![]() Topo-topo Muna, 1546-1564
Mahilig uminom ng serbesa (cerbeza, beer) si Carlos 5. Isa sa mga unang utos niya nang maging hari, bago pa BINATILYO, 16 taon gulang lamang si Carlos 5 nang manahin ang magka-kamping kaharian ng Castilia at Aragon nuong 1519. Nuon namatay ang kanyang lolo, si Fernando (Ferdinand), hari ng Aragon at viudo ni Regina Isabela ng Castilia, at tagapaghari (regent) ng Castilia. Bagaman at isinilang at lumaki siyang dayuhan, ni hindi marunong magsalita ng Español, sa kanyang pagiging hari nagsimulang tawaging kaharian ng España ang pinagsamang 2 kaharian ng Castilia at Aragon. Mula sa kaharian ng kanyang angkan ng Hapsburg sa Burgundia (Burgundy), kung saan siya lumaki, hinakot niya ang mga kaibigan at kakampi at
Pagkatapos maghari nang 2 taon, lalong pinag-ibayo ni Carlos 5 ang pagkamal ng salapi nang mamatay ang isa pa niyang lolo, si Maximilian, ang emperador ng Rome (Holy Roman emperor), upang suhulan ang mga nagtanghal (electors) sa kanya bilang kapalit na emperador at hari ng mga lupain ng kanyang angkan ng Hapsburg sa Italy at Alemanya (Germany). Ang dami ng gastos at utang ang dahilan kaya niya pinundaran si Ferdinand Magellan upang hanapin at ariin ang yaman ng Maluku - at ng nadamay na Pilipinas. Kaa-alis pa lamang ng pangkat ni Magellan, at 19 taon gulang lamang si Carlos 5 nang sampalin ng kanyang unang digmaan. Sa hirap ng buhay dahil sa pagkalkal ng salapi at laki ng mga buwis na sinisingil, naghimagsik nuong 1520 ang mga comuneros, ang mga ‘common tao’ sa España. Napilitan si Carlos 5 na kampihan ang mga maharlika upang supilin ang mga tao pagkaraan ng isang taon, nuong 1521, at umiral mula nuon sa España ang malupit na pagturing sa mga tao upang pagyamanin ang mga maharlika at mayaman - palakad na pinairal ng mga Español sa Pilipinas sa mahigit 300 taon na sumunod. |
|
![]() Nangamba si Francisco 1 (Francis I), ang hari ng France, na ‘kainin’ ang kanyang kaharian. Sinimulan niyang digmain si Carlos 5 upang ma-angkin ang Burgundy, Belgium at Holland. Palaging panalo ang hukbo ni Carlos 5, ang pinaka-malaki at pinaka-mahusay sa Europe nuon, ngunit walang puknat na sumalakay si Francisco 1. Nakarating na sina Magellan sa Pilipinas nuong 1521 nang nagsimula ang unang digmaan. Nakabalik sina Antonio Pigafetta sa España nuong |
1522, naka-alis na si Jofre de Loaisa nuong 1525 at sinaklolohan na siya ni Alvaro de Saavedra nuong 1527 at kapwa nabigo na sa Maluku ang 2 pangkat bago pa natapos ang unang digmaan, nuong 1529. Nuong 1527, nang sumuko ang pangkat nina Loaisa at Saavedra sa mga Portuguese, nakasagupa rin ni Carlos 5 si Papa Clemente 7 (Pope Clement VII) sa lupain ng Rome (Sacco di Roma).
Sinalakay ni Carlos 5 ang mga moro (muslim) sa Tunis, Africa, nuong 1535, isang taon bago sumabog ang ika-2 digmaan laban kay Francisco 1 ng France, nuong 1536. Natapos ito nuong 1538 ngunit habang binubuo sa Mexico ang pangkat ni Ruy Lopez de Villalobos papunta sa Pilipinas, nag-digmaan uli sila nuong 1542 hanggang 1544. Bilang emperador ng Rome at tagapagtanggol ng catholico, hinarap at nakipag-digmaan din si Carlos 5 laban sa mga Protestante sa Muhlberg, Germany, nuong 1547 - isang taon matapos masawi si Villalobos sa Maluku. |
Nadalâ rin matapos ng sunud-sunod na pagkabigo, ayaw nang magpundar ng mga Español at ng mga mapaghangad sa America. Pati ang hari, si Carlos 5, ay hindi na nagpalaot ng luging paglakbay sa mga kapuluan sa kanluran, abala pa mandin siya sa walang katapusang digmaan sa Europe laban sa mga naghimagsik, at mga hari na nagsikap bumuwag sa kanyang malawak na kaharian, pinaka-mayaman at pinaka-makapangyarihan sa buong Europe nuon. Nang maging hari ang anak ni Francisco 1, si Henri 2, dinigma rin niya si Carlos 5 nuong 1551 hanggang 1559. Sinimulan naman lusubin si Carlos 5 ng mga moro (muslim) ng Ottoman empire mula sa Turkey. Hirap na, |
![]() Nang nagkasabay-sabay ang digmaan laban kay Henri 2 at sa mga Ottoman, bigla namang sumalakay nuong 1552 si Mauricio, Protestanteng duque ng Saxony sa Germany. Nasiraan na ng luob si Carlos 5. Sumuko siya sa mga Protestante at nakipag-kasundo ng payapa sa Augsburg nuong 1555. |
Sinimulan Uli ang Ligalig Sa sumunod na taon, 1556, matanda na, pagod at baon sa utang, nagbitiw si Carlos 5 sa pagkahari. Ipinamana niya ang nalalabing kaharian sa anak, si Felipe 2, at nagkulong na lamang sa convento ng mga monje (monks) sa Yuste, Caceres, España. Nangisda na lamang siya at nagkumpuni ng mga orasan (relos, clocks). Namatay siya paglipas ng 2 taon. Sa pagkawala ng pinaka-masugid magpalaot sa mga kapuluan, dapat sana ay natapos na ang pagligalig ng mga dayuhan sa Pilipinas, maliban sa pagdambong sa Visayas at Mindanao ng mga taga-Maluku at mga taga-Sulu. Mabangis ang mga tagapulo at malupit ang dinanas nina Magellan, Loaisa, Saavedra at Villalobos. |
Subalit, maliban sa Santo Niño na sinamba, at sinasamba pa hanggang ngayon ng mga taga-Cebu, bahagya lamang napansin ng mga taga-Pilipinas ang bulabog ng mga Español. Kahit na ang papuslit-puslit na salakay ng mga Portuguese ay malamang madaling nalimutan, baka ni hindi nabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas, kung hindi sila nasundan ng iba pang mga conquistador.
Kakaiba kasi ang pansin ng mga tagapulo nuon. Ang mga barko na mahalaga sa mga katutubo nuon ay hindi mga taga-Europe kundi ang dayo taon-taon ng mga nagkakalakal na mga taga-China, dala-dala ang itinatangi ng mga tagapulo na porselana (porcelain) at sutla (seda, silk). At ang panganib na kinakatakutan ng mga katutubo nuon ay ang mga manlulupig, hindi mula Europe, kundi mula sa tabi-tabi. |
Balik sa nakaraan Ulitin mula sa itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |