Sa Antipolo at Taytay hanggang 1597

ANG Taytay ay naka-alay sa patnubay ni San Juan de Bautista (Saint John the Baptist) nuong una. Pagkatapos maalis ang baranggay mula sa bahâ sa putikan (pantanos, marshes) ng lawa ng Bai (Laguna de Bay ang tawag ngayon) at nailipat sa katabing bundok, pinalitan ko ang pagtangkilik nito at tinawag na San Juan del Monte (Saint John of the Mountain).

Naitayo ang 3 simbahan duon, puno ng mga estatwa (estatuas, icons) at mga larawan, at maraming palamuti (decoraciones, ornaments) at mga tabing (cortinas, tapestries).

Upang masanay sa mga gawing catholico, lahat ng mga lalaki ay pinilit kong magsimba araw-araw at makinig sa mga pangaral (sermons) sa sarili nilang wika. Tapos, kailangang mag-aral sa simbahan ang mga bata at matandang lalaki upang matuto ng pagiging catholico. Bawat matandang lalaki ay may takdang isang bata na nagtuturo sa kanya, at nagsasabi sa

  PAGHANAP  SA  MGA  UNANG  PILIPINO:     Cronicas Espaņola

Kasaysayan  Ng  Mga  Pulo  Ng  Pilipinas, 1595-1602
Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino

In-English ni Frederic W. Morrison ng Harvard University, at ni Emma Helen Blair

frayle kung natuto na ang matanda. Saka lamang maaaring tumigil ang matanda ng pagpunta sa simbahan araw-araw, maliban kung Linggo nang dapat siyang magsimba kasama ng ibang taganayon.

Kumakalembang (campana, church bell) ang simbahan para sa Ave Maria tuwing bukang liwayway (amanecer, dawn), tanghaling tapat (mediodia, noon) at takip-silim (anochecher, evening).

Pagkatapos, may pinapaligid akong matimtimang indio gabi-gabi, may dalang kulingking (campanilla, bell) at sumisigaw sa mga tao na magdasal para sa mga makasalanan (pecadores, sinners).

Si Sayor, ang Magnanakaw

Nasimulan namin ito at iba pang mga ugaling matimtiman sa mga baranggay ng Taytay at nahuli namin ang kalooban hindi lamang ng mga indio kundi pati na ang mga tagabundok at mga naglipana sa mga gubat-gubat.

Isa sa mga tagabundok ay tinawag na Sayor, na magnanakaw ang ibig sabihin. Wala siyang tahanan at palaboy-laboy sa mga yungib (cuevas, caves) sa bundok. Ang pagkain niya ay mga ahas at sawa (serpientes, pythons) na napapatay niya. Hindi na siya bata subalit magilas pa at kahanga-hanga ang kanyang bilis tumakbo at taas tumalon.

Sindak ang lahat ng taganayon sa kanya kaya kailan man siya dumating, takbuhan ang mga tao at nagtatago sa takot na patayin niya. Kaya malaya niyang nakukuha anuman ang naibigan sa mga bahay na naiwang B>nakatiwangwang.

Kusang lumapit sa akin itong binata. Hubad-hubad siya maliban sa isang bahag. May sukbit siyang isang balaraw (puņal, dagger) sa baywang at dala-dala niya ang kanyang pana at palaso (bow and arrows). Halos 6 taon ko siyang niligawan, inamo (domesticado, tamed) at binigyan ng mga handog hanggang nagkaruon siya ng sariling bait (self-confidence).

Madalas niya akong samahan sa pagdalaw sa mga baranggay sa pali-paligid, dala ang kanyang panaksak, pana at palaso, patawid sa gubat at bundok. Sa wakas, nagpa-binyag siya nuong 1597 sa pangalang Pablo, na lubha niyang naibigan. Mula nuon, tuwing may tatawag sa kanya sa dati niyang pangalan, lagi siyang isinasagot, “Hindi Sayor, Pablo ang pangalan ko!”

Nag-asawa siya pagkatapos mabinyagan at nakatira siya ngayon sa sariling bahay, nanahimik kasama ang familia niya, at isa siya ngayon sa pinaka-mabait na indio duon. Paminsan-minsan, nag-uusap kami at ikinu-cuento niya ang dating buhay bilang ligaw na tagabundok sa gubat at mga yungib, at paano niya pinatay ang mga ahas at sawa. Ang iba raw ay napaka-laki, kayang kainin nang buo ang isang tao, usa o iba pang hayop.

Hindi lamang si Sayor o Pablo and dumayo mula sa mga bundok. Sa Antipolo nuong 1595, halos 1,000 tagabundok ang lumuwas, iniwan ang kanilang mga kaingin at mga kubakob (shelters) at mahigit 500 ang nabinyagan namin nuong isang taon na iyon lamang. Kabilang dito ang 2 matandang babae, mahigit 100 taon ang tanda siguro. Hindi nagtagal pagkatapos mabinyagan, namatay sila nang sagip ang kanilang mga kaluluwa. Walang naiwan sa mga bundok maliban sa mga catalonan (katalo o ka-usap ng mga aņito), ang dating mga pari ng mga indio.

Catalonan, Negritos Nagpabinyag

MATAMANG hinahanap ng frayleng Jesuit sa Antipolo, si Francisco Almerique, ang pinuno ng mga catalonan upang gawing catholico ito at ang kanyang mga kampon. Nangyari naman na natagpuan sila ng mga tao at dinala sa simbahan kung saan sila tinuruan at, pagkatapos ng maraming pangaral, kinilala ng catalonan na mas malakas ang aņito ng frayle kaysa aņito ng mga tao.

Sumuko na rin siya at nagpa-binyag, pati na ang kanyang mga kasama. Mahaba and kanyang buhok, parang babae, at nakatirintas ito bilang pahiwatig ng kanyang pagiging catalonan. Bago siya bininyagan, sa harap ng mga tao, pinutol niya ang kanyang buhok upang ipakita na putol na ang kapangyarihan ng aņito. Tapos, sinunog nila ang mga estatwa ng aņito.

Hindi lamang ang mga Tagalo (Tagalog) - pinaka-bihasa (civilized) at pinaka-maputi sa mga tao ng Manila - ang bumaba ng bundok upang magpabinyag.

(Manila ang karaniwang tawag ng Espaņol sa buong gitnaang Luzon, at matagal nilang itinuring na isang lalawigan ito.)

Kasunod nila ang mga matitigas na buto (brutos de carga, beasts of burden), ang mga Negrillos (mga Negrito) na higit na mabangis at mga

unang tao dito sa kapuluan, pati na sa Manila. Marami silang naglipana sa mga bundok na parang mga ligaw na hayop. Napahanga sila sa pagiging catholico ng mga tao, sila man ay nagsimulang huminahon at humingi na mabinyagan.

Ang mga nakakilala sa kanilang dating bangis at lupit ay nagtaka - parang himala! - dahil dati-rati, wala silang pinagpitagan, kahit mga aņito at diwata ay ayaw nilang sambahin.

Ang mga mas bihasa (civilizado, modernized) at natuto na sa mga indio na sumamba sa mga aņito ay alumpihit ipagkanulo ang kanilang mga diwata. Kahit nabinyagan na, lagi nilang inaalaala ang mga dating puon at lihim na bumabalik sa makalumang pagsamba.

Napatunayan ito nuong simula ng taon ng 1597, nang nagsiwalat ang isang catholico na nag-alab at kumalat na muli ang pagsamba sa mga aņito.

Upang maunawaan kung bakit naganap ito, kailangan munang maipaliwanag ko ang kanilang lumang panampalataya sa isang kahiwalay na kabanata (naka-ulat sa ‘Mga Diwata, mga Pamahiin at ang mga Aņito’).

Pagkatapos, isasalaysay ko ang mga kagagawan sa Taytay at paano sinugpo ang lihim na pagsamba sa diwata (nasa ‘Pagsambang Lihim sa Diwata sa Taytay’).

Nakaraang kabanata                       Balik sa itaas                       Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                       Lista ng mga kabanata                       Sunod na kabanata