Inilipat ang Nayon ng Taytay NAKALATAG sa putikan ang baranggay ng Taytay dati, sa tabi ng sapa na nagdadala ng tubig ng hinulugang taktak (waterfall) ng Antipolo sa lawa ng Bai (Laguna de Bay), malapit sa bukana ng ilog Pasig na naglalabas ng tubig ng lawa sa dagat sa gilid ng Manila. Napakaganda ng libis (valley) na kinalalagyan nito, sa lawak sa pagitan ng lawa at ng mga bundok. Napakalawak, at napaka-baba kaya taon-taon, nalulunod sa bahâ mula Agosto hanggang Octobre, Noviembre pa kung minsan, nang umaapaw ang mga ilog na dumidilig sa lawa. Kapag panahon ng bahâ, ang libis mismo ay nagiging lawa na rin, isang estado (mahigit 1½ metro) ang lalim, na sa bangka lamang nalalakbay. Pinayayaman ng bahâ ang mga lupa sa paligid, kaya mayabong lagi ang ani ng palay at iba pang pananim. Lalo na at itinataon ng mga tao sa |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Cronicas Española Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas, 1595-1602
|
pagdating ng tubig ang pagtanim, nang papatigas na ang mga puno ng palay at nagsisimula nang magbunga. Itong masaganang patubig (irrigation) ay nagpapalaki at nagpaparami ng butil ng palay.
Kaya ang bahâ ay mapagbiyaya, kahit sa panahon ng pag-ani, sapagkat nakita ko mismo, mas madali mag-ani nang nakasakay sa bangka at mas madaling maglikas ng palay sa bangka papunta sa mga bahay, kung saan pinatutuyo ang palay sa init ng araw. Kapag tuyo na, iniimbak nila sa mga kamalig. |
|
Dahil sa bahâ taon-taon, sa isang mataas na gulod nila inilagay ang libingan ng mga patay (cementerio, cemetery), malayo sa tubig at hindi binabahâ. Ugali sa mga puok na iyon, hinahati-hati ang mga tirahan sa mga barangai (baranggay), pinamumunuan ng isang makapangyarihan na naghihirangan ng mga dato (datu) na katulong niyang namamahala sa mga tao. Nuon, ang Taytay ay mayroon 400 familia na nahati sa 4 baranggay, kaya may 4 datu na namumuno sa bawat 100 familia, na sama-sama ay tinatawag nilang catunguhan (componente, constituents). Binahâ ang aking simbahan. |
Nuong una kong nakitang naanod ang simbahan, umabot ang tubig hanggang sa dambana (altar), alam ko agad na hindi ako maaaring mag-misa duon. Ipinatawag ko ang aking 4 datu, at nakita rin nila na hindi maaaring magsimba duon. Sinabi ko sa kanila, “Kung nais ninyong makita ako muli,” sinabi ko sa 4 datu, “igagawa ninyo ako sa bundok, duon sa tabi ng libingan, ng maliit na simbahan na maaari kong pagmisahan.” Inutos ko sa kanila na magkabit sa simbahan ng isang maliit na silid (cuarto, room) na maaari kong pagpahingahan. “Hanggang hindi nagagawa ito, duon ako kailangang tumira kung saan ako maaaring mag-misa, sa Antipolo.” |
Hindi ako makapaniwala sa nangyari pagkatapos, kahit na ilang ulit ko nang isinalaysay sa ibang tao. Sabik na sabik ang mga tao na magbalik ako, kaya nagsimula agad sila. Nuong una, mabagal ang gawa nila, dahan-dahan kinalas ang simbahan at ang mga kubo nila, at pinasan, pira-piraso, palipat sa gulod. Tapos, biglang-bigla, binilisan nila ang trabajo. Hangos silang lahat sa pagtayo ng simbahan sa bagong puok. Dahil hindi pa nila tapos gawin lahat ng kubo nila, nagsiksikan sila, 10 - 12 tao sa bawat kubong naitayo na. Basta matapos lamang agad ang simbahan. Nang itanong ko kung bakit bigla silang nagmadali, sinabi nila na pagkatapos nilang kalasin ang simbahan at ilipat ang cross, nawala na ang tagapagligtas nila sa lumang baranggay at gabi-gabi, nasisindak sila dahil sa mga multo at mga kaluluwa na baka |
dumalaw sa kanila sa dating bahay nila. Kaya nagsiksikan sila sa gulod dahil walang payag na matulog sa lumang baranggay.
Walang tubig sa gulod. Haling na haling sila sa pagligo kaya humukay sila ng isang batis (canal, ditch) sa gilid ng bagong baranggay sa paanan ng bundok upang magka-tubig. Duon nila pinadaan ang tubig mula sa dating baranggay. Sa tabi ng landas at paligid sa bagong baranggay, nagtanim sila ng mga punong kahoy at mga puno ng niyog, kaya gumanda at, dahil sa bulaklak at mga bunga ng tanim, naging mayaman ang bagong nayon. At ngayong nabanggit ko na ang tungkol sa pali-ligo, lapat lamang na isalaysay ko kung paano maligo ang mga Pilipino (nasa ‘Mahilig Maligo ang mga Pilipino’). |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |