Bata, Sanggol Nasagip sa Catubig, Samar

WALANG frayle nang isang taon at kalahati sa Catubig, sa silangan bahagi ng pulo ng Ibabao (lumang tawag sa Samar), sa dalampasigan ng dagat Silangan (Pacific Ocean) hanggang pumaruon si Fray Juan de Torres, kasama ang isang kapatid (brother) na Jesuit din. Tumawid sila sa mga ilog, gubat at putikan, hanggang tuhod ang ibang putikan, at sa mga mataas na gulod na walang landas, na ginapang nila pa-akyat at pababa.

Magiliw silang sinalubong ng mga taga-Catubig at nuong gabi ng pagdating nila, nagtipon ang 3 baranggay upang makinig sa sermon tungkol sa

  PAGHANAP  SA  MGA  UNANG  PILIPINO:     Cronicas Española

Kasaysayan  Ng  Mga  Pulo  Ng  Pilipinas, 1595-1602
Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino

In-English ni Frederic W. Morrison ng Harvard University, at ni Emma Helen Blair

pagiging catholico. Nagpasiya ang mga tao na magtayo ng malaking simbahan at ibinigay nila, sa hiling ng frayle, ang listahan ng lahat ng nakatira ruon, pati na ang napaka-daming mga bata. Halos lahat ng babae ay may kalong na sanggol o paslit.

Tumawid ang 2 Jesuit sa ilog Catubig, dahil abala ang mga tao sa pag-ani (cosecha, harvest) ng kanilang palay, hanggang sa mga karatig na pulo. Tapos na ang ani duon at sa isang pulo, tinawag na Batac, nag-sermon ang frayle tungkol sa damit ng mga babae na halos hubad-hubad. Sumunod naman ang mga ito at nagtakip na ng mga katawan.

Nabalitaan ng mga tao na darating ang mga Jesuit kaya nagtayo sila ng simbahan at bahay, pati na kumpisalan para sa mga babae.

Pagkatapos mabinyagan ang maraming tao, bumalik ang 2 Jesuit sa Catubig at, tapos na ang ani, sinimulan nilang binyagan ang 700 tao, pati ang pinuno ng baranggay na 60 taon gulang na. Maraming kalupitan at pagnanakaw ang ikinumpisal ng pinuno bago siya nabinyagan. Pinalaya niya ang maraming alipin at nagpatayo pa siya ng malaking bahay para sa mga Jesuit. Hinakot din niya ang karamihan ng kanyang kamag-anak at kasama sa bahay upang maturuan at mabinyagan din. Ang iba ay ipinagpaliban.

Dumayo ang isang pinuno ng katabing pulo, kasama ang 12 kamag-anak, asawa, mga anak at manugang at mga alila. Bitbit ng 2 lalaki ang kanyang handog: isang napaka-laking pagong (tortuga, turtle) na kinain ng mga Jesuit.

Bantog sa giting ang pinunong ito. Minsan, kinalaban niyang mag-isa ang

isang malaking buaya, 6 tao ang haba, na nagsimulang magkalat ng lagim sa kanyang baranggay. Balarao (cuchillo, knife) lamang ang sandata, sumisid siya at winakwak ang sikmura at pinatay ng buaya. Ilang lalaki ang kinailangan upang mahatak sa pampang ang buaya, pinaka-malaking nakita sa mga kapuluan duon. Galos-galos lamang sa nuo at binti ang natamang sugat ng pinuno.

Isa ring buaya ang sangkot sa naganap sa bahay ng isang Español sa tabi ng ilog sa Manila nuon. Pagkatapos ng pananghalian (comida, lunch), naghugas ng mga pinggan (platos, dishes) ang isang batang lalaki na alila sa bahay. Sinakmal siya ng isang buaya. Nagtilian ang mga kasambahay at sumugod ang Español subalit kinaladkad ng buaya ang bata at sumisid.

Nagpain ang Español ng isang tuta, pagkaing giliw (favorito) ng mga

buaya duon, at nahuli nila ang buaya, 3 tao ang haba. Nang buksan nila ang sikmura, natuklas nila ang bata, buo pa subalit patay na.

Mayruon ding itlog ng sari-saring hayop sa luob ng sikmura, at 15 bungo ng tao. Hinagpis nila sapagkat hindi pa nabinyagan ang bata, nagtungo ang Español sa mga Jesuit upang humiling na magpadala ng frayle sa puok nila upang magbinyag.

Subalit mabalik sa Catubig: Patapos kong pahayag ang isang himala, higit na masaya kaysa sa katatapos na salaysay (cuento, story). Dadalaw sa frayle ang isang pangkat ng mga indio nang sagpangin ng isang buaya ang kanilang bangka. Isang batang lalaki, kagat-kagat ang bisig, ang hinila ng hayop sa tubig bago nakatinag ang mga kasama.

“Jesus, Maria, tulungan n’yo ako!” sigaw ang bata bago ilubog ng buaya.

Himala! Binitawan siya ng buaya at tumakas. Walang tinamang sugat ang

bata maliban sa mga kamot ng kuko ng buaya.

Iyong frayle ding iyon ang ipinatawag isang gabi ng mga magulang ng isang sanggol na lalaki na malapit nang mamatay. Sampung araw lamang ang sanggol at nuong huling 3 araw, hindi na ito sumuso sa ina. Mabinyagan man lamang bago mamatay, nagtungo sa kanila ang frayle.

Kinabukasan, ibinalita ng mga tao na mabuti na ang lagay ng bata, napagaling ng binyag.

Nakaraang kabanata                       Balik sa itaas                       Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                       Lista ng mga kabanata                       Sunod na kabanata