Enanos. NADAANAN namin ang mga pulo ng Laigoma, Gioggi (Kajoa) at Gaphi (Gafi). Duon sa Gaphi nakatira ang mga maliliit na tao na
( Ang tinuran ni Pigafetta na mga pygmy ay tawag sa mga Akka, Batua at mga Obongo, maliliit na tao sa mga gubat ng Gitnaang Africa na tinawag ngayong Congo. Wala silang kaugnayan sa mga tao sa Asia. Malamang mga Aeta ang nasa Gafi.) |
![]() ![]() Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
ni Antonio Pigafetta |
|
Nadaanan din namin ang mga pulo ng Labuan (Labuha), Tolimau (Tawali bezar), Titameti (Tawali ketyl), Bacchian (Bacan), Latalata, Taboli, Maga (Lumang) at Batutiga (Obi). Sa kanluran (occidente, west) ng Batutiga, lumihis kami sa pagitan ng kanluran at kanlurang timog (west by southwest) at nakita ang maliliit na pulo sa timog. Dahil binalaan kami ng mga gabay (pilots) sa Maluku na maraming batuhan at coral (reefs) sa mga pulong iyon, lumagpas kami sa silangang timog (southeast) at sa isang pulo kami dumaong, tinawag na Sullach (Sula Besi ang tawag ngayon) na nasa ika-2 guhit at 50 sandali patimog (2 degrees 50 minutes latitude south) at ang layo mula sa |
![]() Ang mga tao sa Sullach ay mga pagano (heathen) at wala silang hari. Kumakain sila ng tao. Hubad-hubad sila, babae at lalaki, maliban sa makitid na talukap ng punong-kahoy (tree bark), 2 daliri lamang ang lapad, na nakasabit sa harap ng ikinahihiyang bahagi (shameful parts) ng kanilang katawan. |
|
MARAMING pulo sa paligid. Kumakain din ng tao ang mga tagaroon, at ang pangalan ng ilang pulo ay Silan, Nosselao, Biga, Atulabau, Leitimor, Tenctun, Gondia, Pailarurun, Manadan at Binaia.
Nabaybay pa namin ang 2 pulo, tinawag na Lumatola (Lifamatola) at Tentenun.
Bandang 10 leguas (64 kilometro) mula sa Sullach, natagpuan namin ang isang malaking pulo, tinawag na Buru, at mayruon duong bigas, mga kambing at baboy, manok, niyog at buko, tubong matamis (caña de azucar, sugarcane) at sago. May isang pagkain sila, binalot sa dahon nang pahaba at pinatuyo sa usok, tinawag na connilicai (kinalikoy sa Tagalog; malamang suman). Ito ay gawa sa saging (banana) na tinawag nilang chanali, at sa bungang kahoy |
(frutas, fruit) na tinawag nilang nangka (jackfruit, langka), at hinaluan ng pulot-pukyutan (miel, honey).
Ang mga tao sa Buru ay gaya ng mga taga-Sullach, hubad-hubad, mga pagano at wala silang hari. Ito ay nasa ika-3½ guhit patimog at 65 leguas (416 kilometro) mula sa Maluku. Sa silangan nito, 10 leguas (64 kilometro) ang layo, ay may isang pulo na mas malaki at tinawag na Ambon.
Malapit ito sa Giailolo (Gilolo, Halmahera ang tawag ngayon) at pinama-mahayan ng mga Moro (tawag ng Español sa Muslim) sa mga tabing-dagat, at sa looban, ng mga pagano (heathen) na kumakain ng tao. Sa pagitan ng Buru at Ambon ay may 3 pulo na pinaligiran ng mga batuhan at coral, tinawag na Vudia, Cailarury at Benaia. Mga 4 leguas (26 kilometro) palapit sa Buru, may isang munting pulo, Ambalao (Ambelau) ang pangalan. |
|
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |