![]() Ang Nagmulâ Sa Bató
Subalit lahát ng husay at tagintíng sa pagpa-pasô ng mga Unang Pilipino ay naglahň, nalugi sa pagdatíng mulá sa China ng porcelana, na natumbasán subalit hindî nadaíg kailán man, kahit saán... --William Henry Scott, 1984 HINDÎ nakapaniwalŕ ang 2 Amerkanong nilayong magtayô ng paaralan at turuan ang mga kabataang Ifugao sa Kulangan, Mountain Province, nuóng 1913. Waláng pambilí ng sangkáp, pinasiyá niláng gamitin ang mga bató sa paligid. At waláng pambayad sa manggagawŕ, ang mga kabataan ang pinagtipák, pinaghugis at pinagtayô nilá ng gusalě. Napatigagal silá sa
|
|
DUMATÍNG si Wilhelm Solheim II sa University of the Philippines nuóng 1949 upang magturň at mag-aral kay Henry Otley Beyer. Sandalí siyáng nagsiyasat sa hacienda ng mga Zobel sa Calatagan, Batangas nuóng 1950 subalit ang pinaka-malakíng natuklás niyá ay ang yungíb sa Kalanay, sa kanlurang gilid ng Masbate mulâ nuóng 1951. Paulit-ulit niyáng binalikán at sinurě, patí ang isáng libingan sa bangŕ (jar burial site) at isáng torre. Nagsiyasat din siyá sa pulô ng Fuga sa Babuyanes nuóng 1952 at sa mga pulô ng Batan at Sabtang nuóng sumunód na taón. Nuóng 1981, hinayag ni Solheim ang kanyáng sapantaha ng mga Unang Tao sa Pilipinas, batay sa naunang sapantaha ni F. Landa Jocano, na binago at hinatě niyá sa 4 panahón: |
|
1. Laós na Panahón (Archaic Period). Nagsimuláng dumatíng ang tao nuóng hindî na matantóng panahón, hanggáng 7,000 taón sa nakaraán.
2. Paghuhugis ng Pilipino (Incipient Filipino). Itinakdâ ang arawán, mulâ 7,000 hanggáng 3,000 taón sa nakaraán, nang naglakbáy ang mga Nusantao, ang mga magdaragát, mulâ sa Mindanao at mga kapuluán sa hilaga (north) ng Indonesia at sa timog ng Pilipinas. Binagtás ang buóng kapuluán, dumaán silá sa Taiwan at nakaratíng sa timog ng China. Sang-ayon dito si Eusebio Dizon ng National Museum of the Filipino People dahil ang mga natuklás sa Pilipinas ay mas lumŕ at nauna sa mga nasa Taiwan at timog China. Masasabing mga taga-Pilipinas ang dumayo duón sa halíp ng kasalukuyang akalŕ na mga taga-China ang unang tumao sa Pilipinas. Subalit alinlangan ang maraming nag-aghám (scientist) na tanggapín ang panukalŕ ng ‘Nusantao.’ Lubháng hiwa-hiwaláy ang mga |
naglakbáy nuóng Unang Panahón upang maibuklód sa iisáng kabihasnán (culture), o mabigyán ng iisáng pangalan.
3. Simulâ ng Pagbuô-buô (Formative Period). 3,000 hanggáng 1,500 taón sa nakaraán, nagsimuláng nabuô ang lipunan at kabihasnán ng Pilipino. 4. Pagtatág ng Pilipino (Established Filipino). Mulâ 1,500 taón sa nakaraán hanggáng pagdatíng ng Espańol nuóng 1521. Kalakihan ng gawain, at karamihan ng mga dumatíng sa Pilipinas nuóng panahóng itó ay mga nagkakalakal. Ipinaliwanag ni Solheim na maaaring magbago ang kanyáng sapantaha, lalo na ang mga takdáng araw ng bawat panahón, dahil sa patuloy na pagtuklás ng mga bagong katibayan sa ibá’t ibáng bahagi ng Pilipinas. Hindî rin daw sakop lahát ng mga natuklás na, sa kapuluán at sa mga karatig bayan. |
MAHIGÍT 30 taón nagturň at nag-aral si William Henry Scott mulâ nang dumatíng sa Pilipinas nuóng 1954 hanggáng yumao nuóng 1993. Dalubhasŕ sa wikang Intsík, isá siyá sa mga unang naghayag ng ugnáy ng mga Unang Pilipino sa China [Basahin sa Nagpugay Ang Mga Datu Sa ‘Anák ng Langit’ at sa ‘Isáng Pahayag Tungkól Sa Mga Taong Ligáw’ sa website ding itó], sunód lamang kina Emma Helen Blair at James A. Robertson. Siyá ang bumuská nuóng 1965 sa Maragtas, alamát lamang at hindî tunay na kasaysayan, at sa Code of Kalantiyaw, lubusang huwád at gawâ-gawâ lamang ng isáng manlilinláng (swindler), si Jose E. Marco. Ang pinaka-malakíng dagdág ni Scott sa kasaysayan ng Pilipinas ay ang pagsurě niyá sa mga Unang Pilipino, patí na sa pangkát ng Tasaday sa Cotabato nuóng 1972 at sa mga Ifugao ng Mountain Province sa tinagál ng pamarati niyá sa Pilipinas. Siyá ang pumuná na hindî tinapos ng Panahón ng Bakal ang malawak na paghugis at paggamit ng mga kagamitáng kahoy at bató, at nanatiling masigasig ang industria ng pagpa-pasô at palayók sa Pilipinas sa haráp ng pagpasok ng mga caserola at kawaling bakal. Dahil sa mahigít na 15 aklát na sinulat niyá, iginagalang siyá ngayón biláng bantóg sa lahát ng sumurě sa kasaysayan ng kapuluán. Nuóng 1968, at ulî nuóng 1984, nilathalŕ niyá sa kanyáng arawán (timeline) ang pagsapín-sapín ng mga Unang Panahón sa Pilipinas: |
|
1. Panahón ng Bató (Old Stone Age). Nagsimulâ mahigít 30,000 taón sa nakaraán, maaaring mas maaga pa. Inabutan subalit hindî agád napalitán ng 2. Makabagong Panahón ng Bató (New Stone Age). 4,710 hanggáng 1,821 taón sa nakaraán, bagamán at binanggit ni Scott na gamit pa ng mga Pilipino ang mga kagamitáng bató (stone tools) hanggáng pagpasok ng mga Amerkano nuóng 1898. 3. Panahón ng Pagpapasô (Ceramic/Pottery Age). 3,275 - 1,800 taón sa nakaraán. Lubháng mahalagá sa kabihasnán at pag-unlád ng mga lipunang Pilipino. Bagamán at natakpán ng porcelana ng China at hindî na tanghál sa tahanang Pilipino, nanatiling masiglá ang pagpapasô, lalo na ang paggawâ ng palayók at bangŕ, sa buóng kapuluán hanggáng ngayón. 4. Panahón ng Bakal (Iron Age). 2,300 - 1,000 taón sa nakaraán. Ang gintô at tansô (copper, bronze) ay naunang ginamit kayâ karapat-dapat |
tawagin itóng Panahón ng Metal (Metal Age). Maaaring nagmina ng bakal (iron) ang mga Pilipino nuóng una, subalit daíg karamihan ng bakal ay mas murang bilhín sa Intsík na nagsimuláng nagkalakal nang palagian mulâ nitóng panahón. Gayón pa man, nanatiling bihirŕ ang kagamitáng bakal (iron tools) na maniwaring nagpabilís lamang, hindî nakadagdag sa kayang gawín ng mga Unang Pilipino. May pahiwatig pang itinuring na mamahaling ari-arian (valuables) at parangál (status symbols) ang mga kagamitáng bakal. Kayâ mas angkóp sa Pilipinas na ipaluób na lamang itóng panahón sa nauna at mas matagál na Panahón ng Pagpapasô.
5. Panahón ng Porcelana (Porcelain Age). 1,100 taón sa nakaraán hanggáng katapusán ng panahón ng Espańol nuóng 1898, mahigít lamang 100 taón sa nakaraán. Bagamán at masasabing hindî na bahagě ng Unang Panahón (prehistory) ng Pilipinas, itó ang favorito ni Scott at, sa dami ng porcelana na ipinasok sa Pilipinas hindî lamang mulâ China kundě patí mulâ sa Thailand, maniwaring favorito rin ng maraming Pilipino. |
TULAD ni F. Landa Jocano, maraming nag-aghám sa Unang Panahón (archaeologists) ang naniniwalang hindî sapát ang pagbakás sa urě at gawî ng mga kagamitán (tools) mulâ bató hanggáng bakal. Ni hindî angkóp, sa palagáy nilá, upang
![]() Mga kagamitáng kahoy (wooden tools) pa ang pang-saka ng mga Bontoc at mga Ifugao sa kaniláng susón-susóng palayan (rice terraces) sa Cordillera hanggáng nitóng nakaraáng 50 taón. Katunayan, sa daán-daán taón na tinagál ng Panahón ng Bakal, mga gawî pa ng Panahón ng Bató ang sinunód ng mga Pilipino sa pagpakain sa mga sarili at sa mga amo (masters) niláng Espańol, at mga kagamitáng bató pa ang ginamit nilá sa pagtayo ng mga bahay nilá at mga palacio ng Espańol, ng mga caracoa ng kaniláng mga datu, ng mga pader ng Intramuros at mga simbahan sa ibá’t ibáng bahagě ng kapuluán. Tulad sa mga kabataang Ifugao sa Kulangan, Mountain Province, nuóng 1913, napabilís lamang at hindî nadagdagán ng mga kagamitáng bakal ang kakayahán ng mga tagapulô na umukit sa mga bundók ng kaniláng mga palayan nuóng walâ pang catholico sa mondo. |
|
Nakaraáng kabanatŕ Balík sa itaás Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Listá ng mga kabanatŕ Sunód na kabanatŕ |