Mga Pilas Nitong Saysayin
Pitikin (click) alinman at tuluyin
o basahin sunud-sunod

Sino si Andrés Bonifacio?
Isang maralitang nangahas
maghangad ng ikabuti ng bayan

Ang samahang nagturo at
nag-akay sa bayan sa paghihimagsik

Ang Katipunan, bunga
ng pug-usig kay Rizal

Ang mga tuntunin ng ‘Katipunan’
Dakila ang pakay, una sa
lahat ang pag-ibig sa bayan

Mga pangaral ng ‘Katipunan’
Ipagtanggol ang inaapi,
makibaka sa nang-aapi

3 Baytang ng ‘Katipunan’
Ang batikang Emilio Jacinto
at ang mga unang sumapi

Ang ‘Hasik,’ ang ‘Balangay’ at
ang ‘Sangguniang Hukuman’

3 Tanong sa ‘Katipunan’
Ang pagsuri sa nais sumapi,
at ang inaasahang mga sagot

Lagda ng Sariling Dugo
Pagsindak sa mga sumasapi,
ang abakada ng Katipunan

Ang Kasulatan sa Pagsapi,
Ang Kasulatan sa Pagsumpa

Naghirap Mabuhay ang ‘Katipunan’
Mga dahilan nauntol ang
ang paglawak ng samahan

Tutol ni Rizal at ng mga ‘Mason’
Hadlang sa madugong lunas,
at nasaan ang salaping pantustos?

Ang Mga Unang Pinuno
Salungat sa mga balakid, ang
pagpapalaganap ng ‘Katipunan’

‘Katipunan’ ng Bayang Maralita
Sahol sa salapi, sandata at lahat,
dumog pa rin ang mga nais sumpi

Inusig ang mga ‘Mason’
Napagbintangan, malupit ang
pataw ng Castila at frayles

Kumampi na sa ‘Katipunan’
Dahil sa pag-api, nabuo ang
kaloobang bayan na maghimagsik

3 Ulit Binunyag ang ‘Katipunan’
Paulit-ulit nabunyag ang lihim
na samahan nuong Agosto 1896

Ang Pamahalaang Pambansa
Tinangka ni Jacinto itakas
si Rizal subalit tinanggihan

Simula ng Paghihimagsik!

Kagagawan ni Bonifacio
Kaya sinalanta ang mga ‘Mason’

Paglupig sa mga Naghimagsik
Sumuko sa Biak-na-bato

Pumasok ang mga Amerkano

Ang Katapusan ng ‘Katipunan’
Pinalitan ng hukbo ng himagsikan,
naging dictador si Aguinaldo

Nagwakas ang Himagsikan
Nagsimulang parangalan ng
mga taong bayan si Bonifacio

Ang ‘Magdiwang’ at ang ‘Magdalo’
Kataksilan sa Tejeros
ang nagbagsak kay Bonifacio

Ang Pagpatay Kay Bonifacio
Tumpak o mali?
Mga paratang at pagda-dahilan

‘Dapat Managot si Aguinaldo’
Bintang ni Mabini:
Walang pag-ibig sa bayan

Ang Viuda ni Bonifacio
Isiniwalat ang mga pakana upang
mabihag ang bayani sa Cavite

Mga takdang araw sa kasaysayang itó

Ang Pinagkunan ng Kasaysayan

    ANG  AKLAT  NI  ANDRES  BONIFACIO

Talambuhay Ni Andres Bonifacio

Sinulat ni Hermegildo Cruz
Ika-2 Tagapamatnugot ng Kawanihan ng Paggawa
(Vice Manager, Department of Labor)
Maynila, Sankapuluang Pilipinas, 1922

Pag-aalay

 

      ‘Inaalay sa mga bata at
      kabinataang nagsisipag-aral.’

Noviembre 1922    

 

PAUNAWA

Isang araw, bago sumapit ang ika-30 ng Noviembre 1921, na ginawang araw na pangilin (holiday) mula nuon ng ating mga Kinatawang tagapagbatás (Philippine Assembly), lumapit sa akin ang mga anak kong nagsisipag-aral sa mga paaralang-bayan at ibinalita ang ganito.

“Bukas, wala kaming pasok. Pistá daw, tatay, ni Bonifacio,” at saká pamanghang itinanóng sa akin, “Sino ba si Bonifacio?”

Wari ako’y natubigan...

Nguni’t hindi dapat pagtakahan ang pagkamangha ng mga bata, sapagka’t sa ating mga paaralang bayan, ang kabuhayan ni Andrés Bonifacio at ang kasaysayan ng “Katipunan” ay itinuturo ng pahalaw lamang sa mga nagsisipag-aral na ng ika-7 baytang (septimo grado, 7th grade) na hindi ipinakikilala ang buong kasaysayan ng “Katipunan” at gayon din ang kanyang makabayang palatuntunan at matataas na aral na ipinunla sa bayan, na siyang nagturo at nag-akay sa mga Pilipino sa pagguhó ng kalupitan at pagbusabos, at nagtanim sa ating mga puso ng maningas na damdamin ng Kalayaan at Kasarinlan (freedom and independence).

Sa maiikling pangungusap, aking ipinatanto sa mga anak ko ang buong kabuhayan ni Andrés Bonifacio at ang sanhi at katwiran kung bakit siya ay ibinubunyi ng ating lahi’t pamahalaan. Akin ding ipinakilala sa kanila ang mga aral ng “Katipunan” at isinaysay ang pakinabang na natamó ng Bayang Pilipino sa paghimagsik na pinamatnugutan ng kapisanang itinatag at pinamunuan ni Andrés Bonifacio.

Hindi kayâ kailangan na ang mga isinaysay ko sa aking mga anak ukol sa dakila at maningning na kasaysayan ng ating lahi, ay maipaalam din sa madlang nag-aaral sa ating mga paaralan? Itó lamang ang tangi kong hangad sa pagsulat ng munting aklat na ito.

Sino si Bonifacio?

Si Andrés Bonifacio ay isáng tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika-30 ng Noviembre 1863 sa isang bahay na pawid sa puok sa harap ng himpilan ngayón ng tren (ferrocarril, railroad) sa daang Azcárraga (Claro M. Recto avenue ngayon), sa Tondó, Manila. Ang kanyang amá ay si Santiago Bonifacio, na ang hanap-buhay ay mananahi (sastré, tailor). Ang kanyang ina naman ay si Catalina de Castro. Mga taal na taga-Maynilŕ. Ang kanyang mga magulang ay mga taong dukha kaya siya naman ay isang taong mahirap.

Nagkaroon siya ng 4 kapatid, sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang 2 una at ang huli ay patay na. Ang babae ay buhay pa (nuong 1922), asawa ng nasirang bayani, si Teodoro Plata, na isá sa mga masikhay (matalik, malapit) na kasama ni Andrés Bonifacio.

Siya ay nag-aral sa paaralan ng isang guro, si Guillermo Osmeńa, sa pook ng Meisik, Binundok (Binondo ngayon), Manila. Datapwa nang siya ay tumutuntong na sa ika-14 taon, namatay ang kanyang mga magulang at dahil dito, naputol ang kanyang pag-aaral. Siya nuon ay maalam nang bumasa at sumulat ng wikang sarili (Tagalog) at Castila.

Upang siya ay mabuhay, sampu ng kanyang mga kapatid, binatak ang sariling buto at siya ay naglako ng mga tungkod (bastones, walking sticks) at mga pamaypay na papel na ginagawa niya sa luob ng kanilang bahay. Gayon din ang ginawang hanap-buhay ng kanyang mga kapatid.

Nang si Bonifacio’y nakapagsanay na sa pagsulat, siya ay pumasok na utusan sa bahay-kalakal ni Fleming, at pagkaraan ng ilang panahon ay ginawa siyang kinatawan (agente) ng nabanggit na bahay-kalakal sa pag-bibili ng sahing (puno ng pili), yantok, at iba pa.

Nang lumipas ang ilang panahon, naging kawani (personero, employee) siya sa bahay-kalakal nina Fressell & Co., sa bilang 450, daang Nueva, Maynilŕ. Ang sahod niya ay mga 12 piso lamang sa isang buwan. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga tungkod at pamaypay, na inilako ng kanyang mga kapatid.

Bukod sa kanyang hanap-buhay, si Bonifacio ay mahilig magsulat sa sariling wika at may magandang ayos ang kanyang sulat. Dahil dito, nakatulong sa kabuhayan nilang magkakapatid ang paggawa ng mga tatak at paunawa sa mga kayo (tela, cloth) na ipinagbibili rito sa atin.

Siya ay mahilig sa pagbasa ng mga aklat at ang kanyang kina-himalingang basahin ay ang mga aklat na nakapagturo ng kabayanihan, tulad ng kasaysayan ng himagsikan sa Pransiya (French revolution), “Las Ruinas de Palmira,” “Los Miserables” ni Victor Hugo,El Judio Errante,” ang Biblia, ang mga aklat ni Jose Rizal at ibá pa. Siya ay tutuong mahilig sa pagbasa. May mga gabing halos hindi nakakatulog sa pagbabasá.

Siya ay nagka-asawa. Ang naging kabiyak ng kanyang pusó ay pinalayawan ng Oriang (Gregoria de Jesus), tagá-Caloocan na ang sagisag ay “Lakambini.” Sila ay nagkaroon ng isáng anák na namatay (sa bulutong).

May mga sulat na naiwan si Bonifacio. Mga pahayag ukol sa paghihimagsik, “Ang dapat mabatid ng mga Tagalog,” “Ang Pag-ibig sa Tinubuang Bayan,” (tula) at iba pa. Nguni’t ang lalong pinaka-mahalaga, bukod sa tuntunin at mga aral ng Katipunan at ang “Katungkulan ng mga Anák ng Bayan” ay ang “Huling Paalam” ni Rizal, na kanyang isina-Tagalog sa gitna ng pagdagundong ng paghimagsik, na siyang inawit ng ating mga kawal nang sila ay nakipaglaban sa Castilŕ.

Dinadakila ng Bayang Pilipino si Andrés Bonifacio at siya ay ipinalalagay na dakilang bayani, kapiling ni Rizal, sapagka’t siya ang nagtayo at nahalal na pangulo ng “Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan,” na pinagka-utangan ng Bayang Pilipino ng kabayanihan sa pag-usig ng kanilang ikalalaya. Ang sagisag niyá ay “May-pagasa” na “nangyari” bago siyá mamatay.

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga Kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas          Sunod na kabanata