, magaling makipaglaban at pumana, at may mga kampilan (espada, swords) na isang bisig (braza, arm) ang haba.

Madalas wala silang kinain kundi ang hilaw na puso ng mga lalaki (mga kalaban na napatay nila) na pinigaan ng kalamansi (limon) o dalanghita (naranjita, orange). At tinawag ang mga mabuhok na lalaki na Benaian (Binayan).

Nang lumihis kami patungong silangang timog (southeast), kami ay nasa ika-6 guhit at 7 saglit pahilaga (6° 7” north) at 20 leguas (128 kilometro) mula Cavit.

Bayani ng Mactan Marker Monumento ( Pinaka-maraming tao nuon duon ang tinawag na Maguindanao, sa gitnaang timog ng pulo na binigyan ng pangalan nila, Mindanao. Ang ‘danao’ ay ‘tubig’ sa wika duon, ang ‘Magin-danao’ ay ‘taga-ilog’ at ang latag na putikan (river delta) ng ilog Pulangi ay mayamang lupa at naging pangunahing palayan (rice granary) ng buong pulo, gaya ng kalatagan (central plains) ng mga Tagalog sa Luzon. Ang binidai, tinawag ding bigniday, ay malamang tukoy sa biniray o binitan, malaking bangka na gamit paglayag sa dagat, hawig sa mas malaking parao.

Ang mga Binayan ngayon ay hindi na hiwalay at bahagi na ng mga taga-Lanao, malapit sa Pagadian. Malamang din na mga Bilaan ang tinukoy ni Pigafetta, mga tanyag na mandirigma at hiwalay pa hanggang ngayon sa bandang ilog Buayan sa Cotabato. Nahayag nuong panahon ng Amerkano na gawi ng mga taga-Benuian sa hilagang Mindanao na kainin, sinawsaw sa kalamansi, ang puso ng napatay nila. Nuong 1962 naman, nahayag na dating hilig ng mga Manobi (Manobo) sa silangan ng Mindanao na kainin ang atay at puso ng mga napatay na kalaban, subalit walang kalamansi.

Ang tinawag ngayong Cape Benuian ay nasa hilagang Mindanao. Hindi narating nina Pigafetta ang Lanao o ang Cotabato, maniwaring narinig lamang niya mula sa kanilang mga bihag na Magindanao, kaya hindi na matiyak kung sino ang tinuring niyang Binayan. Tinawag niya ang Mindanao na pulo ng Butuan at Calagan, 2 pangalan na napulot nang dumaan sina Magellan sa silangang hilaga ng Mindanao nuong Marso 1521, at tukoy sa purok ng mga Butuan sa tinatawag ngayong Agusan at Surigao, at ng mga Caraga sa silangang Davao. Ang ika-6 guhit at 7” pahilaga ay nasa pagitan ng Basilan at Sulu. Ang tinawag ni Pigafetta na Cavit ay nanduon pa ngayon sa timog ng Zamboanga, malapit sa Zamboanga City.)

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata