Java today SINABI sa amin na kasing layo ng isang araw na paglayag sa pagitan ng kanluran at kanlurang hilaga (west by northwest), matatagpuan ang isang pulo na tinutubuan ng maraming kayumanis (canela, cinnamon). Tinawag ang pulo na Ende (Flores ang tawag ngayon, sa Indonesia). Ang mga tao duon ay pagano at wala silang hari. At patuloy sa ganuon landas ay maraming sunod-sunod na pulo, hanggang sa Kalakihang Java (Java the Great) at sa Cabo de Malacca (Cape of Malacca).

Java.

Ang pangalan ng mga pulo ay Tanabuntin, Ende, Crevo, Chili, Bimacore, Aranaran, Moin, Zzunbava, Lomboch, Chorun at Kalakihang Java.

Ang tawag ng mga tao duon ay Jaoa, hindi Java. At ang pinaka-malalaking kabayanan sa Java ay ang Maggephaer (Majapahit) na nuong buhay pa ang hari duon ay pinaka-makapangyarihan sa lahat ng mga pulo at tinawag na Raia Patiunus, at ang kabayanan ng Sunda (malamang kanlurang Java na tahanan ng maraming taga-Sunda) na tinutubuan ng maraming pimiento (pepper, malamang sili).

Ang iba pang kabayanan ay Daha (sa silangang Java), Gaggiamada, Minutaranghan, Dama (Demak), Cirubaia (Surabaya), Sidaiu, Tuban, Cressi (Geresik), Cipara (Japara) at Balli (Bali). Sinabi rin sa amin na ang pulo ng Munting Java (Java the Little) na kalahating legua (3 kilometro) ang layo sa Kalakihang Java, ay ang pulo ng Madura (Sumatra ngayon).

Pigafetta Ferdinand Magellan     FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
Primo viaggio intorno al mondo

ni Antonio Pigafetta

Java ( Si Marco Polo ang unang tumawag sa Java ng ‘Kalakihan,’ upang itangi sa katabing Sumatra na tinawag niyang ‘Munting Java.’ Sa katunayan, mas malaki pa nang kaunti ang Sumatra bagaman at daig na mas maraming tao sa Java.)

Suttee Pagsunog Sa Patay At Sa Viuda.

Kapag namatay ang isang pinuno sa Kalakihang Java, sinusunog ang kanyang bangkay, at ang kanyang pangunahing asawa, may maraming kuwintas na bulaklak, ay pinapasan ng 3 o 4 lalaki sa buong kabayanan sa isang upuan (silla, chair). Tumatawa siya at nakikiramay sa kanyang mga kamag-anak na iyak nang iyak at nagdadalamhati, sinasabing, ‘Huwag kayong umiyak at ako ay makakasalo ngayong gabi ng aking mahal na asawa.’ Tapos, pagdating sa sinusunog na bangkay, kakaway siya uli sa mga kamag-anak, tatalon sa apoy at masusunog kasama ng patay na asawa. Kapag hindi niya ginawa ito, hindi na siya ituturing na marangal na babae, o tunay na asawa ng namatay na pinuno. (Ang gawing ito, tinawag na suttee, ay hawig sa asal ng mga Buddhist sa India at Thailand, at sa Indonesia ay ginawa sa pulo ng Bali lamang, hindi sa buong Java.)

Alamat Ng Garuda.

Naghayag ang pinaka-matanda sa aming mga gabay (pilots, navigators) na sa pulo ng Ocoloro na nasa ibaba ng Kalakihang Java (baka ang pulo na tinawag ngayong Enggano, malapit sa kanlurang timog o southwest ng Sumatra), mga babae lamang ang nakatira at sila ay nabubuntis ng hangin. At kung nanganak sila ng lalaki, pinapatay nila ang sanggol. Mga babae lamang ang inaalagaan nila. At kung may lalaki na nagpunta sa kanilang pulo, pilit nilang pinapatay.

Sinabi rin sa amin ng mga gabay na sa ibaba ng Kalakihang Java, sa hilaga ng tinawag na lawa ng China (gulf of China) na tinawag nuong unang panahon na Sino Magno (Great China, mula sa Sinus Magnus ni Ptolemy), may isang matayog na punong-kahoy na pinamahayan ng malalaking ibon, tinawag na garuda. Napakalaki, kaya nilang tumangay at maglipad ng kalabaw o elepante (elephant).

Ang pulo na iyon ay tinawag na Puzzathaer. Ang tawag sa punong-kahoy ay Caiu Paugganghi at

ang bunga nito ay tinawag na bua paugganghi na kasing laki ng patola (pepino, cucumber).

Sinabi sa amin ng mga Moro na taga-Burne (Brunei, sa Borneo) na kasama namin sa barko, na nakakita na sila ng ibong garuda dahil nagpadala ng 2 ang hari ng Siam (Thailand ang ngayon) sa kanilang hari.

Wala raw bangka o dyong na nakakalapit sa pulo ng Puzzathaer dahil 3 o 4 leguas (19 - 25 kilometro) sa paligid nito, mapanganib ang magulo at ipo-ipong dagat duon. Unang nabatid ang tungkol sa puno ng Caiu Paugganghi nuong napadpad ng bagyo ang isang dyong at nawasak sa batuhan sa dalampasigan ng pulo. Lahat ng sakay ay nalunod maliban sa isang batang lalaki.

Nagpalutang siya sa isang pirasong kahoy at sa isang himala ay napadpad sa tabi ng puno. Umakyat siya sa puno at umupo sa hindi niya namalayang pakpak pala ng isang ibong garuda. Nakatakas lamang ang bata nang lumipad ang garuda at dumagit ng isang kalabaw. At nuon lamang nabalita ang tungkol sa puno, at nalaman

Garuda
ng mga tao na ang bungang kahoy (frutas, fruit) na napupulot nila sa dalampasigan ay bunga ng puno ng Caiu Paugganghi.

( Hawig ito sa isang alamat sa Arabian Nights. Bantog at napaka-tanda na ng alamat ng Garuda, nabuklod tuloy sa 2 pagsamba mula sa India, ang Hinduism at Buddhism.)

Rhubarb.

Ang Cabo de Malacca (Cape of Malacca) ay nasa ika-1½ guhit pahilaga at sa silangan nito, nakahanay sa dalampasigan (coast) ang maraming kabayanan at lungsod, at ang pangalan ng ilan ay Cinghapola na nasa duluhan (cape), Pahan, Calantan, Patani, Braalun, Benan, Lagon, Chereggiegharan, Tumbon, Pihan, Cui, Brabri, Bangha, Iudia na lungsod ng hari ng Siam na tinawag na Siri, tapos Zzacabedera, Jundibun, Langonpipha at Lauu. Ang mga lungsod na iyon ay hawig sa atin at sakop ng hari ng Siam.

( Marami sa mga pangalan na isinulat ni Pigafetta ay makikilala pa hanggang ngayon sa silangang baybayin ng Malay Peninsula o sa Gulf of Siam, gaya ng Cinghapola na Singapore ngayon. Ang Iuda ay Yuthia o Ayutthaya na dating kaharian ng Siam (bigkas: SA-yam), na tinatawag ngayong Thailand.)

Nasabi sa amin na sa kahariang iyon, sa tabi ng mga ilog nagpugad ang malalaking ibon na hindi kumakain ng mga napapadpad duong patay na

Vuitre hayop hanggang hindi dumarating ang isa pang ibon na kumakain ng puso ng patay. Pagkatapos lamang kakainin ng malalaking ibon ang patay na hayop.

( Tinawag na ‘haring buwitre’ (King Vulture) itong ibon dahil hinihintay ng ibang buitre (vultures) at una sa lahat kumain. Natural, ito ang kumakain sa puso, bituka at laman-luob (intestines) dahil pinaka-masarap at pinaka-madaling kainin. Subalit hindi pagka-hari kundi mas matibay ang tuka nitong ibon, kayang butasin ang makapal at matigas na balat ng patay na hayop. Kaya ring butasin ang ibang buwitre na umabala, kaya hinihintay siyang matapos kumain at umalis.)

Paglagpas sa Siam, matatagpuan ang Camogia (Cambodia) na ang hari ay tinawag na Saret

Zzacabedera, at ang Chiempa (Champa, kahariang bahagi ngayon ng Vietnam at Cambodia) na may hari na tinawag na Raia Brahaun Maitri. Duon tumutubo ang halamang rhubarb (ruibarbo), na natatagpuan sa ganitong paraan.

Isang gabi, nagsasama-sama ang 20 - 25 lalaki at pumapasok sa gubat at duon, umaakyat sa taas ng mga punong-kahoy buong magdamag upang iwasan ang mga leon, elepante at iba pang mababangis na hayop, at upang Rhubarb amuyin kung saan tumutubo ang rhubbarb.

Pagsikat ng araw, sinusundan nila ang simoy ng hangin upang mahanap ang pinagmulan ng sangsang ng rhubarb. Malaki at bulok ang puno nito. Kung hindi bulok, walang amoy ang rhubbarb. Ang mga ugat (roots) ay ginagamit na mahusay na gamot, subalit ang puno ng rhubarb ay niluluto at kinakain, at tinawag nilang calama.

Nakaraang kabanata                 Ulitin mula itaas                 Tahanan ng mga kasaysayan                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata