Timor. SINABI sa amin ng matandang gabay (pilot) mula Maluku na malapit ang isang pulo na tinawag na Aruchete. Duon daw, ang mga tao ay lagpas tuhod lamang ang tangkad at malaki ang mga tenga (orejas, ears). Sa isang tenga sila humihiga sa gabi, at ginagamit na talukbong na kumot ang kabilang tenga. Wala silang buhok, hubad-hubad at mabilis tumakbo. Ang tinig (voz, voice) nila ay matinis at ipit, at sa mga yungib (cuevas, caves) sa ilalim ng lupa sila nakatira. Ang pagkain nila ay isda at isang halaman na tumutubo sa mga talukap ng punong-kahoy, maputi at bilog at tinawag na ambulon (kabute, , mushroom). Hindi kami maaaring pumunta sa pulong iyon dahil malakas ang agos ng dagat at maraming batuhan at coral (reefs) sa paligid. ( Malamang mga paniki (murcielagos, fish-eating bats) at hindi tao ang tinukoy ng gabay. Ang ambulon ay maaaring isang uri ng kabute (champiñon, mushroom).) |
![]() ![]() Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
ni Antonio Pigafetta |
|
Nuong Sabado, Enero 25, 1522, umalis kami sa pulo ng Mallua. Kinabukasan, nakarating kami sa isang malaking pulo (Timor, sa silangan ng Java at bahagi ng Indonesia ngayon) na 5 leguas (32 kilometro) ang layo sa bandang timog at kanlurang timog (south southwest). Bumaba akong mag-isa sa barko upang kausapin ang pinuno sa isang kabayanan (town) na tinawag na Amabau (Ambeno ang tawag ngayon, sa kanlurang hilaga ng Timor) na payagan kaming mag-imbak (carga) ng pagkain. Sumagot ang pinuno na bibigyan kami ng mga kalabaw (water buffalos), mga baboy at kambing, subalit hindi kami nagkasundo dahil marami siyang hiningi na wala o kaunti lamang ang nasa aming barko. |
![]() Dahil gutom na kami, binihag namin sa barko ang isa sa kanyang mga pinuno, pati ang anak niyang lalaki, galing sa kabilang kabayanan na tinawag na Balibo (Silabao ang tawag ngayon). |
|
![]() Pulos mga babae ang nagsisilbi sa pinuno ng Amabau na nakausap ko. Hubad-hubad sila gaya ng ibang mga tao at may mga maliit na hikaw na ginto na nakatali sa mga sinulid na sutla, at marami silang mga purselas (bracelets) na ginto at tanso (bronze) sa bisig, hanggang siko (elbows). Ang mga lalaki ay may dagdag na suot na kuwintas. hugis malaking singsing na ginto, at may nakasuksok sa buhok na mga suklay na kawayan (suyod) na may palamuting ginto. Ang iba sa kanila ay mayruon pang ibang gintong alahas sa katawan. Duon, tangi at wala sa ibang pulo, tumutubo ang mga punong-kahoy na puting sandalwood (magaang na kahoy na karaniwang ginagawang bakya at mga sisidlang bitbit sa katawan; tumutubo rin sa ibang pulo, pinaka-marami sa Timor). Mayroon din duong luya, mga kalabaw, baboy, kambing, manok at bibi (patos, ducks), bigas, saging, tubong matamis (azucar, sugar), dalanghita (naranjitas, oranges), kalamansi (limon, lime), almond, pagkit (wax) at marami pang iba. May mga iba’t ibang uri ng loro (parrots). |
||
LAHAT ng sandalwood at pagkit (wax) na kinakalakal ng mga taga-Java at taga-Malacca ay galing sa pulong ito. May nakita pa kaming dyong na galing sa Lozzon (Luzon, sa Pilipinas) na bumibili ng sandalwood. Sa kabilang panig ng pulo (sa baybaying timog o south coast ng Timor), may 4 magka-kapatid na lalaki (hermanos, brothers), ang mga hari duon. Sa dinaungan namin, mga baranggay (pueblecitos, villages) lamang, at (hindi mga hari ang) mga pinuno nila. Ang kaharian ng mga magkakapatid ay tinawag na Oibich, Lichsana, Suai at Cabanazza. Oibich ang pinaka-malaking kabayanan. Sa Cabanazza, nabalitaan namin, may isang bundok na may ginto, at ang ginagamit nilang salapi ay maliliit na piraso ng ginto. |
Pagano ang mga tao sa pulo, at kapag lumakad sila upang pumutol ng sandalwood, nagpapakita sa kanila ang demonio (devil) sa iba’t ibang anyo at sinasabi sa kanila: “Kung may kailangan kayo, kahit na ano, sa akin n’yo hingin.” Ang mga pinakitaan ng demonio ay nagkakasakit daw nang ilang araw. Pinuputol ang sandalwood sa gitna ng gabi kung mainam ang hugis ng buwan (luna, moon). Kung hindi, hindi mahusay ang kahoy na nakukuha. Ang kapalit kalakal sa sandalwood ay pulang tela, telang hilo (linen), palakol, bakal at pako (nails). May tao ang buong pulo, na hugis palapad mula silangan hanggang kanluran (east to west) at makitid mula sa hilaga hanggang timog (north to south). Ito ay nasa ika-10 guhit patimog (degrees south latitude; katunayan, nasa ika-8 guhit) at ika-164½ guhit pahaba (degrees of longitude east) mula sa Pinaghatian |
(demarcation line). At ang pangalan nito ay Timor.
Sa lahat ng pulo na nakita namin duon, laganap ang sakit ni Job, at higit sa Timor kaysa sa ibang pulo. For franchi ang tawag nila sa sakit, ibig sabihin ay “sakit ng Portuguese.” ( Ang sakit ni Job, sa biblia o bible, ay ketong o leprosy subalit karaniwang napagkamalan dati sa Europe at sa Middle East ang syphilis o venereal disease. Kung minsan, tinawag ding tigdas o bulutong ng France (French pox). Ang syphilis ay inakalang nadampot ng mga tauhan ni Christopher Columbus sa pulo ng Hispaniola, na ngayon ay hati sa 2 bayan ng Haiti at ng Republica Dominicano.
Pahiwatig ng pahayag ni Pigafetta na dinala ng mga Portguese ang sakit na ito sa mga pulo ng Indonesia at Malaysia bagama’t ang sakit ay nahayag nang mas maaga pa, sa mga lumang kasulatan sa India at China.
Madalas ding napagkamalan ang sakit na galis (yaws), na kalat na sa mga kapuluan ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas bago pa dumating ang mga taga-Europe.) |
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |